BTNTF Twenty Three

463 54 60
                                    




"MAELEE! Open this damn door!" Sigaw ni Aldrin sa labas ng unit ni Maelee, nakikipagmatigasan. Ilang araw na ring iniiwasan ng kapatid.

Nakabalik na si Maelee sa sariling condo unit. Ito na rin ang nagpapalakad ng branch ng By The Bench sa Main St.

"It's been three months Lee, would you just please let go and let's talk?!" Sigaw pa rin niya, ngunit hindi pa rin siya napapagbuksan ng pinto ng kapatid.

Napagod na lang siya sa kakakatok sa pinto ng kapatid. Katulad din ng mga nagdaang araw, walang Maelee na lumalabas at humarap sa kanya.

Simula ng nagkausap-usap sila sa bahay ng magulang ay naging mas malayo na sila Maelee at Aldrin sa isa't isa.

First time na nangyari sa bahay ng mga Richards. Maging ang mga magulang ay walang magawa para sa kanilang magkapatid at yun ay dahil sa kanya.

Alam niyang nasa loob ang kapatid dahil nakita niyang pumasok na ito kanina.

Maaga siyang umuuwi sa hapon at inaabangan ang kapatid na aalis ng coffee shop. Susundan niya ito na parang isang stalker hanggang sa makauwi ito. At sa tuwing kakausapin niya ito ay ayaw nitong humarap sa kanya.

"Mae, mag-usap naman tayo oh." Pakikiusap niya.

"What for, Kuya Aldrin? We have nothing to talk about." Malamyang turan ni Maelee. Hindi nagbubukas ng pinto.

"Mae, please don't do this to us." Halos nagmamakaawa ang kanyang boses.

"I trusted you to be my brother, not to be my father. I already have one." Tumulo na ang mga luha ni Maelee. Nasasaktan pa rin siya dahil wala man lamang ginagawa ang kapatid niya para baguhin ang sitwasyon nila maliban sa pilitin siyang makausap.

"I know I was wrong, but can we at least talk more about us?" Masayang pag-agos luha lang ang tugon ni Maelee kay Aldrin.

"Just leave. I don't to talk about us." Ang tanging nasabi ni Maelee bago tuluyang nawala ang presensiya nito sa kabilang bahagi ng pinto.

Yan palagi ang kinahihinatnan kanilang usapan. Magkakasagutan sila at sa bandang huli, si Maelee ang aalis para matapos na.

Magmula noon kahit na anong gawin ni Aldrin na kausap sa kapatid ay hindi na ito magsasalita at hindi na rin siya nito tinitingnan.

Sa tuwing maaabutan niya ang kapatid at pipigilan ito, tinitingnan lang nito ang kamay niyang nakahawak sa kamay o braso nito at hindi sa kanya.

Sa tuwing gagawin yun ni Maelee ay para naman siyang napapaso sa kapatid at binibitiwan ng lang niya ito.

Gago mga siya siguro para isipin na balewala lang ang lahat. Tanga nga siya para isipin na maliit na bagay lang ang nangyari sa kanila.

Unang pag-ibig ito ng kapatid, maging siya ay ganun din.

Ano ba ang gusto niyang maramdaman ni Maelee? Matuwa? Magdiwang? Magsaya? Magpa-fiesta? Natural hindi.

Bakit nga ba hindi niya ilagay ang sarili niya sa sapatos ng kapatid.

Sa gabi, bago siya matulog, ang huli niyang nakikita ang mataray, ngunit napakagandang mukha ni Brynn.

Ang mapangusap nitong mga mata, ang malambot nitong mga labi na hindi niya pagsasawaang halikan kahit kelan.

At sa pagpihit niya, larawan pa rin ng dalaga ang tumatakbo sa isip niya tapos magigising siyang bigo, iiyak at mumurahin ang sarili.

Kung siya ay ganyan, ano pa kaya ang kapatid niya. He has to do something. Pero ano? Gago ka kasi, Aldrin! Kastigo niya sa sarili.

Before The Next Teardrops FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon