BTNTF Twenty Six

817 61 66
                                    




 IT'S been four months since the incident in the hospital and it's been that long since she was unexpectedly engaged to Aldrin.

"Viper, were you able to close that deal with the de Santino's in Cebu?" Nakatutok ang mata ni Brynn sa monitor ng kanyang laptop. Bahagyang mainit ang ulo niya dahil sa mga files na magulo at hindi mawaring inis.

"I did." Kalmadong sagot nito. Hindi pa rin tumitingin si Brynn sa nakababatang pinsan. "Na-close ko na yun last month pa." Dugtong pa ni Viper.

Naiiling na lang ito dahil sa sobrang pagkakatutok niya sa screen hindi alam ang nangyayari sa loob ng sariling opisina. Kung ano man pinagkakaabalahan niya, siya lang ang nakakaalam.

"Okay. Paano naman yung mga stipulations nila, na-meet ba yun ng Team Cebu?" Tanong uli niya. Wala sa kausap ang mga mata kundi nasa monitor pa rin ng kanyang laptop.

"Isa na lang ang ginagawan ng paraan ng mga tauhan natin doon. They were trying to see kung yung mga may-ari ng island resort ay in compliance sa agreement natin." Tsaka pa lang siya tumingin kay Viper. Nakatayo ito sa mismong harap ng kanyang lamesa kaya hindi kita kung ano ang nasa likuran nito.

"What do you mean they are trying to see if they are in compliance? Dapat tapos na yun three months ago pa kung last month mo pa na-approve ang partnership sa kanila. Paano mong naipa-approve yun kung hindi sila in compliance? Viper naman..." Magkasalubong ang kilay ni Brynn. "You shouldn't have approved it kung ganyan din lang!" Balik na muli ang tingin sa monitor. Napakamot ng batok niya si Viper.

"Okay mali ako." Pagtutuwid ni Viper. "They are in compliance, pirmado na ng tatlong magkakapatid na de Santino-Garcia ang lahat ng documents na kailangan. Ang hindi na lang nila nagagawa ay yung video seminar. It is needed but not a part of all the requirements for approval mula sa atin. Yan yung dating optional na ni-require ni Tito Siege at Lolo Gramps para mas may lalim na kaalaman ang mga partners sa mission and vision ng Scottsdale Empire at purpose ng partnership." Napatingin uli si Brynn dito.

"Anong seminar?" Tanong niya. Titig na titig ito kay Viper. Napangiti naman ang pinsan. Hindi yata nakikinig si Brynn sa kanya.

"Ang layo mo, teh." Natawa nitong puna, nagtaas ng kilay si Brynn. Nagpatawa si Viper. "Yung video seminar nga, the one we always ask our new partners to watch para mas madali para sa kanila ang pag-intindi ng pinapasok nilang partnership."

Eh anong problema?" Tanong niya, balik sa monitor ang mga mata.

"Hindi naman siya problema, gusto lang nating mas maunawaan nila ang lahat. Ang kaso ay hindi magtugma ang mga schedule ng magkakapatid to be in one place, even for just a day." Napakunot muli ng noo si Brynn sa sagot ni Viper. Nagtaas siya ng tingin.

Supil ang ngiti ni Viper dahil alam niyang ilang tulak na lang ay tatarayan na siya ng pinsan. Bumuga siya ng hangin.

"Ano ba yang mga tauhan natin sa Cebu, mga tanga?" Sabi niya at saka ibinalik na muli ang mata sa screen ng monitor. Napailing na lang si Viper. "Old school ba ang Cebu branch at hindi nila alam ang webinar version nun?" Napatda si Viper sa kakalmahan ni Brynn.

"Hindi ka galit?"

Naguguluhan nitong tanong nito. Titig na titig ito sa nakatatandang pinsan.

"Viper, kung tinatanong mo ako niyan just to get a reaction from me, I'll be honest with you, galit ako. Galit na galit ako. Kaya ayusin mo yan dahil nag-email na ako sa HR ng Cebu branch, just right now, to fire the team and hire young minds. If the HR don't follow it, pati sila tanggal. Mag-announce ka na ng job fair para sa Cebu branch." Ramdam ni Viper ang galit sa boses ni Brynn ngunit kalmado lang ito at yun ang ipinagtataka niya.

Before The Next Teardrops FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon