"OH SHIT!" Sigaw ni Rikki. Nataranta ito at si Alexa na saluin si Maelee. Mabilis namang tumakbo si Bianca sa kusina para kumuha ng tubig, habang inaayos ni Brynn ang mga throw pillow sa mahabang sofa.
"Here! Lay her here!" Natarantang sabi ni Brynn. Mabilis namang tinulungan ni Bianca si Rikki at Alexa na ihiga ng maayos si Maelee.
"Shouldn't we be calling Ethan? I'm sure nakarating na yun." Tanong ni Bianca. Umiling si Brynn.
"Do you want us killed?!" Nahihintakutan nitong sabi. "This is Maelee here." Turo ni Brynn sa future hipag na walang malay na nakahiga sa sofa.
"She's right." Singit ni Rikki.
"Kapag nalaman ni Kuya Knight na lumapit tayo kay Maelee nang wala siya at ganito pa ang nangyari, you think he will be nice to me, to you... to us. Baka pati si Rikki at Alexa madamay pa." Pamaktol niyang sambit na parang isang batang inagawan ng paboritong kendi.
"If we are not going to call Ethan, at least let's call someone... Aldrin, maybe?" Mabilis na sambot ni Bianca. "Mas lalo lang magagalit si Ethan kapag nalaman niyang hinimatay si Maelee tapos hindi natin siya tinawagan. Brynn, alam mong limang araw silang hindi nagkita. Then to make things worse, you made me call her this morning with that stupid alibi. Baka mamaya inisip nitong pinagnanasaan ko na naman si Ethan. Ewww!" Narinig ni Rikki ang pandidiri ni Bianca sa pagkakasabi ng huling kataga.
"Why do I sense something?" Nakataas ang kilay ni Rikki. Mataman lang na nakikinig ang dalagitang kapatid ni Maelee, ngingiti-ngiti.
"Don't get me wrong. Oo nga at gwapo si Ethan, he has the 'to die for face and physique, but he is not my type." Umarte pa itong nangaligkig, diring-diri. Napahagikhik si Alexa. Napatingin sila dito.
"What?" Tanong ng dalagita nang makitang nakatitig ang tatlong nakatatandang mga Ate sa kanya.
"Anyway, we need to get her some help." Natataranta na si Brynn. "Anong oras na oh." Dugtong pa nito. Sabay-sabay silang natingin sa mga relo nila.
"She just fainted okay. It's not like she's gonna fall into coma." Pilit pinakakalma ni Rikki ang sarili.
"Okay. Rikki get some pillow from her room, we need to elevate her head more for better breathing. Brynn, get a fan or something and turn it on low, we need good and continuous air flow. I will open the sliding door to the terrace. Alexa, will you massage your Ate's feet? We need to get her blood circulating well for better oxygen in her blood. Diyan sa pagitan ng kanyang mga daliri sa paa papuntang sakong hanggang doon sa achilles niya, just gently massage it. Ako naman dito sa kamay niya after ko bukas ang sliding door." Utos ni Bianca.
Mabilis na sumunod ang mga ito sa utos niya at nagkanya-kanya ng pulas. Kung makikita lang sana ni Maelee ang pag-take charge ni Bianca baka mag-iba ang pananaw niya sa dalaga.
"Unan." Sambit ni Rikki sabay lahad ng dala niyang unan.
Tumayo si Bianca sa pagkakaluhod sa harap ng Maelee at tinulungan si Rikki para mailgay ng maayos ang una sa ulo nito. Maya-maya lang ay naramdaman na nila ang banayad na ihip ng electric fan, si Brynn.
"Is there anything else we need to do?" Nag-aalalang tanong ni Brynn. Sasagot na sana si Bianca pero hinarang niya ito. "Except calling Kuya Knight." Sabi niya. Ngumiti at umiling na lang si Bianca.
"This is just the first aid for this. This is what I do to Chris whenever she's having her fainting spells." Sabi ni Bianca.
"Chris??/Chris..." Sabay na sambit ni Rikki at Brynn.
![](https://img.wattpad.com/cover/159674294-288-k55727.jpg)
BINABASA MO ANG
Before The Next Teardrops Fall
Roman d'amour⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Sa simula pa lang umibig na. Sa simula pa lang umiwas na. Ano ang gagawin kung ang puso ay magkasabay na tumibok ngunit magkaiba ng desisyon? Ano ang mangyayari angnpuso ay sumunod sa dikta isip? Magtutuloy pa...