BTNTF Seven

543 50 25
                                    









"SCOTTSDALE? As in, Scottsdale Empire ng mga Scott? As in Athena Brynn and Ethan Siegfried Scott?" Tumango lang siya bilang pagsagot dito. "Wow." Nilingon niya ito.

"Wow? What's that supposed to mean?" Tanong niya dito, naghihinala. Nakita naman kaagad ni Philip yun. Tamang duda lang? Naisip nito ngunit ngumiti lang.

"Wala lang. Just wow lang." Napapailing na lang ito. Napa-paranoid na naman ang kaibigan niya.

"Ewan ko sa iyo, ang dami mong alam. Tara na. Bumaba ka na." Aya niya sa kaibigan. " Let's unwind a little bit." Dugtong pa niya. Nasa tapat sila ng Four Square ngayon.

"Wow! Drin, ikaw ba yan?" Natawa siya sa kalokohan ng kaibigan. Sino nga ba naman ang maniniwalang siya ito? Noong nasa college pa sila ay bahay-eskwela-eskwela-bahay ang rota niya, sapilitan pa para lang makasama siya sa ibang lakad.

"Ulol!" Sagot niyang iiling-iling ngunit natatawa.

"Hindi lang ako makapaniwala, Bro. Ang isang Aldrin Dennison Richards ang nag-aaya sa akin. Drin, first time ito, huh. Dati kasi kailangan ka pa naming i-blackmail para lang sumama sa mga gimik. This would go down in history, Bro." Nasuntok niya ito ng pabiro sa balikat bago pa sila umibis ng sasakyan.

"Ang dami mong alam!" Pabirong singhal niya dito tsaka lumabas ng kotse. Tatawa-taang sumunod na rin si Philip sa kanya.

Inikot nila ang tingin sa lugar. Maraming sasakyan ang naka-park, may mga nakakalat ding mga security guard sa parking lot at may dalawa din sa pinto. Malinis ang kabuuan nito.

Nagtuloy na sila na parang wala lang. Sumaludo ang isa sa dalawang security guard kay Aldrin, napangiti si Philip.

"Kilala ka, Bro?" Pilyong tanong nito. Ngumiti lang siya at walang kibong nagpatiuna na.

Bumungad sa kanila ang malamyos tunog ng musika, samu't saring amoy ng pinaghalong pabango at usok ng sigarilyo. Ramdam ang pagiging homey ng ambiance ng lugar. Iginiya sila ng babaeng receptionist sa isang booth type na pang-apatan.

"Ang ganda dito ah." Puna ni Philip. Nagpalinga-linga din siya sa loob ng resto-bar na ito.

Maganda nga pero mas nagagandahan siya sa Slinkee's. He can't wait for it to get done. Mas gusto niya ang ambience nun.

"Yeah. Maganda nga, homey ang feel, pero mas maganda at mas homey pa rin ang Slinkee's." Naisatinig niya. Tumango-tango naman si Philip bilang pagsag-ayon sa kanya. Tambayan ng grupo nila ang Slinkee's kahit noon pa.

May lumapit na waiter sa tabi ni Philip dahilan para lingunin niya ito. Napansin niya sa kabilang booth ay may nakaupong grupo ng mga tao at isa na doon ang naging kaibigan niya noon sa eskwela, si Rikki.

Ibinigay nila ang order sa waiter at umalis na ito. Napansin ni Philip ang pagtingin-tingin ni Aldrin sa kabilang booth.

"Ayos ka lang ba, Drin?" Tanong ni Philip. Pumitik-pitik pa ito ng daliri sa harapan niya. Napapitlag siya.

"Phil, di ba si... Rikki yan?" Inginuso niya ang nasa kabilang booth. Nilingon uli ni Philip ito at tinitigan.

"Wow. Oo nga 'no. She's still beautiful." Wala sa loob na puna ni Philip. Napansin niya ang kislap sa mga mata ng kaibigan.

"Type mo?" Tanong niya dito. Umiling lang si Philip.

"Matagal na but she's out of my league. Alam mo naman yan college pa tayo." Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.

Oo nga pala, ultimate crush nga pala ito ng kaibigan niya, kaya lang graduating na sila noon at freshman pa lang sa college si Rikki. Naging close sa kanya si Rikki dahil naging kagrupo niya ito sa org nila noon.

Before The Next Teardrops FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon