ALDRIN wasn't happy that Brynn wasn't answering his calls, nor his texts. She's not even returning his calls either. He's starting to get pissed na parang gusto na niyang magbasag ng gamit.
First time itong nangyari sa kanya na yung babaeng pinagtutuunan niya ng pansin ay parang balewala lang siya dito. Well, wala pa namang siyang natipuhan noon. niligawan at wala din naman siyang inagrabyadong babae. Kumbaga, ngayon lang talaga siya pumansin ng babae tapos ganito pa.
Nung huli silang mag-usap ni Brynn ay pareho nilang nabuwag ang kanya-kanyang pader na puno ng tensyon. Dalawang huling beses na pagkikita na humantong sa mainit na halikan. Pareho nilang niluwagan ang kanilang mga butones at nagkaalaman sila na pareho lang pala sila ng nararamdaman sa isa't isa kaya pareho silang naiinis dahil mas ginusto pa nilang galitin ang bawat isa para lang mapagtakpan ang kanilang mga namumuong damdamin tapos ngayon bigla na lang itong iiwas sa kanya kahit hindi pa siya sigurado. Pakiramdam niya bumalik sila sa kung saan sila nagsimula, hindi magkakilala.
Flashback:
"Excuse me!" Pagpapaalam ni Brynn dahil gusto daw nitong magbanyo.
And knowing his pestering nature with her, nagbingi-bingihan siya. Kaya ang siste, nabatukan siya ni Brynn dahilan para siya mapatayo ng wala sa oras, natulala.
Nag-uumusok ang ilong niya at tenga dahil wala pang nakakagawa sa kanya ng ganun kahit na ang Mommy niya na magaling sa mga ninja moves at Mama reflexes.
Sinamantala naman ni Brynn ang pagkakataong nakatulala ang aroganteng binata dahil sa ginawa niya para umalagwa at nagtuloy-tuloy sa banyo. Kita niya ang pagkabigla ng mga kasama nila. Hindi makapaniwala ang mga ito sa kanyang ginawa ngunit hindi naman nagsipagsalita.
Lihim siyang natuwa at natakot din. Sino ba naman ang hindi matatakot kung ang isang katulad lang niya lang ang makakabatok sa isang Aldrin Dennison Richards, ang pinakabatang negosyante at tinitingala ng ibang mga katulad nito at pinagpapantasyahan ng mga kababaihan at kabaklaan. Maging ang mga matrona ay tumutulo din ang laway sa binata, yan ang sabi ni Rikki.
Sinundan ni Aldrin ng tingin si Brynn na hindi kaagad makahuma sa naganap. Nabatukan siya ng babae ng walang kahirap-hirap, natawa siya ng lihim at naiinis din, napailing-iling siya.
Nagsimula siyang maglakad papunta kung saan papunta ang dalaga ng makabawi sa kanyang pagkabigla. Kahit na naririnig pa niya ang pagtawag sa kanya ni Phil at ni Rikki ay hindi niya pinansin ang mga ito. He is a guy on a mission, a mission to make a goddess like Athena Brynn Scott, know who she's messing with and make her pay for it.
Ang tanong... mapasuko niya nga ba niya ang isang diyosa ng emperyo? Brynn is a goddess, and according to Rikki and Phil, he is just a demigod. What power he has over the one mightier than him. Shit! He cussed inwardly. Napapasubo siya sa babaeng ito.
Nakita niyang tahimik lang na pumasok sa banyo ng bar ang dalaga. Kaya ang ginawa niya ay mabilis na hinanap ang manager. Na-timing-an naman na nasa Slinkee's din pala ang isa sa may-ari nito, Jonri da Silva.
Kinausap niya ito para pabantayan muna ang pinto banyo ng ladies dahil nasa loob daw ang "girlfriend" niya at nagbibihis dahil nagsuka sa labas.
"No problem, Aldrin. Ikaw pa, malakas ka sa akin." Nakangiti nitong sabi. Tinapik pa nito ang balikat niya.
"Salamat, Jonri. Pasensiya na, ayoko lang may makapasok sa loob, tapos maabutan kami doon at baka mapag-isipan pa kami ng kung ano-ano ng girlfriend ko. Tutulungan ko lang sana siya." Sabi pa niya. Naniwala naman ito, ngunit may malapad din itong ngiti.
BINABASA MO ANG
Before The Next Teardrops Fall
Roman d'amour⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Sa simula pa lang umibig na. Sa simula pa lang umiwas na. Ano ang gagawin kung ang puso ay magkasabay na tumibok ngunit magkaiba ng desisyon? Ano ang mangyayari angnpuso ay sumunod sa dikta isip? Magtutuloy pa...