"MAELEE!" Sigaw ni Rikki. "Di ka pa rin ba tapos diyan?" Tanong ng kaibigan. Siguro nga ay naiinip na ito dahil kanina pa nga naman siya sa banyo. Napangiti siya.
Kung ngayong gabi niya muling makikita si Ethan pagkatapos ng hindi nito pagpapakita sa kanya ng ilang araw, sisiguraduhin niyang mabangong-mabango siya at magandang-maganda siya para dito. Sisiguraduhin niyang pagsisisihan ni Ethan ang hindi nito pagpaparamdam.
Tama na ang pagiging miserable niya na walang rason. Tama na ang pagmumukmok na walang dahilan. Tama na ang pag-iyak na walang katuturan. Paano kung may hindi magandang nangyari kay Ethan tapos siya ay nagkukulong lang sa condo at galit sa binata na walang basehan? Anong klaseng finacée siya? Paano kong kailangan pala siya ni Ethan, tapos eto siya, nag-eemote ng walang katuturan?
Kung bakit naman kasi inuna pa niya ang maging isip-bata gayun hindi naman siya ganito. Hindi siya pinalaking maarte ng mga magulang kaya hindi siya dapat na nag-iinarte. It was a poor choice of action coming from her and it will never happen again. I hope so.
Napatunganga si Rikki at Alexa ng makalabas siya ng kanyang banyo na maayos nang nakalagay ang manipis at simpleng make-up niya na talagang mas lalong nagpatingkad ng ganda ng isang Maelee Daine Richards.
Mapula man ang lipstick na napili niya pero maganda ang pagkakalapat nito sa buo ngunit malambot niyang labi. At kung sakaling sisipot si Ethan ngayon gabi sa bahay ng mga magulang niya ay siguradong hindi na ito aalis pa. Napabungisngis siya sa naisip.
"Ate? Is that you?" Humahanga ng tanong ni Alexa. Lumapit pa ito sa kanya para titigan siya ng malapitan at pinaikot.
"Don't be exaggerating, Alex. Okay." Natatawa niyang sabi. Napailing siya. Napatitig siya kay Rikki dahil bigla siya nitong iniharap sa kanya.
Tinitigan siya nito na parang sinusuri mula ulo hanggang paa, pabalik sa kanyang mga mata at salitang tinitigan ang kanyang mga mata.
"GYAAAAHHH!!! Oh my God, Maelee!" Bahagyang napaatras si Maelee dahil sa pagtili ni Rikki. "You have a grand plan running in your head right now!" Malapad ang makahulugang ngisi nito. Bahagyang kinilabutan si Maelee sa titig ng kaibigan.
"Gosh, Rikki! I am awake already for God's sake. You don't have to break my eardrum in the process." Natatawa niyang sabi, pilit na kinakalma ang sarili. Ayaw niya sa nakikitang kapilyahan sa mga mata ng kaibigan.
Alam ni Alexa na tatagal pa ang usapan nila kaya sumingit na siya sa dalawa dahil kung, bukas pa matatapos ang dalawang ito sa eksenang hindi alam at maintindihan ang mga sinasabi ng dalawang Ate.
"Ahm... it's getting late and Mom strongly dislikes waiting." Pagpapaalala sa kanilang dalawa.
"Oh snap! That's right." Natatarantang sagot ni Rikki nang maalala ang mahigpit na bilin ng Tita Maine nito.
"Ate Maelee, you need to wear this." Mabilis na nilingon ni Maelee ang kapatid. Napabalik siya ng tingin kay Rikki nang makita ang hawak na naka-hanger na damit nasa loob pa ito ng isang transparent na plastic garment cover.
"Where this one come from at bakit yan ang susuotin ko?" Nagtataka niyang tanong. "Akala ko ba dinner lang?" Nakita niya ang pagkataranta ni Rikki.
"We don't know what got into Mom's head but that's what she sent us here for you to wear." Mabilis na sagot ni Alexa. Isa naman ba ito sa trip ng Mommy niya. "And besides Tita Allyn insist. She and Tito Rich are coming for dinner. Tito Nikko and Tita Cyrene are coming, too, with the kids." Napataas ang isang kilay ni Maelee.
![](https://img.wattpad.com/cover/159674294-288-k55727.jpg)
BINABASA MO ANG
Before The Next Teardrops Fall
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Sa simula pa lang umibig na. Sa simula pa lang umiwas na. Ano ang gagawin kung ang puso ay magkasabay na tumibok ngunit magkaiba ng desisyon? Ano ang mangyayari angnpuso ay sumunod sa dikta isip? Magtutuloy pa...