"KUYA Knight?" Nagulat si Brynn nang makita ang kakambal sa opisina ni Maelee.
She knows that he will be here but she was still caught off guard. The weird part was, why is he facing the wall like he was examining the... painting?
Tumaas ang kilay niya. Wala naman siyang nakitang kakaiba sa dalawa maliban nga sa parang batang na-timeout ng teacher ang kakambal at pinaharap sa ding-ding. Nakaharap naman si Maelee sa computer monitor nito. In short, casual business ang dating.
"B-brynn—" Nauutal na sambit ni Ethan. Napangiti si Brynn dahil doon. Parang alam na niya kung bakit nakaharap ito sa dingding.
"Kuya Knight, nag-brief ka ba?" Nagitla si Ethan sa ibinulong ng kapatid sa kanya. Nakatingin doon. "Parang kasing hindi eh." Napatingin si Ethan sa tinutukoy ni Brynn. Nag-init ang pisngi niya. Hindi niya akalain na ganun pala ito kapag...
"What are you doing here?" Tanong niyang matiim. Wala siyang pakialam kung nakita nito ang epekto ni Maelee sa kanya. She shouldn't be here to raise hell with his girl around. Yes, Maelee is his girl. He's claiming it dahil yun ang totoo.
"Relax, Kuya Knight. Masyado kang highblood. I am just going to invite Maelee for a cup of coffee. Chill, okay." Natatawang sabi ni Brynn.
"What are you doing here?" Tanong niyang muli. Seryoso siya at hindi man lang nagpakita ng konting ngiti dahil napansin niya ang pagkagitla sa mukha ni Maelee.
Napansin din niya ang kabang gumuhit sa mga mata niyo. Brynn have a way of making people uncomfortable kahit saan ito pumunta at kahit na hindi pa ito magsalita. And he won't let her intimidate Maelee.
"We have a meeting at 10. Mom told me to come and join it. Viper is here, too." Sagot nito sa kanya. Naningkit ang mga mata ni Ethan. Tinatantiya ang mga sinabi ng kapatid.
"Since Viper is here, why don't you go back to Makati?" Nakamasid lang ang hindi makakilos na si Maelee. Pigil ang hininga nito at hindi makapagsalita para awatin ang dalawa.
"Kuya Knight, if you are thinking that I am here to raise hell with her, well, you're wrong. I am here dahil Rikki Mae told me about the program that Ms. Richards ask her to create for accounting department. I wanted to see how it works and what benefit we could from it. Relax ka nga. Hindi ko aawayin ang girlfriend mo. Takot ko lang sa 'yo." Nakangiti nitong sabi. Walang bahid ng pagkukunwari. Kilala naman niyang prangka at totoo ang kapatid niya, nagbi-beast mode lang ito kapag ibang babae ang usapan.
"Ethan, it's okay. I can go with her to have a cup of coffee." Sa wakas ay natagpuan na ni Maelee ang boses niya. Wala ng nagawa si Ethan kundi ang huminga ng malalim at ibinuga ito.
Lumapit siya sa dalaga at kinabig ito palapit sa kanya. Wala siyang pakialam kung nandito ang kakambal niya sa harap nila. It is better for her to see how special Maelee is to him. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito bago bahagyang iginiya palabas ng opisina nito.
"Brynn, I am warning you." May pagbabanta sa tinig ni Ethan.
"I know, Kuya Knight. Just make sure to take care of her para naman hindi sayang." He was a little taken back to see pain and sadness that crossed Brynn's eyes and lingered for a while before she smiled at him. Naisip niya na baka nagseselos lang ito dahil hindi na siya ang number 1 sa puso niya. Nakaramdam siya ng kirot.
Brynn knew that her brother is trying to see more of the pain that she's feeling. She had learned over the years how to hide her emotion from him, kaya kahit papaano ay nagiging normal ang buhay niya kahit pa noong nabu-bully siya sa school after na maka-graduate si Ethan ahead of her. If not because of her friends, she might have suffered a little worse than she has, pero kailangan niyang magpakatatag para hindi na palaging napapasabak ang kambal niya.
BINABASA MO ANG
Before The Next Teardrops Fall
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Sa simula pa lang umibig na. Sa simula pa lang umiwas na. Ano ang gagawin kung ang puso ay magkasabay na tumibok ngunit magkaiba ng desisyon? Ano ang mangyayari angnpuso ay sumunod sa dikta isip? Magtutuloy pa...