BTNTF Thirty

207 12 8
                                    







NAG-UMPISA nang magsindihan ang mga ilaw sa hardin ng mga Richards. Para itong isang maliit na park na napapalibutan ng naggagandahan at mahahalimuyak na mga bulaklak. Kaakit-akit ang pagkaka-decorate nito. Puro puti ngunit iba't-ibang klase ng bulaklak ang nakapalamuti sa kabuuan ng hardin.

Maging ang bermuda grass na parang banig sa ganda ng pagkakalatag ay may nakakalat ng mga fairy lights na sinlaki ng butil ng bigas na kung tawagin ay rice lights.

Maaliwalas ang hardin na parang isang paraiso ng puno ng bulaklak at puno alitaptap na kumukuti-kutitp na parang nakikipagkwentuhan sa isa't isa.

Ang mga lamesa naman ay napapalamutian ng isang babasaging crystal na parang katulad ng glass case na may nag-iisang puting rosas sa loob katulad ng sa The Beauty and the Beast. May maliliit na rice light din sa loob nito na nagsilbing ilaw ng bawat lamesa.

Namamangha si Ethan sa nakita. Hindi niya alam kung paanong nahulaan ng mga Mommy nila na may kasalang magaganap ngayong gabi. Hindi niya maubos maisip na napangunguhan siya ng mga magulang nila, gayun pa man ay matutuwa siya.

Iniwan niya si Maelee sa kwarto nito para matapos kung ano pa ang gagawin nito. Masaya siya na pumayag na ito sa gusto niya dahil bukas makalawa ay babalik na naman siya sa Venice at maaaring magtagal siya doon ng tatlong buwan o mahigit pa. Hindi na siya papayag na maiwan si Maelee. Hindi siya papayag na mawalay pang muli dito.

Tonight, he can not contain his happiness. He can not stop smiling. He was so happy that his heart was aching for Aldrin, who was just sitting on one chair not too far from him, frowning. He felt that something had happened and he wanted to know.

Aldrin was smiling from ear to ear not long ago and now, he's not. He is more than happy now and Aldrin is the opposite of him. He gritted his teeth, he took a deep breath. Athena Brynn. What did you do?

He turned around and went inside the Richards' house, he's a man on a mission. As he walked in, he was stopped by one of the house staff or something. Hindi daw siya pwedeng pumasok dahil hindi pa pwedeng makita si Maelee.

"Gusto ko lang makausap kambal ko." Sabi niya sa babaeng humarang sa kanya.

"Ganun po ba?" Ngumiting nahihiya naman ito.

"Where can I find her?" Magalang na tanong ni Ethan kahit na nanggigil siya sa kakambal.

"Umakyat na lang po kayo sa taas. Pangalawang pinto po sa kaliwa." Sabi nito at tumalikod na sa kanya. Napailing na lang siya.

Masyadong dibdiban ang kilos ng bawat taong nakikita niya. Napangiti siya. I will make sure that both my Mom and my mother-in-law will get the best of things after this. Napangiti siya sa itinakbo ng isip niya.

Mother-in-law. Pag-uulit niya sa kanyang isipan lamang na mas lalong nagpalapad ng kanyang ngiti.

Itinuon niya ang pansin sa mga pintuan sa harapan pagkatapos niyang marating ang upper landing ng second floor. Tinahak ang malawak na pasilyo hanggang sa marating niya ang unang pinto sa kaliwa. Pintong pinanggalingan niya kanina, siya namang labas ng isang bulto mula sa kwartong ito, gulat.

"Kuya Ethan?! What are you doing here?!" Mabilis na napalingon si Ethan nang marinig ang boses ni Alexa.

"Hi, Alexa." Bati niya sa dalagitang hipag. Inakap at humalik ito sa pisngi niya. "I was looking for Brynn. I need to talk to her." Sagot niya sa dalagita.

"She's in Kuya Aldrin's room." Sabi ni Alexa sabay turo sa pintong nasa kabila lang ng nilabasan niyang pinto kanina.

Bubuksan na sana niya ang pinto ng lumabas doon si Bianca at isang babae. Mukhang iritable si Bianca. Magagalit na sana siya ngunit mapangunguhan siya ni Bianca.

Before The Next Teardrops FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon