BTNTF Fifteen

438 52 29
                                    





LUMIPAS ang dalawa pang Linggo. Bahagya na yatang nakalimutan ng buong Manila branch ang eskandalong ginawa ni Bianca. Dahil wala na ang dalaga, wala na ring ingay na nangyayari. Nagpatuloy lang sa pagtutok sa trabaho si Maelee.

Nai-announce na rin ang promotion niya bilang head ng marketing and merchandizing department at dahil walang departmental head for accounting siya muna ang inilagay temporarily dahil sa biglaang pagpapaalis kay Bianca.

"Hi, Lee." Masayang bati ng kaibigan niyang si Rikki. "Bongga ka ngayon ah. Sarili mo na ang office na ito?" Tanong nito sa kanya. Ngumiti siya at tumango siya sa kaibigan.

"Hindi naman, temporary lang naman 'to. Anong ginagawa mo dito?" Balik-tanong niya dito. Matamis na ngiti ang ibinigay sa kaibigan.

"Mrs. Scott, invited me to show the program to the rest of the accounting, finance and auditing department heads para isang buhos na lang daw. Tapos ginawan ko rin kasi kayo ng maayos na mobile phone version para magagawa n'yo kahit nasaan kayo." Napangiti siya dahil alam niyang magaling talaga ito sa mga technology at programming. Hasa kasi ito sa mga Tito niyang programmer na, piloto pa.

"What time is the meeting?" Tanong niya dito habang tinatapos ang ginagawa niya sa computer niya. Natawa si Rikki dito.

"After lunch ang meeting." Sagot nitong nakataas ang kilay na napansin naman ni Maelee.

"Oh. What's with the look?" Natatawang tanong niya kay Rikki. Pinamewangan lang siya nito.

"Grabe ka, Maelee. It's almost lunch time nagtatrabaho ka pa rin? At ikaw pa ang gumagawa niyan?" Sumilip ito sa screen ng monitor at napailing.

"It's okay. I have nothing to do anyway. So, I decided to figure out the stuff that Bianca left." Nahihilo na yata si Rikki sa kakailing sa kanya.

"Wow, Maelee. Hindi ka alila ng babaeng yun. I know since mga bata pa kami. I know that she's a psycho at alam ko rin na matagal na siyang ganyan, power hungry. Kunyaring matalino pero walang laman ang utak, puro landi." Napatingin sa kanya si Maelee.

"You know her?" Nagtataka niyang tanong. "How?" Dugtong niya. Tamang-tama naman na tapos na siya sa ginagawa niya. Umupo si Rikki sa kanyang harap.

"Bianca was a childhood friends with the Scotts. Actually, family friend ng mga Villasis ang Lola niya kaya lumaki sila ng halos magkakasama. Nagkataong naging magkaibigan kami ni Brynn sa school." Napangiti siya. Magkakakilala pala sila.

"We became friends since we were kids dahil naging friends ng parents mo ang parents ko, ang Tito DJ at Tita Mack ko because of the time na na-kidnap si Tito Alden noon. I think, that's what made them friends." Napapatango-tango si Maelee. Naaalala niya ang kwentong yun. Ang mga Tito Ari at Tito Mark ni Rikki ang nakagawa ng paraan para maibalik ang daddy niya.

"I was just thinking about that story, what if hindi na-trace ng mga Tito mo ang Daddy ko, siguro I wasn't even born kahit si Kuya Aldrin." Natahimik si Rikki. Napatingin kay Maelee.

"Lee, alam mo bang hanggang ngayon ay hindi ko napagdugtong na magkapatid pala kayo ni Kuya Den? I was freshman in college when he became my org partner. He was like a Kuya to me. I was so stupid not to realized this then til now." Natawa nitong sabi.

"You're friends with Kuya Aldrin? Wow. I didn't know Kuya has a female friend tapos friend ko pa." Natawa na rin si Maelee. Kahit naman sino ay hindi talaga maniniwala dahil mapili sa tao ang Kuya niya.

"Ye. And to think, I go to your house all the time back then tapos ilang beses na rin akong natulog sa bahay n'yo. That was just dumb." Sabi pa nitong lulugo-lugo.

Before The Next Teardrops FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon