NAILIPAT na si Brynn sa pribado nitong kwarto. Sumunod din si Aldrin sa kapatid. Nagkakatinginan ang pamilyang Scott dahil sa presensiya ng kapatid ni Maelee ngunit walang may nagsalita hanggang sa makaupo na ang lahat at naglapitan na sa higaan ni Brynn. Nakabendahe ang ulo ng dalaga ngayon.
"Tita Brielle, Tito Siege, this is my older brother, Aldrin." Pakilala ni Maelee sa kapatid. Nagtataka man ang mga ito ay tinanggap binati naman ng maayos ang Kuya niya.
Umupo si Maelee sa isa sulok sa loob ng kwarto. Pinanonood ang pamilya ni Brynn at namangha siya sa lapit ng mga ito sa isa't isa. Nagkwentuhan pa ng konti ang lahat ngunit walang may nagtangkang magtanong kung bakit narito si Aldrin maliban sa nandito si Maelee.
Malambing ang mga ito at masayahin. Tahimik lang siya sa gilid nang bigla niyang maalala na wala si Ethan doon. Naalala niya na hindi pala niya ito nagising sa waiting area.
Matapos nitong asikasuhin ang paglipat ni Brynn sa kwartong ito, pinaapahinga niya pala ito dahil nga namumutla ito kanina. Kinalabit ni Maelee ang isa triplets na naroroon.
"Yes, Ate?" Natuwa naman siya sa liksi ng isang ito at sa laki ng ngiti nito. Napakunot ang noo niya dahil sa lahat ng Scott na nakilala na niya, hindi pa niya nakilala ang mga ito. "I am Logan po pala." Malapad ang ngiti at kita ang pantay na mga ngipin nitong nagpakilala sa kanya. Natawa siya dahil parang akala mo ay yun ang pakay niya sa binatilyo.
"Hi, Logan." Medyo nahiya pa siya ng bahagya. "Will you get Ethan. He's in the ER waiting area asleep." Bulong niya dito.
"Sure, Ate." Sagot nito at ngumiti sa kanya bago lumabas nang wala ng ibang sinabi pa.
"Are you somehow here for Maelee?" Hindi na nakatiis na tanong ni Siege kay Aldrin. Mabilis na napatingin si Maelee sa kanila. Naghihintay na kung isasagot ng Kuya niya sa mag-asawa.
"Yes..." Mabilis at seryosong sagot ni Aldrin na nakaupo malapit kay Brynn at titig na titig ito sa tulog pa ring dalaga. "But I am also her for your daughter, Sir." Doon na napagtanto ni Maelee na talaga ngang may gusto ang Kuya niya sa dalaga o mahigit pa. Nakikita niya yun sa mga mata ng kapatid.
Narinig niyang nagsalita pa si Siege at sumagot din ang Kuya niya pero parang nabingi na siya kaya mabilis at tahimik siyang umalis sa silid na yun. Tinahak niya ang pasilyo ng third floor at sa hagdan na lang siya dumaan. Ayaw niyang masasalubong si Ethan at Logan kapag nag-elevator pa siya.
Pagkadating sa lobby ng hospital ay halos patakbo siyang lumabas at pumara siya ng taxi. Para namang sinadya, nakasakay kaagad siya.
PABAGSAK siyang humiga sa kanyang sofa pagdating na pagdating niya sa condo. Lampas lunch time pa lang ay pagod na pagod siya sa mga nangyayari. Isinandal niya ang kanyang ulo sa sandalan ng sofa, madiing ipinikit ang mga mata at tahimik na nag-isip.
Nasapo niya ang kanyang dibdib dahil parang bigla itong kumirot. Naisip niya, If my brother and Brynn are together, then me and Ethan can't be... Mas matalim na sakit ang kanyang naramdaman niya sa pinaka gitna ng kanyang puso.
Walang pasintabing tumulo kaagad ang kanyang luha. Tahimik siyang tumangis na parang namatayan. Hindi kaya ng puso niya pero ipinipilit ng isip niya. Bahala na.
Nakarinig siya ng pagkatok sa pinto. Kinabahan siya na hindi mawari. Wag naman sana si Ethan. Gayun pa man ay maingat at tahimik siyang tumayo para silipin sa peephole kung sino ang bisita. Nakahinga siya ng maluwag nang makita ang Kuya niya sa kabila ng pinto. Pinagbuksan niya ito ng pinto.
BINABASA MO ANG
Before The Next Teardrops Fall
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Sa simula pa lang umibig na. Sa simula pa lang umiwas na. Ano ang gagawin kung ang puso ay magkasabay na tumibok ngunit magkaiba ng desisyon? Ano ang mangyayari angnpuso ay sumunod sa dikta isip? Magtutuloy pa...