BTNTF Twenty Nine

99 10 2
                                    





ABOT-ABOT ang kaba ni Ethan. Hindi siya makapag-isip ng mabuti.

"Ethan, umupo ka nga." Natawang sambit ni Aldrin.

"It's easy for you to say, engaged ka na kay Brynn. Me? I don't even know where I stand with your sister." Yukot ang mukha nitong sabi. Pabagsak siyang umupo sa sofa. Tumabi si Aldrin sa kanya.

"Masyado mo namang dinidibdib si Maelee." Sumeryoso siya, nilingon ang kapatid ng kasintahan, gusto nitong sapakin si Aldrin. "Tsaka di ba, engaged na rin naman kayo?" Hindi niya gusto ang isinagot ni Aldrin.

"Dapat ko naman talagang dibdibin si Maelee ah. I love her." Diretso niyang sagot, tumulo ang luha ng binata. Napamaang si Aldrin. "And if I can't have her! I'd rather not love anyone at all." Laglag ang panga ni Aldrin. Hindi alam kung ano ang isasagot sa magiging bayaw.

"Pareho tayo." Ang tangi niyang naisagot kay Ethan. "Look. I didn't mean anything about what I said earlier. I was just trying to make light conversations with you para naman ma-relax ka. Mukha ka kasing natatae eh." Naiiling niyang sambit, hindi maalis sa isip ang isinagot ni Ethan. Humahanga siyang lalo dito. Tahimik lang si Ethan.

"I can't believe that an arrogant and a heartless CEO like you will talk that way." Natawa si Ethan dahil sa pagiging biglang jologs ni Aldrin. Hindi niya kasi akalaing makakapagbitaw ito ng ganung salita. "Sa dinami-dami ng pwede mong sabihin bilang pag-describe sa akin, yun pang natataeng mukha ang nasabi mo? Wala ka na bang ibang salitang pwedeng gamitin?" Natawa silang pareho. Si Ethan, dahil sa pagkakalog ni Aldrin, si Aldrin naman, dahil sa nakakangiti na ang babayawin na kanina pa hindi ma-drawing ang mukha.

"Ano ang plano mo kung sakaling makita mo si Maelee mamaya?"Tanong ni Aldrin na biglang nagpabago ng aura ni Ethan.

"Honestly? If given the chance, I will propose to her again at kapag umoo siya, pakakasalan ko na agad-agad." Sagot niyang walang kakurap-kurap.

"Well, mabuti na lang pala ay invited si Father Jeff." Tinapik ni Aldrin si Ethan sa likod.

"Kuya! Ate is here!" Sigaw ng boses sa labas ng pinto ng pool house. Tumayo si Ethan para labasin ang nag-i-eskandalong kapatid.

"Logan! Will you bring your voice down? Para kang babaeng tinatanggalan ng tonsil!" Singhal niya sa binatilyo. Nagkamot lang ito ng batok at nag-peace sign. "Nasaan na si Brynn? Does she knows Aldrin is here?" Dugtong niyang tanong.

"I don't know where Ate Brynn is, ang dumating lang ay si Ate Rikki, Lance's crush at si Ate Maelee." Rumihistro ang pinaghalong kaba at tuwa sa mukha ni Ethan, lungkot naman sa mukha ni Aldrin.

"Sisipain na talaga kita! Wolverine!" Singhal ni Lance sa malokong kapatid.

"Brynn is not here?" Tanong ni Aldrin.

"Kuya Aldrin, Ate will be here. Mabagal lang talagang kumilos yun." Ngingisi-ngising sagot ni Logan.

"Wait. You said na nandito din yung crush ni Lance, sino?" Tanong ni Ethan sa kapatid.

"Si Alexa." Siya namang sulpot ni Leland sa likuran ni Logan at Lance. Sa inis ni Lance nabatukan nito si Logan.

"My sister?" Salubong ang kilay na tanong ni Aldrin. Kinabahan si Lance.

"Gago ka talaga, Logan. Tsismoso ka na, ochosero ka pa." Singhal ni Lance sa ka-triplets niya. "Wag kang maniwala sa baliw na ito Kuya. Hindi totoo yan." Baling ni Lance kay Aldrin.

Before The Next Teardrops FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon