BTNTF Nine

454 51 21
                                    

MAAGANG nagising si Maelee kinabukasan. Bumangon siya na parang nahihilo. Medyo masakit ang ulo niya pero hindi naman gaano, pwede namang tiisin.

Nakapikit na dinampot ang twalya at pumasok sa banyo. Naghilamos siya at nagtoothbrush. Masakit man ang ulo ay masaya siya sa panaginip niya kagabi kaya masaya din ang gising niya.

Nang matapos niyang gawin ang pang-umaga niyang gawain ay lumabas na siya ng banyo. Inayos ang pinaghigaan at lumabas na ng kwarto, magtitimpla siya ng kape para sa sarili.

Paglabas niya ng pinto ay nilingon niya ang nakapinid na pinto ng binata. Wala namang ibang tutulugan si Ethan kundi ang kabilang kwarto. Lumapit siya sa pinto ng kwarto ni Ethan para sana kumatok pero pinigil ang sarili.

Idinikit ang tenga sa nakapinid na pinto at pinakinggan niya kung may kumikilos ba sa loob. Narinig niya mahinang lagaslas ng tubig. He might be taking a shower. Napangiti siya ng maalala niya ang kwentuhan nila kagabi.

Natutuwa siya na kahit papaano ay nakilala niya ang binata at ganun din ito sa kanya.

Simple rin lang pala ang pamilya nito katulad ng pamilya nila. Nakangiti siyang tumalikod at nagtuloy na siya sa kusina.

Nakita niya kagabi na may coffee maker sa isa sa mga counter, ang kailangan na lang niya ay hanapin kung nasaan ang coffee ground or coffee pods or coffee capsules. Whichever one, kailangan niya ng kape, period. Binuksan niya ang mga cabinets para hanapin ang mga ito.

"Yes!" Sabi pa niya. Kung titingnan mo siya ay para siyang nababaliw dahil kausap niya ang sarili.

Napatawa siya ng ma-realize niya na ganun nga ang ginagawa niya. Napausal tuloy siya ng hindi niya inaasahang lalabas sa bibig niya.

"Oh, ESS. What the hell are you doing to me?" Nagulat pa siya sa sinabi. Huli na. Naibulalas na niya. Tinutop niya ang kanyang bibig at nagpalinga-linga sa paligid.

Nakahinga lang siya ng maluwag ng mapatunayan niyang mag-isa lang siya.Tahimik na niyang itinuloy ang paggawa ng kape.

Naisip din niyang gumawa ng spinach omellete with sliced fresh mushrooms pero di siya sigurado kung meron nga nun dito sa fridge. Binuksan niya ito at sinuri.

"Okay. May egg beaters, which is a good sign." Binuksan niya ang crisper. Laking tuwa niya ng makita niyang may sliced mushrooms, spinach, alfalfa sprouts, at meron ding fresh basil leaves at isang container ng diced onions.

Napapalakpak siya sa tuwa. Meron ding bacon sa second shelf. Oo nga at mayaman sila at may kasambahay sila, pero hobby nila ng mommy niya ang mag-bonding sa kusina kasama si Yaya Violy.

Ang Daddy at ang Kuya Aldrin niya ay nandun lang nag-uusap, as usual, tungkol sa business. kahit na sabado at linggo yata, while they drink their coffee, tea or whatever her Mom gives them, yun at yun ang pinag-uusapan.

She saw a bag of sliced whole wheat bread sa isang wooden bread container. She look around for a toaster at mabuti na lang at na-realized niyang toaster pala yung katabi ng bread container na napagitnaan ng coffee maker.

She started getting her stuff ready. Ilang minuto lang ay natapos na rin niya ang spinach with mushrooms and alfalfa omelette. She made two. She chopped up fresh basil leaves and sprinkle it on top of each of the omelette, then she started toasting bread ng may narinig siyang tumikhin sa likuran niya. Bahagya man siyang nagulat ay hindi naman nagpahalata.

"Good morning, Ethan." Malambing at masaya niyang bati dito.

Bakit ba? Eh ganun naman siya sa pamilya niya. Kung kaibigan na ang turing sa kanya ng binata, then he deserve the same treatment as she gives her family.

Before The Next Teardrops FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon