"BALITA po namin, umalis na po siya kaninang madaling-araw papuntang Japan." Pahayag ng babaeng receptionist. Parang bombang sumabog sa pandinig ni Ethan ang mga katagaang yun. Para siyang naminging hindi mawari.
"Wait... What?!" Halos hindi na lumabas sa bibig niya ang huling sinabi. "What do you mean she left for Japan?!" Bahagyang tumaas ang boses niya.
"Yes, Sir. Japan po. Kaya lang Sir, hindi po namin alam kung kelan po ang balik niya. Sir Alden took her early this morning kaya wala rin po si Sir Alden today." Sabat ng lalaking receptionist.
Nanghina ang mga tuhod ni Ethan sa narinig mula sa lalaking receptionist, napahawak siya sa counter ng receiving desk. Wala si Maelee, nasa Japan daw ito. Ganun lang ba yun? Ganun lang ba kadali yun?
Hindi na siya nagpumilit pa. Nagkatinginan ang dalawang receptionist. May kakaibang ibig sabihin ang tinginan na yun, pero useless na ring makipagpilitan. Alam niyang wala talaga siyang makukuha mula sa mga ito, for privacy reasons.
Umalis na lang si Ethan na lulugo-lugo at mabigat ang loob. Kung kanina ay may konting pag-asa pa siyang nakikita, ngayon ay walang-wala na. Gusto niyang sumunod sa Japan pero sigurado namang maghahanap siya sa dalaga na parang isang maliit na karayom sa dambuhalang bundok ng dayami.
Kaya niyang gawin ang lahat ng yun dahil Japan lang naman yan. May kompanya ang mga Lolo Pops niya doon at pwede siyang umalis ngayon mismo dahil may private plane naman ang Scottsdale Empire, Ang Empire Air.
Bigla ay nagkaroon siya uli ng konting pag-asa. Hindi na siya muli pang nagsalita. Mabilis na umalis ng FGC at sumakay ng kanyang kotse. Mabilis na pumunta sa Scottsdale Empire - Makati na hindi naman kalayuan sa FGC para kausapin ang daddy niya. Kailangan niyang mahiram ang private plane nila. Kailangan niyang sundan si Maelee sa Japan.
Alam niyang hindi ito papayag pero wala siyang pakialam, kung gusto ng daddy niya, kunin na nito ang buong laman ng bank account niya ay ibibigay niya ito ng kusa, kahit na isama pa nito ang pinagsamang trust fund na nagmula sa mga apuhang Villasis at Scott makapunta lang siya ng Japan ngayon mismo. Hindi naman siya siguro mahihirapan na maghanap ang kompanyang affiliated FGC doon.
SA BAHAY ng mga Richards. Kumakain ng tahimik si Maelee. Tanghali na siyang bumangon.
Hindi siya tinanghali ng gising kundi tanghali na siyang bumangon, kaya ngayon pa lang siya nag-aalmusal. Hindi siya kaagad nakatulog kagabi sa kaiisip sa ginawa niyang desisyon. Tama man yun o hindi ay pareho din lang ang bagsak, masasaktan din siya.
Ma mabuti na ngayon pa lang ay sanayin na niya ang sarili, hindi pa naman ganun kalalim ang impact nito sa kanya dahil bago pa lang sila. Hindi pa ganun kalalim ang kanilang nararamdaman sa isa't isa. Hindi rin ganun kalalim ang pinagsamahan nila.
Pagkatapos niyang maligo at makapagpalit ng malinis na damit kahapon ay nagligpit siya ng mga iilan niyang gamit na gusto niyang dalhin pauwi sa bahay nila. Kagabi pa lang ay tinawagan si Kuya Emong para ipakuha ang iba niyang gamit at umalis bago pa siya abutan ng gabi.
Nagtaka man ang mga magulang niya sa biglaang niyang pag-aalsa balutan at walang pasabi na uuwi siya ay hindi na rin nagtanong ang mga ito. Hinayaan na lang siya. Ilang sandali pa ay dumating din ang trailer na may dala ng iba pa niyang gamit. Si Garret ang nag-drive ng trailer.
Hindi rin ito nagsalita dahil wala naman siyang pwedeng sabihin. Iniwan ng binata ang trailer sa gilid ng garahe pagkatapos na makalas ito sa tow-hitch ng pick-up truck na ginamit at umalis na rin. Manilis namang dumalo ang isa nilang kasambahay para tulungna siyang iakyat ang mga gamit sa kwarto niya.
BINABASA MO ANG
Before The Next Teardrops Fall
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Sa simula pa lang umibig na. Sa simula pa lang umiwas na. Ano ang gagawin kung ang puso ay magkasabay na tumibok ngunit magkaiba ng desisyon? Ano ang mangyayari angnpuso ay sumunod sa dikta isip? Magtutuloy pa...