BTNTF Twenty Five

608 57 70
                                    





"OH GOD! I can't take this anymore. We all need to talk." Pambabasag ni Ethan sa katahimikan nilang apat. "Brynn, you can't give up what you have because you are thinking of me." Hinirap nito si Brynn.

"Why not, Kuya Knight? You always do it for me, why can't I?" Mataray nitong sagot nang hindi tinitingnan ang kapatid. Umiling-iling si Ethan.

"Kung gusto mong sumaya ako, hayaan mong ako ang gumawa nun ." Sagot ni Ethan na kay Maelee na kaharap. "Only I know what makes me happy." Bahagyang ngumiti si Ethan. Napailing si Aldrin.

"And you, young lady, kahit na ayaw mo pa akong kausapin hanggang sa pagtanda natin ay okay lang basta wag ka lang malungkot, wag kang bibitaw." Saad ni Aldrin. Hindi nag-angat ng tingin si Maelee. Ayaw niyang makita ang lungkot sa mga mata ni Ethan kung sakaling magsalubong ang kanilang mga mata.

"Drin, may I speak with her... alone?" Pakiusap ni Ethan. Nangingiting tumango ang binata, pareho sila ng iniisip.

"Sure." Mabilis nito. "May I speak to Brynn, too?" Pagpapaalam ni Aldrin. Nakangiting tumango si Ethan, nagkakaintindihan sila.

"Go ahead. You can do whatever you want with her as long as you fulfill your promise, man to man." Turan ni Ethan. Gumanti din ng ngiti si Aldrin. Nag-fist bump pa sila na parang matagal ng magkaibigan.

"Same here. A promise is a promise." Sabi ni Aldrin matapos silang mag-first bump.

Nag-angat ng tingin si Maelee para makita lang ang mapagmahal ng tingin ni Ethan sa kanya. Walang panunumbat, walang galit, puro at inosenteng pagmamahal lang.

Hindi niya nakayang bawiin pa ang tingin niya dito. Para siyang nahipnotismo. Ayan na naman ang pakiramdam niya sa tuwing magtatagpo ang paningin nilang dalawa. May kung anong mga naglalanguyan sa kanyang tiyan at dibdib na nagbigay ng kakaibang kaba na nagpapakapos ng kanyang paghinga.

At kahit nabigla si Brynn sa pakikitungo ng dalawang lalaki sa isa't isa sa harap nila ni Maelee ay napangiti na rin siya, na mabilis nawala nang makita niya ang kahalayan sa mga mata ni Aldrin.

Bigla ay nakaramdam siya ng pag-iinit, pagkailang at pagpahiya. Kakaiba ngunit pamilyar na damdamin sa tuwing sila ay nagkikita, nagkakalapit.

Mabilis ngunit maingat na hinila ni Aldrin si Brynn sa kabilang dulo ng kwarto kung saan naroon ang isa pang sofa na pandalawahan at maingat na pinaupo ang dalaga bago pa siya umupo sa tabi nito.

Samantalang sila Ethan at Maelee naman ay halos hindi magkatinginan hindi makakilos ng maayos sa harap ng isa't isa. Para bang may pumipigil sa kanilang titigan ang isa't isa. Kahit na sulyap lang ng bawat isa ay parang hindi pa nila magawa.

They both pull a deep exasperated sigh, as if there is that unwritten rule that they can not speak to each other no matter what. It's very annoying.

"Mae.../Ethan..." Sabay pa nilang sabi. Sabay din silang natahimik. Sabay ding nagkatinginan. Tinginang hindi na nila nakuha pang bawiin. Tinginang puno ng sakit, pagmamahal at pagkasabik. Tinging tanging sila lang ang nakakaalam ng ibig sabihin.

Walang salitang namutawi sa kanilang mga labi. Iniangat ni Ethan kamay at hinaplos ng mainit niyang palad ang pisngi ng dalaga. Nanalaytay ang init na yun sa kabuuan ni Maelee. Madiin siyang napapikit.

Wala man siyang karanasan sa mga bagay na ito pero hindi rin siya ganun kainosente tungkol sa mga ganitong bagay. Nabasa na niya ang tungkol sa ganitong mga damdamin, yung ganitong init. This is how those English romance novels describe this kind of feeling, arousal.

Before The Next Teardrops FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon