"Late at night when all the world is sleeping, I stay up and think of you. And I wish on a star that somewhere you are thinking of me too."
~Selena
ETHAN and Brynn are the famous fraternal twins of the Scottsdale Empire. Sila ang panganay na anak ng mag-asawang Siege at Brielle Scott na parehong may-ari ng naglalakihang Scottsdale hotels na may branches sa Davao, Cebu, Iloilo, Bacolod at dito sa Luzon; Manila, Antipolo, Tagaytay at ang original na halos naging tahanan na ng bawat isa sa mga Scott, ang Makati Branch.
Sa side naman ng mga Villasis naman ay isang paper factory na may branch din sa Japan at Pasig. Meron ding isang events company at dalawang condo building; isa sa Taguig at isa sa Quezon City, kung saan parehong nakatira ang kambal. Sila din ang panganay na apo ng Scott at Villasis.
May mga kapatid pa silang triplets: Lance, Logan at Leland na ngayon ay sixteen years old na at ang bunso nilang si Sage na mag-iisang taon pa lang.
Imagine the surprise they all got one day at one of the family dinners held at Scotts mansion after a long anniversary trip to Maldives ng mga magulang nila, nagbunga ito kaya ayan sila, salitan nilang sinasamahan ang Mommy at Daddy nila sa mga doctor's check-up nito every two weeks which later on naging every week na hanggang sa nakapanganak ito.
Naging delikado ang pagbubuntis ng Mommy nila nung ipinagbuntis at ipanganak ang triplets ay nanganib pa ang buhay ng isa sa tatlo kaya ganun na lang ang takot ni Brynn at Ethan sa pagbubuntis ng ina kay Sage. But all went well dahil hands on naman ang Daddy nila, and he never missed a moment to care for their mother.
"Dad, will you please tell Kuya to stop going to Manila branch and stay in Makati only?" Sinusumpong naman ng pagmamaktol ang kakambal niyang si Brynn.
Ganito naman ito palagi. Malambing na kung malambing, pero ubod ng brat at suplada kapag ganitong tinatamaan ng topak. Hindi kumibo si Siege kahit na nagmamaldita pa ang kanyang prinsesa.
"Brynn, please, just let me be, okay?" Mahinahon niyang sabi, na alam naman ni Brynn na pinipilit lang ng kakambal na kumalma. Hindi niya kasi maintindihan kung bakit kailangan pa palaging pumupunta ang kapatid doon.
Bawat isa sa pamilya nila ay may katungkulan sa dalawang major corporate office ng Scottsdale at Yung ang hindi maintindihan ni Brynn. Their Tita Erica and Tita Quin lead the Manila office while their parents lead the Makati office.
Brynn and Ethan are being trained under their wings and him always being gone, and wandering off doesn't look good for him nor his training. She just doesn't like it when he's not around her period.
Viper is okay, being so smart and all, but it is really different if her twin is around. She feels whole, complete. She doesn't want him away or separated from her because that's how they grew up, separated and not knowing each other till they're almost seven. It's not gonna happen again. She thought.
"No, I won't!" Singhal nito. Magkasalubong ang kilay at masamang nakatingin kay Ethan . "Ano ba ang meron sa branch na yun at palagi mong pinupuntahan? Tita Erica and Tita Quinn had been running that office for the longest time and ever since they partnered in handling that office, it has become better. Hindi mo na kailangan pang umepal doon!" Nagsusungit na talaga ito at ramdam na ni Ethan ang papalapit na pagsabog nito. Masama mang isipin ay yun ang gusto niyang mangyari para may rason siyang talikuran muna ito ng makapag-isip at makapagpahinga na muna ang utak niya. Isang linggo na siyang binubungangaan ng kambal, nakakapagod na ring makinig.
BINABASA MO ANG
Before The Next Teardrops Fall
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Sa simula pa lang umibig na. Sa simula pa lang umiwas na. Ano ang gagawin kung ang puso ay magkasabay na tumibok ngunit magkaiba ng desisyon? Ano ang mangyayari angnpuso ay sumunod sa dikta isip? Magtutuloy pa...