SA BAHAY ng mga Scott. Nakaupo silang lahat sa komidor: si Brynn, Ethan, Breille, Siege, Aaron, Margaret, David at Amanda. Kasama din nila ang mag-asawang Erika at Virgil, Quinn at Luis, pati na rin si Viper at si Baby Sage on her own almost high chair.
Isinalaysay ni Ethan ang lahat ng nalaman niya mula kay Violy. Sinabi niya sa mga ito na maaaring ito ang may gawa ng nangyari kay Brynn at maaaring hindi si Brynn ang pakay kundi si Maelee. Tahimik ang mga lalaki habang puro buntong-hininga ang maririnig sa mga babae at ang minsanang palatak ng mga ito.
"Mabuti na lang pala at nasalubong mo si Violy sa ospital." Galit na sambit ni Brielle.
"Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kukote ng babaeng yan at naging ganyan yan. Maaaring hindi ito alam ni Siony at Nestor." Napapailing na sambit ni Amanda.
"Ang mahirap pa niyan, maaaring hindi yan alam nila Pol. Noon pa kasi niya sinasabi kay Violy na ipasok na nila sa mental rehab yang batang yan. But instead of doing that, she sorted to just make her take some kind of medication. Do you remember what she did to that high school girl?" Pagpapaalala ni Siege. Tumango naman silang lahat.
"Yan po ang sabi niya. But there's one thing I am very sure of, hindi po alam ni Tito Pol ang nangyayari. Si Tita Violy na rin po ang nagsabi na hindi na daw niya ipinaalam pa sa asawa dahil magagaltt lang daw po si Tito kay Bianca at baka may lalo pa raw pong lumala." Pahayag niya. Napatango-tango ang mga lalaki, ang mga babae naman ay pare-parehong magkasalubong ang mga kilay, galit.
"Matagal na ngang gustong ipasok ni Apolinario sa isang group home si Bianca para nga maagapan at magpagaling pa ito, si Violeta ang ayaw. Kahit nga si Siony at Nestor ay hirap na kumbinsihin ang anak." Salo naman ni David.
"Ano ang plano mo, Ethan, ngayong nasa poder mo na si Sandy." Tanong naman ni Margaret.
"I am not sure what to do next, Lola Grams." Laglag ang balikat ni Ethan. Hindi pa nga tapos ang isipin niya tungkol kay Maelee tapos eto na naman. Sumasakit na naman ang ulo niya pati na ang dibdib niya.
"All this time akala ko nag-asawa siyang talaga, yun pala nasa ospital lang at parang nang gulay na nakaratay." Wika ni Erikang naiiyak. Magaling na sekretarya si Lisa, pero mas magaling si Sandy kaya nanghihinayang siya nung umalis ito. Kung alam niya lang na ganun na pala ang dinanas ng dalaga, eh di sana magawan niya ng paraan.
"I want justice for Sandy, Mom, Dad. I want Bianca to pay for what she did. Buhay sa buhay." Mataray at galit na sambit ni Brynn.
"Me, too." Sang-ayon ni Brielle.
"The thing is, I can not believe Ate Violy will go this far to cover up the things her crazy daughter did. Instead of correcting her, she's condoning it." Sabat ni Quinn, galit ito. Ramdam ang galit nito at sang-ayon naman ang lahat.
"Babe, relax lang. Hindi makakabuti sa iyo ang nagagalit. Doctor's order, remember." Paalala ni Luis sa asawa. Nagkatinginan ang lahat dahil sa sinabi ni Luis.
"Anong doctor's order yan?" Mabilis na tanong ni Siege.
"Naku! Eto na naman po ang Kuyang masungit. Hayaan mo na, mag-asawa na yan!" Natatawang saway ni Brielle sa asawa.
"Bayaw, parang hindi mo naman yan ginawa sa kapatid ko." Pang-aasar ni Virgil kay Siege.
"Bakit, Quinn? Buntis ka na naman ba?" Direktang tanong ni Margaret sa bunsong anak. Tumango ito.!a
"Ay grabe ka, Luis. Tatlong taon pa lang si Keelan." Sabat naman ni Erika. Nagtawanan silang lahat sa hapag-kainan maliban sa kambal ng pamilya. Tahimik na nagkatinginan ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Before The Next Teardrops Fall
Romance⚠️ATTENTION!⚠️ Plagiarism is a Crime Sa simula pa lang umibig na. Sa simula pa lang umiwas na. Ano ang gagawin kung ang puso ay magkasabay na tumibok ngunit magkaiba ng desisyon? Ano ang mangyayari angnpuso ay sumunod sa dikta isip? Magtutuloy pa...