BTNTF Ten

412 49 24
                                    








MAKALIPAS ang tatlong diretsong araw na conference, nabigyan sila ng dalawang buong araw na break kung saan pwede silang pumunta kung saan o kung ano ang gusto nilang gawin. Meron ding available na city tours para sa mga gustong maggala kasama ang grupo.

Sa loob ng isa sa apat na top floor penthouse ng pamilyang Scott, tahimik lang ang mga ito. Nasa kusina si Ethan na naghihintay na lumabas si Maelee, alas diez na ng umaga ay hindi pa rin niya ito nakikita. Gusto niya itong katukin pero nag-aalala din siya na baka ayaw nitong magpaistorbo.

Pagkatapos ng ilang minuto at limang milyong pagpapabalik-balik ni Ethan sa harap ng pinto ng kwarto ni Maelee, kumatok na siya. Wala siyang sagot na nakuha o narinig. Nag-alala man ay minabuti na lang niyang pumasok sa sariling kwarto.

Kinuha ang kanyang tablet bago muling lumabas ng kwarto at sala pumwesto. Gagawin niya ang mga dapat niyang gawin, marami-rami din yun. Mamaya na niya aayain si Maelee, hahayaan na lang niya itong magpahinga.

Lumipas ang isa pang oras at kalahati, lampas pananghalian na ay hindi pa rin lumalabas si Maelee sa kwarto nito. Nag-aalala na siyang tunay dahil hindi pa ito nag-almusal. Nagdesisyo siyang katuking muli ang dalaga. Bago pa man siya tuluyang makatayo ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang dalagang umiiyak. Sinalubong niya ito ng puno ng pag-aalala.

"Hey. Hey. Hey. What happen? Did someone do you wrong? Are you hurt? Where?" Sunod-sunod niyang tanong dito, patuloy ang pagtulo ng luha. 

Tiningnan lang siya ng luhaang mga mata ni Maelee. Nagulat pa siya ng sinugod siya ng yakap ng humihikbing dalaga.

He felt the heaviness of Maelee's heart in each sobs. He was caught between rage, rage and of course, rage. Oh... and he is furious. Who in his or her right mind made this gorgeous, innocent, young woman cry?

Hindi na siya nagsalita, hindi na rin siya muling nagtanong pa. Nanggigigil man siya ay hindi naman niya pwedeng piliting magsalaita ang dalaga. Hindi nila kilalang masyado ang isa't-isa, kaya hindi niya alam kung paano itong kakausapin. Hinayaan na lang niyang ibuhos ni Maelee kung ano man bumabagabag dito kaya ito ay napaiyak.

Walang sabi-sabi niyang binuhat ang dalaga na parang bagong kasal at umupo sa mahabang sofa, kalong-kalong ito. Patuloy pa rin si Maelee sa paghikbi.

Kinuha ni Ethan sa lamesita ang kanyang cellphone at tumipa ng mensahe kay Lisa. Aalamin niya mula sa assistant ng Tita Erica niya kung ano ang nangyari sa dalaga at bakit ito umiiyak. 

To Lisa:

Maelee came back crying. What's going on?

1:31 pm

Sumagot naman ito kaagad ng isang mahabang text message. 

From Lisa:

Sir Aldrin was here. I bump into him at the coffee shop.

He wanted Lee to come home because he said,

she is not needed in this conference.

1:33 pm

Nagtagis ang bagang niya. Nagkita pala si Maelee at ang kapatid nito. What kind of brother is he, making his sister cry?

To Lisa:

Why did he say that?

1:36 pm

From Lisa:

Sabi po ni Sir Aldrin, Lee won't be staying 

working in the company because she only have

Before The Next Teardrops FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon