PROLOGUE

231 37 63
                                    

DISCLAIMER!!!

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This book contains grammatical error and typo. I'm still learning and improving, so feel free to tell me if there's something wrong. My story is open for critique mwehehe!

Advance thank you for reading my story and for supporting me! Love lotsss!!! 💙💙💙





~*~*~*~*~*

"Queen Abigail, oras na po para magturo ka ng mga bata." napalingon ako kay Kate na kakapasok lang sa kwarto ko. She is my assistant. I smiled when I remembered where I met her.

Nakilala ko siya isang kalsada lang. Malambot ang puso ko sa mga bata. No'ng nakita ko siya sa daan na pagala-gala at walang damit ay tinawag ko siya. I gave her foods and clothes.

Nalaman ko rin na gusto niyang mag-aral kaya hindi ako nagdalawang isip na paaralin siya. Hindi siya pumayag noon pero napapayag ko siya agad no'ng kinulit ko siya. I'm a Queen and it's my duty to help others. Isa pa, I promise that no one will suffer here in Asterin.

Pumayag si Kate pero sa isang kundisyon, hayaan ko raw siya na pagsilbihan ko siya. I agreed with that. Wala na rin naman kasi akong kanang kamay kaya pumayag din ako agad.

"Okay." yun lang ang nasabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin bago tumayo nang maayos sa tabi ko. "Ayos lang ba ang suot ko?"

"Sa lahat po ng bagay ay maganda ka, Queen." agad namula ang mukha ko sa sinabi niya.

"Ano ka ba." natawa siya nang pumilintik ang kamay ko.

"Nagsasabi po ako ng totoo." nginitian ko lang siya bago tignan ang sarili sa salamin.

I'm wearing a pencil trousers and blazer suit. May suot akong white long sleeve polo sa loob. I partnered my outfit with white heels. Nakalugay lang ang mga buhok ko. I wore my butterfly dangle earrings. I smiled with myself through the mirror before looking back at Kate.

"Tara na."

Tumagilid siya para makadaan ako. Nauna akong makalabas sa kwarto. Taas noo akong naglakad. Naglakad ako na para akong nasa isang pageant. Nakangiti rin ako habang naglalakad.

May humintong kalesa sa harapan namin pagkalabas na pagkalabas namin. Agad akong inalalayan ni Kate na sumakay. Nang makasakay na ako ay sumunod siya. Tumingin ako sa bintana para tignan ang paligid habang umaandar ang sinasakyan namin.

Malinis, maayos, masarap sa mata, at masaya ang mga tao. Wala sa sariling napangiti ako agad. If I did not have a deal with Raging Bulls, maybe Asterin will not be like this.

"Nandito na po tayo." agad akong napalingon kay Kate nang sabihin niya iyon.

Hindi ko napansin na nakarating na pala kami sa pupuntahan namin. Bumaba ako mula sa kalesa at inilibot ang paningin sa eskwelahan na pinagawa ko para sa mga batang walang pang-aral. Yung walang pambili ng uniform at mga gamit sa school.

Dito sa pinagawa kong eskwelahan ay hindi mo na kailangan bumili ng uniform, school supplies at hindi mo na rin poproblemahin ang baon mo. It's all free. I made this school for them.

Ginamit ko ang kayamanan na iniwan ng mga magulang ko sa akin. Nagpagawa rin ako ng ilang mga shop dito sa Aterin para umiikot ang perang iniwan sa akin. May bakery, grocery store, clothes shop, shoes shop at book store. Naghanap na rin ako ng sponsors. 

FORGOTTEN MEMORIESWhere stories live. Discover now