"Hello there, how are you?"
Kinikilig at nakangiti si Becky o mas kilala sa tawag na "BekBek" habang ka-chat ang isang foreigner sa isang app. Nagpakilala itong si Justin Cray, thirty nine years old na daw ito at may dalawang anak bago nakipag divorce sa asawa. Nakailang browse na rin ang dalaga sa mga pictures nito. Dito niya nalaman na mayaman ito at may napakalaking bahay sa Chicago. Laman din ng ibang litrato nito na nakasakay sa magagarang sasakyan nito. Kung sa itsura naman ay gwapo rin naman si Justin kahit medyo mataas na ang hairline nito dahil na rin sa edad.
"Hi Justin! I'm okay. I'm sorry it took me a while to go online again becaise I've been busy with work at my restaurant." Sabi niya dito habang nagta-type sa kanyang laptop. Ingat na ingat siya sa paggamit ng kanyang second-hand laptop na nabili niya online. Ang laptop na iyon kase ang susi ng kanyang tagumpay.
Ang restaurant naman na tinutukoy ni Becky ay ang karinderyang minana pa niya sa kanyang namayapang ina. Apat na taon na simula ng ito'y pumanaw dahil sa sakit sa kidney. Ang tatay naman niya ay nakapag-asawa na at masayang naninirahan sa Pangasinan. Tatlo lamang silang magkakapatid at pangalawa siya sa mga ito. Ang kuya at bunso niyang kapatid ay pareho nang nakapag-asawa at may mga anak na rin.
"It's fine my dear. I miss talking to you. It's been boring since I've no one to talk to. I like women who cook. I've always believed that the best way to a man's heart is through his stomach." Naglagay pa ito ng emoticon sa dulo na may mga puso sa mata.
Impit na napatili si Tere nang mabasa ang mensahe. Ngayon ay 'My Dear' na ang tawag sa kanya ni Justin at tila may nais na ring ibang ipakahulugan ang sinasabi nito sa kanya. Halos limang buwan na rin silang magka-chat nito. Noong una ay nagpupunta lamang siya sa mga kalapit na computer shop para makausap si Justin, pero nang dumalas ang pag-uusap nila ay nagpasya na siyang magpakabit ng internet sa bahay.
"Really? You know, if I'm given a chance to travel to the US, I will cook our world-renowned adobo and sinigang for you." Sagot niya sa chat. Ang dalangin niya ay ma-gets sana ni Justin ang kanyang pahiwatig na gusto niyang dalhin siya nito sa Amerika. Nang lumabas na 'seen' na ang message niya ay kumabog amg kanyang dibdib lalo na nang makitang nagta-type na ito ng reply sa message niya.
"I hope so. I'm looking forward to it." Sagot nito.
Nalungkot ang dalaga sa nabasang maiksing reply ni Justin sa kanya. Mukhang di pa rin ito kumbinsido sa pagpapa-charming niya via online para makuha ang atensiyon nito. Para kase sa isang Amerikano ay masasabing conservative si Justin dahil kahit na maglilimang buwan na silang magka-chat ay hindi ito naging agresibo lahit minsan.
May mga nakachat kase siya noon na kahit tatlong araw pa lamang ay nanghihingi na ito sa kanya ng nude pictures o kaya naman ay nagyaya ng sex on chat dahilan para i-unfriend at i-block niya ito agad.
May nakausap pa siya noon ng halos isang buwan pero nagulat na lamang siya nang pagbukas niya ng camera ay gumulantang sa kanya ang itsura ng 'junjun' nito na puro naman buhok kaya agad niya itong i-nunfriend bago iblock para di na siya kulitin pa.
Sa ngayon ay kuntento pa naman ang ka-chat niyang si Justin na pagtiyagaan ang mga close-up pictures niyang naka-upload sa social media account niya. Pero kapag dumating ang panahon na manghingi na ito ng full-body picture ay problema na iyon.
"Ate Becky, pabili po!"
Agad siyang nagpaalam muna sa ka-chat bago lumabas ng bahay.
"Anong bibilhin mo?" Tanong niya sa binatiltong naroon na si Bitoy.
"Dalawang order po ng kanin. Saka isang order ng adobo at isang tulingan."
Nang iabot niya sa binatilyo ang binili nito ay nagkamot ito sa ulo.
BINABASA MO ANG
My Chubby Romance
RomanceWalang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroo...