Chapter 12

38 2 0
                                    

Nakatulala sa monitor ng laptop si Becky habang nakikipagtitigan siya sa logo ng Google. Naka-log in din siya sa kanyang social media account ngunit kataka-takang hindi siya gaanong interesado doon. In-off pa nga niya ang chat niyon para walang makakita na online siya. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya ang naging lakad nila ni Brix kagabi pati ang naging takbo ng usapan nila. Ni ayaw niya itong tawaging date. Matatawag ba na "date" na kumain sila ng kung anu-anong inihaw na lamang-loob ng baboy at uminom ng gulaman?

Napangiwi siya. "Yeah, it's gross. Saka hello naman! Si Brix kaya 'yon. Si Brix lang 'yon, walang dapat ika-excite." Agad niyang d-in-ismis sa isip ang bagay na iyon.

Ang isa pang bagay na gumugulo sa kanyang isipan ay ang ibinalita sa kanya ni Heidi kagabi. Hiningi raw ni Mr. Dentist na si Hanz ang cell phone number niya. "Bakit naman kaya?" nagtatakang naisip niya.

Eksaktong naiisip niya iyon ng mag-ring  ang message alert tone ng kanyang cell phone. Nang tingnan niya ito ay nakita niyang hindi nakarehistro ang number at nang buksan niya ay agad siyang napangiti. Si Hanz ang nag-text.

Hello Becky! This is Hanz Guerero. Ako 'yong kasama ni Heidi na nagpunta sa bahay mo noong nakaraan lang. Do you still remember me? may kasama pang smiley sa dulo ng text message nito.

Hindi niya mapigilang mapangiti. Kaya agad-agad din naman siyang nagtipa ng reply dito. Oo naman, naaalala kita. Hello, Hanz! What's up?  Cool ang dating ng message niya para hindi ito manibago o mailang sa kanya, at hindi siya nagpapahalatang excited at medyo kinakabahan rin siya.

Kukuha na muna sana ng tubig si Becky na maiinom habang hinihintay ang reply ng lalaki nang bigla namang mag-ring ang cell phone niya na halos ikagulat niya. Tumatawag si Hanz!

Tumikhim muna siya bago iyon sinagot gamit ang pinaka-cute at pa-demure niyang boses. "Hello, Hanz!  Kamusta? Napatawag ka?"

"Hi Becky, I'm good. Kabubukas lang ng clinic ko at kasalukuyan akong nanghihintay nang unang magiging pasyente ko. Okay lamang ba na tumawag ako? Baka kasi may ginagawa ka at nakaka-abala pala ako."

Ang guwapo talaga ng boses ng lalaking ito! "Hindi naman, okay lang. Mamaya pa magsisimula ang video call namin ng Korean student ko. Ikaw? Naaabala ba kita?"

Mahinang natawa ang lalaki. Maging ang tawa nito ay napakasarap pakinggan dahil sa pagiging manly nito isama pa ang husky na boses nito, napakasarap pakinggan ng boses nito na tila pre-recorded. "Nope. Ahm, oo nga pala Becky... May gagawin ka ba ngayong parating na weekend?"

Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib sa naging tanong nito. Yayayain ba siya nitong lumabas? "H-hindi naman. I mean,  wala naman akong lakad. Why?"

"Can I envite you out this weekend? Ahm, 'yon eh kung okay lang sa'yo." Narinig niya ang bahagyang pagka-ilang nito.

Napatayo si Becky mula sa kinauupuang silya niya. "T-this weekend?"

"Oo sana. Kung hindi ka busy at okay lang sa'yo. Pwede ba? Pero kung may gagawin ka pala, okay lang naman. May next time pa naman, saka ayokong makaabala kung may importante kang lakad."

Bahagyang inilayo niya sa tainga ang cell phone at pinagmasdan ang screen niyon. Totoo ba ang kanyang naririnig? "Sorry, Hanz, medyo choppy ka. Pakiulit nga?"

"I want to envite you out this weekend! Puwede ka ba?" mas malakas na ang boses na tanong nito sa kabilang linya.

Nakagat ni Becky ang ibabang labi para mapigilan ang sariling matawa. "Okay, sige."

"Great! Say..." Sandali itong nawala sa linya. "Say, around four or five pm? Susunduin na lang kita diyan sa inyo? Okay lang ba?"

"Mga five pm na lang."

"Perfect. Nandito na rin pala ang una kong pasyente. So, see you on Saturday?"

"Saturday. Five pm. Noted na."

Nang mawala si Hanz sa kabilang linya at tuwang-tuwang pabagsak siyang nahiga sa sofa. " Anong meron sa akin at tila nag-uumapaw yata ang alindog ko? Isang beses pa lamang kaming nagkikita ni Hanz pero hiningi agad nito amg number ko para tawagan ako upang yayaing lumabas." Tinapik-tapik niya ang mga bilbil sa tiyan at napahagikhik. "Ang sexy ko na talaga!"

My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon