Chapter 11

40 2 0
                                    

"Bru! OMG!"

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" kinakabahang tanong niya. Hindi niya magpagsino kung saan siya kinakabahan, sa boses ng kaibigan niyang si Heidi o sa tensiyon sa pagitan nila ni Brix.

"May good news ako, bru! This is your lucky night! Tumawag sa akin si Hanz kanina, and guess what?"

"May discount ka kung magpapa-braces ka ng ngipin?" Tanong niya dito.

"No! Bru, naman! Hiningi niya ang cell phone number mo, bru! Interesado siya sa 'yo. Sabi ko naman sa'yo hindi ba?" Excited na sabi ni Heidi sa kabilang linya.

"Ah," ang simpleng tugon niya. Pero nang makitang nakatingin si Brix at tila pilit na pinapakinggan ang pag-uusap nila sa cell phone ay matamis siyang ngumiti. "Wait, talaga ba? Hiningi ni Hanz ang CP number ko, bru?!" aniya na sadyang nilakasan ang boses na tila excited sa nalaman.

"Yes, bru! It's your time to shine!" Pabiro pa nitong sabi na humahagikhik sa kabilang linya.

"That's great! Ibinigay mo na ba? Kung hindi pa, ibigay mo na agad. I can't wait to to talk to him." Sadyang nilakasan niya ang huling salitang sinabi niya.

"Nabigay ko na, bru. Hindi ka naman ek---"

"Ano? Dadalaw siya sa bahay? Wow! Sige at ipagluluto ko siya. Ano ba ang gusto niyang mga pagkain, alam mo ba ang paborito niya?"

"Teka, bru! Wag naman kamo agad agad. Sabihan niya muna ako kung pupunta siya para makapag-prepare ako." Humagikhik pa siya para lang marinig ni Brix na tila kinikilig siya.

"Ha? Ano'ng dadalaw? Sinong ipagluluto? Ano'ng agad-agad ang sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ng kaibigan niya. Sinadya niyang pindutin ang paghina ng volume ng cell phone niya ng maramdaman na tila nakikinig si Brix sa usapan nila.

"Ah, gano'n ba, bru? Oh sige, ipagluluto ko siya ng paborito niyang pagkain. Kahit ano pa 'yan basta siya!"

"Ha? Bru, ano ba ang pinagsasasabi mo diyan?"

"Sige na, bru. Uuwi na din naman ako. Usap na lang tayo later, okay? Thank you for that wonderful news. 'Bye!" eksaheradang inilipat pa niya sa kanyang dibdib ang jawak na cell phone bago nakangiting tumanaw sa malayo. Humarap siya kay Brix. "Hiningi ni Hanz ang cell phone number ko at gu---"

"Yeah, i heard. Sa tingin ko, kahit ang mga nag-iinuman sa kanto ay narinig na hiningi ni Hanz ang number mo at pupunta siya sa bahay mo. Congrats! Yay!" Tunayo ang binata at itinapon sa hindi kalayuan ang basura nila.

"Ano? Gusto mo pa bang humanap ng fish ball vendor? Kailangan ko na rin kasing umuwi." tanong niya pagbalik nito.

Kinuha ni Brix ang cell phone sa bulsa. "Sa susunod na lang siguro. Medyo kate na rin saka maaga pa kaming magbubukas ng gym bukas."

"Okay. Kailangan ko na rin umuwi. May mga gagawin pa ako." Nagkibit ng balikat Becky bagaman may mumunting bahagi ng pagkatao niya na ayaw pa sanang matapos ang gabing 'yon pero ayaw niyang ipahalata dito. "So, magkita na lang tayo sa gym bukas?"

"Ihahatid na kita paywi, di pa naman gaanong gabi."

"Kahit 'wag na, Brix. Malapit lang naman ang bahay ko saka may bibilhin pa ako sa store ni Manang Belen."

"Ano'ng bibilhin mo? Di ka pa ba busog? May dadaanan pa rin ako sa gym kaya kailangan kong bumalik doon kaya ihahatid na kita okay?" Hindi niya alam kung statement ba 'yon o command.

Wala na rin siyang naisagot kaya naman pumayag nalang rin siya sa gusto nito. Pareho silang tahimik habang naglalakad, panaka-naka ay sinusulyapan niya si Brix habang nakapamulsa ito at seryosong naglalakad na tila may malalim na iniisip. Seryoso ang mukha nito habang deretso ang tingin sa harap. Naglabas siya ng cell phone dahil naiilang sa sa katahimikan sa pagitan nila ng binata.

"Dapat kapag naglalakad ka sa daan ay alerto ka palagi, alam mo naman na maraming snatcher saka holdaper sa paligid-ligid kaya dapat ay hindi ka nagse-cellphone habang naglalakad. Hindi lahat ng lalaking kasama mo ay kayang ipagtanggol ka sa masasamang loob o makipaghabulan sa magnanakaw. Saka gumilid ka dito sa bangketa. Baka maya maya ay may humarurot na sasakyan at mahagip ka. Mahirap na." Biglang sabi ni Brix na agad siyang hinila papunta sa bangketa habang ito ay nasa side malapit sa dumadaang mga sasakyan. Agad naman niyang ipinasok sa bulsa ang hawak na cellphone dahil sa pagka-pahiya dito. Hindi na uli kumibo ang binata hanggang sa humantong sila sa bahay niya. "Sige, Becky. Thank you sa pagsama sa akin. I'm going..."

"You're welcome, salamat din pala, Brix."

Ngumiti lang ito bago i-angat ang kanang kamay na dumapo sa kanyang pisngi na siyang ikina-bigla niya.

"Ang cute-cute mo talaga. Ang sarap pisil-pisilin ng pisngi mo."

Tinabig niya bigla ang kamay ng binata at nagkunwaring naiinis kahit na napapangiti siya. "Ano ba, Brix!"

Tumawa si Brix sa gianwa niyang pagtabig sa kamay nito. "Sige na, pumasok ka na. Ikandado mo ang pinto mo pagkaalis ko. Mag-isa ka lamang dito kaya mag-ingat ka, 'wag ka na din'g magbi-bisita' kapag ganitong gabi na. Delikado sa ngayon, maganda na ang nag-iingat lalo na at babae ka."

Biglang may kung anong kumislot sa dibdib ni Becly sa ipinakitang concern ng binata sa kanya. "Alam ko, sige na." Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob ng bahay. Ilang segundo ang pinalipas niya bago naglakas loob na sumilip sa bintana at nagkagulatan pa sila ni Brix nang makita nila ang isa't-isa. "Ay kabayo ka! B-bakit nandiyan ka pa?!"

"A-ano kasi... Eh, ikaw din naman, ah! Bakit sinisilip mo pa ako sa bintana?"

"Wala lang! Bahay ko 'to kaya pwede kong gawin ang gusto kong gawin. Umuwi ka na nga!"

"Ako rin, wala lang din! Nasa labas naman ako ng bahay mo ah, kaya malaya akong gawin din ang gusto ko. Sige na nga! Good night na."

"Good night din!" Mabilis niyang isninara ang bintana saka nagdadabog na naglakad papasok.

Nang wala na siyang marinig at tila tuluyan nang maakaalis si Brix ay nakagat niya ang ibabang labi at natampal ang kanyang noo. Ano na ba ang nangyayari at tila kinikilig na siya sa presensya ni Brix? Tila ayaw niya ring agad itong umuwi at mas gusto niya lamang ay nagku-kwentuhan sila kagaya kanina.





My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon