Chapter 18

41 2 0
                                    

"Becky, ikaw ba yan?" Napatigil siya sa ginagawa at napatingin sa nagsalita---si Brix. Isa pala ito sa mga umiinom.

"Ano'ng nangyari sa 'yo?" Tumayo agad ang binata
at lumapit sa kanya. Maging ito ay nakipagpag na rin sa buhok at braso niya. "Bakit sinuong mo ang ulan? Alam mo naman na malakas na at malalaki na ang patak pero sinuong mo pa rin. Wala
ka bang dalang payong? Bakit nakayapak ka? Nasaan na ba ang date mo?"

"Nabangga 'yong kotse niya."

Napamulagat si Nate. "Naaksidente kayo? Nasaktan ka ba?" Ininspeksyon ng binata ang braso niya. Tumingkayad pa ito at akmang itataas ang palda niya
nang pigilan niya ito at patayuin.

Kahit paano ay nabawasan ang inis ni Becky dahil
sa ipinapakitang concern ni Brix. "N-nagasgasan lang
yong kotse niya."

"Mabuti naman."

Tinaasan niya ito ng isang kilay.

"Mabuti naman at hindi kayo nasaktan. Iyon ang
ibig kong sabihin. Ikaw talaga." Umangat ang isang sulok ng labi ng binata.

"Pero mabuti na rin at nagasgasan ang
kotse ng lokong iyon." Binalikan nito ang iniinom.

"Mag-isa ka lang umiinom?" tanong niya nang
makita ang ilang bote ng San Mig Light sa mesa.

"Hindi. Kasama ko 'yong ibang empleyado ng gym
kanina. Kakauwi lang nila.." Tinungga nito ang bote ng beer bago pinunasan ang mga labi gamit ang likod ng palad.

"Binigyan ako ng date mo kanina ng five hundred
pesos na pang-inom kaya inilibre ko sila. In fairness, Becky, galante ang date mo." Halata sa boses nito ang pagiging sarcastic nito sa mga binitawang salita.

"Sorry nga pala doon, Brix."

"Wala yon." Ngumiti ito. "Kumita ako ng five hundred nang walang kahirap-hirap. Kumusta nga pala ang naging date ninyo?"

Huminga siya nang malalim bago tinitigan ang
beer ng binata na kalahati pa ang laman. "Iinumin mo pa ba 'yan? Akin na lang, ha?" Kinuha niya ang beer at tinungga nang hindi man lang hinintay ang sagot nito. Nang maubos yon ay naupo siya sa harap ni Brix.

"Uy, chicharon! Akin na lang yan, ha?" Dinampot
niya ang pulutan at kinain.

"Oy, teka, hindi ka ba pinakain ng date mo?"

Aagawin pa sana nito ang chicharon sa kamay niya pero agad niya iyong inilayo.

"Dinala niya ako sa first-class resto," aniya sa pagitan ng pagnguya. "Kaso hindi ako nakakain nang maayos."

Nangalumbaba si Brix sa mesa at pinanood siyang
kumain. "Bakit naman, sigurado namang masarao ang mga pagkain dun, ah?"

Nagkibit siya ng mga balikat. "Wala lang. Nailang
kasi ako nang slight."

"Nag-enjoy ka ba?" Nang titigan ni Becky ang binata
ay tila namumungay na ang mga mata nito. Siguro ay
nakarami na ito ng beer o inaantok na.

Nilunok muna niya ang nginunguyang chicharon bago siya sumagot. "Oo naman."

"Mabuti kung gano'n." Ngumiti ito nang tipid.

"Nay Lorna, pahingi pa nga po ako ng dalawang San
Mig Light diyan!" wika nito sa bantay ng tindahan.

Ilang sandali pa ay tumila na ang ulan at isinuot na uli ni Becky ang sandals niya dahil malapit na rin naman ang bahay niya. "Sige, Brix. Uuwi na 'ko, ha? Umuwi kana rin at gabi na. Mukhang lasing ka na."

Biglang tumawa ang binata. "Hindi ako lasing!"

Naglalakad na lamang siya palayo nang marinig niya
tong kumakanta.

"Hindi mo alam dahil sa'yo, ako'y 'di makakain.
'Di rin makatulog buhat nang iyong lokohin.
Kung ako'y muling ibig, sana ay hindi katulad mo. Katulad mo na may pusong bato!
Katulad mo na may pusong
batooh!" Tuloy-tuloy na kanya pa nito na lalong nilalakasan pa habang tumatagal.

Napailing na lamang siya sa narinig.

Pagsapit ng umaga ay bisita agad ni Becky si Heidi. Hindi maitatanggi sa mukha ng kaibigan niya ang
pagkasabik sa kanyang ikukuwento.

"Kumusta ang date ninyo ni Hanz, the machong dentist?"pabirong tanong nito hindi pa man nakakaupo sa sala.

Ngumiti siya. "Okay naman. Nag-dinner kami sa
isang mamahaling restaurant. Nag-coffee at kumain kami ng cake sa Starbucks. Gentleman naman siya at mukhang may breeding talaga. Sosyal ang ugali."

"Mabuti naman at mukhang nag-enjoy kayo, bru. Kailan ang susunod na date ninyo?"

"Wala pa, bru. Kagabi kasi noong ihahatid na dapat
niya ako, nasagi ng motorsiklo ang kotse niya kaya
umuwi na lang ako nang mag-isa kagabi. Natatakot
kasi siya na baka takbuhan siya noong rider ng motor."

"Isa pa, gusto ko nang umuwi kaya nauna na 'ko. Nagpaalam naman ako ng maayos at binigyan pa nga niya ako ng five hundred pesos, hindi ko lang
tinanggap. Pang-taxi ko raw."

"Oh, my God!" Hinawakan ni Heidi ang braso
niya. "Sorry, Becky. Ako na mismo ang humihingi ng sorry sa ginawa ni Hanz.

Nagkibit-balikat siya. "Okay lang.

"Alam ko na medyo sablay ang ginawa niya, pero 'wag ka namang sumuko agad! Bigyan mo siya ng second chance, ha? Mabait 'yon, kaso, sabi nga rin ng asawa ko may pagka-OC siya pagdating sa kotse niya. Pero maliban doon ay okay naman siya. Kaya sana medyo intindihin mo na lamang muna." Pilit siyang inaamo ng kaibigan.

Pinilit niyang ngumiti. "Okay."

Nang sumapit ang hapon ay nagulat pa si Becky nang
maging bisita niya si Hanz. May dala uli itong bulaklak na may kasama pang imported chocolates.

Nagulat pa siya nang makitang ibang sasakyan na naman ang dala nito.

"Peace offering ko sa nangyari kagabi. I'm very sorry
about that," tila nag-aalangang sabi nito, mukhang nahihiya.

Tinanggap niya ang mga iyon bago ito nginitian. "Ayos lang iyon. Hindi ba't dentist ka? Bakit mo ako
binibigyan ng chocolates? Hindi ba dapat i-promote mo ang oral health?"

Natawa nang mahina si Hanz sa tinuran niya. "Nah! Kumakain din naman ako ng matamis paminsan-minsan. Isa pa, kapag nagpunta ka sa clinic ko ay libre na ang cleaning mo."

Naaliw nalang na napangiti siya dito.

My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon