Tanghali ng Sabado nang makarinig si Becky ng sunod-sunod na katok sa kanyang pinto. Si Heidi ang napagbuksan niya na nakangiti pa habang naghihintay na pagbuksan niya. Mabilis niyang itinago ang kinakain niya kanina pa.
"B-bru! Bakit nandito ka?"
"Ipapahiram ko lang sana sa 'yo ang make-up ko para magamit mo sa date ninyo ni Hanz. Teka, ano'ng itinatago mo riyan sa likuran mo?" naniningkit ang mga matang tanong nito sa kanya habang sinusubukang silipin ang bandang likuran niya.
"W-wala naman," aniya sabay ngiti.
"Teka nga, kumakain ka ng chocolates ano?"
"Pano mo nalaman?"
"May tinga ka pa sa gitna nyang ngipin mo, oh." Pumasok pa ito sa bahay niya ng nagdadabog.
"Bru, naman! Paano na ang diet mo niyan kung kain ka pa rin ng kain ng nga sweets!"
Padabog siyang muling bumalik sa sofa, saka sumalampak ng upo.
"Para limang Choc-Nut lang naman, bru! Sobra ka namang mag-react." Mabilis niyang kinuha ang natitira pang limang piraso niyon sa bulsa niya at inalok sa kaibigang nakasimangot habang nakatitig sa kanya. "Gusto mo?"
Tinitigan siya nang masama ng kaibigan bago kinuha
ang mga iyon. "Itatago ko ang mga ito para hindi ka
ma-tempt na kumain pa. Alam mo naman na nagdi-diyeta ka dahil kasalukuyan ka na ngang nagbu-burn ng fats, tapos itong sweets pa ang nilalantakan mo."Lumabi siya bago tila batang humalukipkip.
"Naligo ka na ba? Bilisan mo na at malapit nang
mag-alas-dos.'' Sinimulan na ni Heidi ang paglalabas ng mga branded nitong makeup."Ang aga pa. Mamaya na lang, bru. Anong oras pa lamang, oh. May mga pwede pa akong gawin. Saka napaka-init pa. Nakakatamad pang mag-ayos dahil pihadong pagpapawisan lamang ako."
Saglit siya nitong tinitigan. "Bakit parang hindi ka naman excited sa date mo? Gusto mo ba talagang lumabas kasama si Hanz?"
"Excited ako."
Tumigil ito sa ginagawa at tinitigan siya. "Eh, ano ang problema? Ayaw mo bang sumama kay Hanz? Did you changed your mind on going on a date with him, bru?"
"Gusto." Pinilit pasiglahin ni Becky ang tinig. Totoong
gusto niyang lumabas kasama si Hanz dahil gusto niyang makasiguro at patunayan sa sarili na wala siyang gusto kay Brix."Ano kasi... magka-chat kami ni Justin kanina.
"Ano'ng sinabi mo?"
''Ayun, sinabi ko na may dine-date ako at may
nagugustuhan na ako dito sa Pilipinas." Nang sabihin
niya iyon ay ang mukha ni Brix uli ang sumagi sa kanyang isipan. Nakangiti pa ang binata at hinihimas-himas ang balbas at bigote. Leche flan ka talaga, Brix! bulyaw niya sa kanyang utak."Ano'ng naging reaksyon niya? Nagalit ba?"
"Ang sabi niya ay naiintindihan daw niya. Pero ngayong sinusubukan kong tingnan ang FB account niya, hindi ko na ma-access. Mukhang in-unfriend at binlock pa yata niya ako." Halata ang lungkot sa boses niya pagkasabi noon.
"Tsk! Pabayaan mo na 'yon, bru. Ibig lang sabihin ay baka talagang hindi ka gusto ng Kano na 'yon. Baka gusto ka lang dahil sa photoshoped picture na sinend mo sa kanya. That's not true love." Naglakad ito at dinampot ang make-up kit na nakapatong sa lamesa. "Basta ang importante, may date kayo ni Hanz. Hayaan mo na lang si Justin." Bale-walang sabi nito bago binalikan ang ginagawa.
Pagkalipas ng isang oras ay nagsimula na siyang
maghanda para sa date nila ni Hanz. Talagang
pinaghandaan ni Heidi ang date dahil ito ang punong
abala sa paglalagay ng makeup niya. Maging ang mahaba niyang buhok ay pinakialaman na ng kanyang kaibigan. Naglagay ito ng tila bangs sa gilid ng kanyang pisngi at binigyan ng glazed curls ang dulo ng kanyang buhok. "Don't tuck you hair behind your ear, bru. We want to create the illusion of you having a slimmer face." Sabi pa nito habang abalang inaayos ang buhok niya."P-pero, bru. Parang nakakailang naman. Hindi ako sanay." Reklamo niya sa kaibigan habang sinisipat sa salamin ang itsura.
"Kaunting tiis-ganda lang, bru. Pagkauwi mo naman ay bahala ka na sa gusto mong gawin sa buhok mo ulit. Just for this date, okay? For Hanz." Nakangiti nitong sabi.
Bahagyang sumimangot na lamang siya saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga habang ang kaibigan naman ay abala pa rin sa pag-aayos sa kanya.
Pinagsuot pa siya ni Heidi ng shapewear para
mas magkaroon ng kurba ang kanyang katawan. Nang matapos ang pag-aayos nito sa kanya ay pinagsuot siya ng kaibigan ng tiffany blue dress na tinernuhan ng white wedge sandals. Nagsuot lamang siya ng pearl earrings at silver wristwatch."OMG! Ang ganda mo, Becky. You look perfect!" ngiting-ngiting sabi ni Heidi nang sa wakas ay matapos na sila. Iniharap siya nito sa full-length mirror at maging siya ay napangiti sa sarili ng makita niya ang kabuuan niya sa salamin.
"Nice! Ang galing mo, bru. Siguradong maglalaway sa'yo niyan si Mr. Dentist."
Hinarap niya ang kaibigan saka bahagyang ikinunot ang noo. "Ang dami mong alam, hindi pa nga natin alam k---"
"Shhh... Bru, trust yourself, okay? Ang ganda mo kaya."
"Bahala na nga, basta thanks na rin, bru."
"Sige na, ako na ang magliligpit dito. Doon ka na
sala at hintayin mo na si Hanz." Nakangiting sabi nito na kumindat pa bago tunalikod para ayusin ang nagkalat na gamit nila.Nang mapag-isa si Becky ay pinagmasdan niya ang
sarili. Masaya talaga siya sa kinalabasan ng pag-aayos ni Heidi sa kanya dahil na-boost nito ang kumpiyansa niya sa pisikal na aspeto. Nang makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto ay mas nauna pa ang kaibigan niya halos liparin ang pintuan para mabuksan iyon. Si Hanz ang napagbuksan nila. May bitbit itong bouquet ng red roses."Heidi, nandito ka pala. Si Becky, nandiyan ba?"
Nakangiting naglakad siya palapit sa lalaki. "Hello, Hanz!" nakangiting bati niya sa binata.
Halatang nagulat ang lalaki nang makita siya. "Wow!" Hindi na nito itinago nang pagmasdan siya nang mula ulo hanggang paa. "Y-you look great and perfect! I never thought that you are this beatiful, Becky." Halata sa nagniningning na mata nito ang lubos na paghanga habang pinagmamasdan siya.
"Thank you," nakangiting sabi niya kahit medyo naiilang pa rin siya kay Hanz. Malamang talaga ay magulat ito dahil noong huli siyang nakita ay nakapambahay lamang at wala siyang kaayos-ayos. Suot pa niya noon ang may butas na damit at pawisan pa siya dahil hindi niya naman ito inaakalang ipapakilala sa kanya ni Heidi.
"No, really, Becky. You look beautiful," wika pa ni Hanz habang ngiting-ngiti at hindi maalis ang pagkakatitig sa kanya. "Nga pala, flowers for you. Dumaan ako sa mall bago tumuloy dito. I hope you like it." Nahihiyang sabi ng binata habang inaabot niya ang bulaklak galing dito.
"Sa-salamat, Hanz." nahihiyang sabi niya. Akmang iipitin niya ang buhok sa likod ng mga tainga nang tumikhim si Heidi sa likuran niya at nang tingnan niya ito ay pinandilatan pa siya nito bilang warning.
"So, shall we go?" ani Hanz mayamaya.
Tumango siya sa binata. "Sige."
"I-start ko lang ang kotse ko. Sandali lang."
Nang maiwan sila ni Heidi at himapas nito ang balikat niya na tila ba kilig na kilig. "Bru, ano ba?" natatawang saway niya bago inamoy ang bulaklak na bigay ni Hanz.
"Anong masasabi mo sa ginawa ko? Hindi ba at ang galing-galing ko? He's totally mesmerized while looking at you, bru! He's totally into you!"
Ngumiti lamang si Becky bilang sagot. Flattered siya sa naging reaksiyon ni Hanz kanina nang mabungaran siya nito. Hindi niya maikakaila na medyo kinilig siya nang maramdamang kanina pa ito nakatitig sa kanya.
"Sige na at puntahan mo na siya. Ako na ang bahala rito. Ako na ang magla-lock ng pinto bago ako umalis mamaya." Bumeso na si Heidi sa aknya. "Mag-enjoy kayo, bru!" Kumindat pa ito na ikina-ngiti niya.
"Pakilagay na rin sa vase itong flowers at sayang naman." Iniabot niya ang hawak na bulaklak sa kaibigan.
"Sure, ialpag mo lang 'yan diyan. Bilisan mo at punatahan mo na si Hanz. Baka mainip na sa paghihintay sa 'yo ang date mo." Dinukot nito ang Choc-Nut sa bulsa at sininulang kainin. "Nagutom ako. Bye-bye!"
BINABASA MO ANG
My Chubby Romance
RomanceWalang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroo...