Chapter 23

69 3 0
                                    

Tinakasan ng kulay sa mukha si Becky nang may
marinig na boses sa kanyang likuran. Kanina pa siya
nakatulala sa laptop at nang buksan niya ang MS Word at basta na lamang niyang itinipa ang pangalan ni Brix. Paglingon niya ay ang nakangising mukha ni Heidi ang kanyang nabungaran.

"Bru! Ikaw ha?"

Mabilis niyang isinara ang laptop. "A-ano'ng ginagawa mo rito, bru?"

"Dinadalaw lang kita. Eh, ikaw, ano'ng ginagawa mo
maliban sa pagtitig sa pangalan ni Brix sa laptop mo? Anong ini-imagine mo diyan? Kanina ka pa kaya nakatulala."

"Hindi ito katulad ng iniisip mo, bru. Kaya ko t-ina-type ang pangalan niya, kasi, ano... Saka hindi ako nakatulala. Grabe ka naman. M-may iniisip lang ako, pero hindi si Brix 'yon." Pinaikot nito ang mga mata at iniwasan ang mga mata ng kaibigan na ngingiti-ngiti sa tabi niya.

"Naku naman, Becky! Ako pa ba talaga ang e-echosin mo? Kilala kita. Kung umarte ka, daig mo pa ang teenager na nahuli na nanonood ng porn, eh. Saka narinig mo ba ang sarili mo? Nagkakanda utal ka at nagkakanda-buhol ang mga salita mo. Ko! Obyus naman." Naupo ito sa harap niya.

"May gusto ka kay Brix. Si Brix ang dahilan kung bakit binasted mo si Hanz na napaka perpekto naman at malamang, si Brix din ang dahilan kung bakit nawalan ka ng interes makipag-chat kay Justin Cray na lalaking gustong-gusto mo?"

Bahagya nitong inilagay sa baba ang isang kamay habang nag-iisip. "Hmm... Gets ko na. Actually, noon pa may duda na rin naman ako. Ramdam ko na 'yan dati pa..."

Huminga siya nang malalim. "Bakit gano'n, bru? Si Hanz, almost perfect. Guwapo, doktor, disente, galante, mabait, at gusto ako. Si Justin naman ang katuparan ng American dream ko dati at ang sabi niya, gusto niya rin ako, kahit pa nga Photoshopped ang picture na ipinadala ko sa kanya. Pero pagdating kay Brix... kahit nakakabuwisit siya, kahit inaasar niya 'ko palagi, kahit balbas-sarado pa siya, kahit minsan para siyang tambay sa kanto... napapasaya niya ako." Nagsimula na siyang maiyak.

"Sa mga simple gestures lang niya ay kinikilig na 'ko.
Kapag siya ang kasama ko, kahit fish balls at gulaman lang kontento na ako. Kahit may Brenda na siya, gusto ko pa rin siya. Bakit gano'n? Bakit ang unfair naman ng mundo, bru?" Pinunasan niya ang ilong gamit ang likod ng kanyang palad. "Malapit na 'kong mag-thirty-one. Utang-na-loob naman! Anong petsa na? Nasaan ang hustisya?"

Hinagod ni Heidi ang kanyang likod.

'Tapos si Brix naman! Why is he giving me mixed signals? Minsan, pakiramdam ko gusto niya rin ako. Pero noong sinabi ko na boyfriend ko na si Hanz, parang natuwa pa siya. Ang sakit kaya n'on! Bakit ba merong mga lalaking pa-fall? Mga lintik sila! Hindi maganda ang ginagawa nila para sa puso nating kababaihan! Kung gusto nila tayo, bakit hindi pa nila sabihin nang deretso? Nakakainis!"

"Baka naman kasi binibigyan mo rin siya ng mixed signals, bru. What if gusto kana talaga niya all this time, ang kaso nga lang natatakot siyang umamin dahil baka i-reject mo siya? Kasi naman aso't pusa ang peg ninyo ni Brix. Para lang kayong nasa high school."

"Gusto mong landiin ko siya?" nag-aalangang tanong
niya sa kaibigan.

"No! Hindi ko kayang ipamigay angpuri at dangal ko nang gano'n-gano'n na lang!"

"Bruha! Wala akong sinabing ialay mo ang virginity
mo sa kanya. Luka-luka ka talaga."

"Eh, ano'ng gagawin ko?"

"Paaminin mo siya. Make him fall for you so hard
that it will be impossible for him to not confess his
feelings for you."

"Pero may Brenda na siya! Ang mestisang hilaw na 'yon na malaki ang boobs at halos lumuwa na ang matim na singit."Suminghot uli siya.

"Gusto ko ng chocolate at ice cream ngayon."

"OMG! No!" nanggigigil na saway ni Heidi. "Hindi ako makapaniwala na mate-threaten ka nang dahil lang kay Brenda! Sorry kung medyo rude, pero Becky naman, ang shunga kaya ng babaeng 'yon! Hindi sila
magka-wavelength ni Brix.

"Sexy naman." nakalabing sabi niya. "Gusto ko rin
pala ng moist chocolate brownies." Nagulat siya nang
hawakan nito ang magkabilang balikat niya.

"Becky, ano ba' ng nangyayari sa 'yo?" Inalog-alog ni Heidi ang mga balikat niya. "Huminahon ka nga! For
the love of God, calm down!"

"Tumigil ka nga! Ikaw ang nagwawala diyan, eh," aniya.

"Bakit ba ang hyper mo?"

Naparami yata ang caffeine intake ko kaninang umaga." Ilang beses itong huminga nang malalim.

"Pero ikaw ang problema rito at hindi ako, Becky. Masyado kang pabebe, bru. Sa totoo lang hindi bagay sa 'yo dahil matanda kana. Mahal mo ba si Brix?"

Pinamulahan ng mukha si Becky sa tanong ng kanyang kaibigang si Heidi. "It doesn't matter. Nothing's going to happen. Suko na 'ko sa love life ko." Tumingala siya sa kisame. "Sige na, Lord, tanggap ko na. Gets ko na rin po ang mga signs. Hindi talaga nakalaan si Brix sa akin. Magiging matandang dalaga na talaga ako." Bagaman sinasabi niya iyon ay nagsisimula na namang manakit ang kanyang lalamunan.

"'Wag mong sabihin 'yan, Becky! Ano ka ba naman? Kailangang may isa sa inyo na maglakas-loob na umamin ng nararamdaman hindi iyong naghihintayan kayo sa wala. Para kayong mga tanga niyan."

Inirapan niya ang kaibigan. "Hindi ako yon."

Tila nahulog si Heidi sa malalim na pag-iisip, pagkatapos ay biglang napapitik sa ere. "May hindi ka nalalaman, bru!"

"Ano?"

"Kaninang papunta 'ko rito sa bahay mo, nakasalubong ko si Brix. Paalis na siya. Ang balita rito sa atin ay paalis na pala si Brix papuntang... Syria! Oo, Syria yata 'yon o Lebanon. Hindi ko na matandaan ang narinig ko sa tindahan noong isang araw."

Napamulagat si Becky. "Seryoso ka ba? Anong gagawin niya sa Syria o Lebanon man?"

Sunod-sunod na tumango ang kaibigan niya. "Oo. Delikado sa Syria ngayon, hindi ba?"

"Oo! Napanood ko sa balita na parang magkakagiyera
doon. Ano ba ang pumapasok sa kokote ng mokong na 'yon at pupunta pa kung saan may kaguluhan?!"

Nagliwanag ang mukha ni Heidi nang makita ang reaksiyon niya. ''He's definitely going there, bru!"

"Then Brix is...'' nakangiting sabi nito na tila
natigilan lamang nang sumimangot siya.

"And, OMG! You have to tell him about your feelings before he gets killed on that country he is going."

Napatayo si Becky at nagpalakad-lakad. "Sa dinami-rami ng bansa sa buong mundo, bakit naman sa Syria o Lebanon pa? Nag-aadik ba siya? Ano ba ang nasinghot niya?"

Nagkibit-balikat ang kanyang kaibigan. "Hindi ko
rin alam. Kaya mas mabuti pa na puntahan mo na siya hanggat hindi pa siya nakakaalis."

Napatigil siya sa paglalakad. "Sige, kakausapin ko siya. Bahala na." Napatingin siya sa kaibigan. "Samahan mo naman ako, bru."

Ang tigas ng pag-iling ni Heidi. "Uuwi na rin ako nito. May lakad pa kami ng asawa ko. Sige na, puntahan mo na siya."

"Okay." Huminga siya nang malalim. "Here goes nothing. Bahala na nga!"

My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon