Chapter 14

38 2 0
                                    

Huminga muna ng malalim si Becky bago sinulyapan si Manolo sa tabi niya.

"Sigurado kang kaya mo 'yan ha?" wika nito.

"Oo, kaya ko na 'yan."

Kasalukuyang susubukan ni Becky ang one hundred thirty pound barbell deadlift workout. Paunti-unti na niyang sinasanay ang sarili doon nitong mga nakaraang linggo. Yumuko siya at binuhat ang dumbbell at nagaya niya iyon nang walang kahirap-hirap. Napatingin siya kay Manolo na seryoso lang din naman nakabantay sa kanya. Tila maging ito ay na-impress sa nakikita dahil unti-unting gumuguhit ang ngiti sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa tuluyan siyang mapagod. Nang maibaba niya ang dumbbell ay gusto niyang magsisigaw. She felt like a beast! Talagang malaki ang pakinabang ng pagwo-work out niya na hindi niya pinagsisisihan.

Narinig niya pa ang pagpalakpak ni Manolo habang nakatingin pa din sa kanya. " Ang galing mo, Becky!" wika ni Manolo. "Kung mayroon mang most improved  na client dito sa gym ay siguradong ikaw na 'yon."

Napangiti naman siya sa sinabi nito. "Salamat, Manolo. Hindi ko rin naman ito magagawa paunti-unti kung hindi dahil sa pagta-tiyaga at pagtuturo mo sa akin." Aniya habang pinupunasan ng tuwalya ang pawisang mukha at leeg.

"Don't worry, malapit na rin nating ma-achieve ang target weight mo. Kaunti na lamang at lahat ng hirap mo dito ay magiging trophy mo rin pag nagkataon." ani Manolo habang binabasa ang gym program niya na hawak nito.

"Ibig sabihin kamo ay kailangan ko nang ihanda ang sarili ko na ibabalandra ni Brix ang tarpaulin ko diyan sa labas," naiinis na wika niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi mawala wala ang inis niya sa binata dahil sa iki-nuwento ni Heidi sa kanya noong isang araw na pumunta ito sa bahay niya. Ang buong akala pa naman niya ay espesyal ang dahilan kung bakit siya niyayang mag-foodtrip ni Brix last week. Iyon pala naman ay maging sa ibang babae ay ginagawa rin niyo ang imbitahan sa lugar na 'yon para makipagtusukan ng squid balls.

Ano ba 'yon? Style niya para magyaya ng babae para mabola-bola? Tsk! Ang cheap niya, ha! Kahit kailan ay hindi na ako sasama sa 'yo, Brix! Buwisit ka! May date na kaya ako bukas at doktor pa ang ka-date ko! Hello?! Brix, you don't stand a chance against---

Natigilan bigla si Becky sa itinatakbo ng isip niya. Bakit pa ba niya ikino-kumpara si Hanz kay Brix e wala namang gusto sa kanya ang Brix na 'yon samantalang tila totoong may chance sila ni Hanz?

Dumeretso siya sa shower room ng gym at naligo na para mawala kahit papaano ang mga iniisip niya. Pero habang nagsha-shampoo at patuloy pa rin siyang nag-iisip. Kaninang pagpasok niya sa gym ay ang binata ang una niyang hinanap sa 'di maipaliwanag na dahilan. Nang malaman niya naman na wala ito dahil may project daw na inaasikaso ay medyo nanghinayang din siya. Pero nang bumalik sa isip niya ang kwento ni Heidi na nakikipagharutan ito sa ibang babae ay bumalik na naman ang pagkainis niya dito.

"Oh, my God! This is crazy!" bulalas niya. Mabilis siyang nagbanlaw at hi hindi na nag-abala pang magsuklay palabas ng gym hanggang sa makauwi siya.

Wala pang alas-diyes ng gabi ay tinangka na niyang ipikit ang mata para makatulog. Ngunit dumilat din naman agad ang mata niya dahil hindi siya dalawin ng antok. Napatingin siya sa kisame na tulala habang dilat na dilat ang kanyang mga mata at malalim ang iniisip. "M-may crush na yata ako sa Brix na 'yon?"

Dagli siyang nagtalukbong ng kumot nang marinig iyon sa sarili niyang bibig. "Kailan? Paano? Bakit si Brix pa?" sunod-sunod niyang tanong habang nagpapapadyak ang kanyang mga paa.

Anong nagustuhan ko sa impaktong bakulaw na 'yon na wala ng ibang ginawa kung 'di ay alaskahin ako simula pa noong mga bata pa kami?!

My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon