Chapter 17

43 2 0
                                    

"Ilan pala kayong magkakapatid, Becky?"

Pinunasan muna ni Becky ang bibig ng table napkin at pinadaanan ng dila ang mga ngipin para masigurong wala siyang tinga bago sumagot. "Tatlo kami. Pangalawa ako."

"Tatlo rin kami. Ako ang panganay. I have two
younger sisters. One is a registered nurse while the other one is an optometrist."

"Nice!" nakangiting komento niya habang
sinisigurong mayos ang kanyang posture at walang bilbil na lumilitaw sa pagkakaupo niya. Sigurado siyang mahal ang pagkain sa restaurant na iyon kung saan siya dinala ni Hanz, pero sa totoo lang ay hindi niya iyon gaanong ma-enjoy. She was very self-conscious dahil masyado siyang trying hard na magpa-impress kay Hanz.

"Lahat pala kayo ay napasok sa larangan ng medisina? That was amazing." tanong niya muli dito.

"Oo. Siguro nga ay nasa lahi na namin iyon. We all
took up Medicine because our parents wanted us to. My dad even wanted me to study abroad, mas okay daw kasi doon at mas marami akong matututunan. Saka alam naman natin dito sa Pilipinas. Lagi tayong nahuhuli pagdating sa equipments saka facilities. Doon kasi, kumpleto na lahat. All you have to do is pay and study."

"Ang suwete n' yo palang magkakapatid," nakangiting wika ni Becky. Hindi siya sigurado kung nagpapa-impress ba si Hanz o nagyayabang. Pero kung totoo naman ang sinasabi nito ay wala iyong kaso. Mukha naman kasi talaga itong galing sa mayamang pamilya.

"Ikaw nga pala, ano ang natapos mo sa college?"

Ibinaba niya ang hawak na kutsara at napatingin
dito. "Business Management. Nagtapos ako sa isang state university sa probinsiya namin."

Tumango-tango ang lalaki. "Ano ang pinagkakaabalahan ng parents mo?"

"Bale, wala na ang nanay ko. Namatay siya noong
nag-aaral pa ako ng college dahil sa hypertension. Si
Papa naman ay nakapag-asawa na uli. Nakatira na sila ng second wife niya sa Pangasinan sa ngayon."

"Ahh..." Tumango uli ito.

Hindi niya matiyak kung ano ang iniisip ni Hanz nang mga sandaling ion. Posibleng na-turn off ito sa
nalalaman, pero kaysa naman magsinungaling siya, hindi ba? Nagawa na niya iyon kay Justin at ano ang napala niya? Napilitan siyang mag-diet at gutumin ang sarili dahil sa kasinungalingan. Mabuti na lamang at maganda ang ibinunga niyon kahit paano.

Marami pa silang napagkuwentuhan habang nasa
biyahe nang ihahatid na siya ng lalaki. Marami nang
nalaman si Becky tungkol dito, gaya ng mga napuntahan nitong lugar at bansa, hobbies, at pagkahilig nito sa hayop. Kung aplikante si Hanz at naghahanap ng trabaho, sa taglay na experiences ay malamang na napakahaba ng resume nito. Ito ang tipo ng lalaking kapag ipinakilala ng babae sa pamilya nito ay pasado na agad.

"Shit!"

Napalingon agad siya kay Hanz dahil din sa gulat. "B-bakit? Anong nangyari?"nagulat na tanong niya.

"Nasagi ng motor ang bumper ng kotse ko." nakasimangot nitong sagot. Itinabi nito ang kotse sa
gilid ng daan. "Sandali lang, Becky, ha?"

Pagkababa ng lalaki ay agad nitong hinarap ang rider
ng motorsiklo. Noon lang niya napansin na motorsiklo pala ng isang sikat na pizza restaurant ang nakasagi sa kotse. Malamang ay nagmamadali ang rider na i-deliver ang kung ano mang dala.

Kahit nakasara ang kotse ay nauulinigan niya ang malakas na boses ni Hanz habang kausap ang nakasagi ng bumper nito. Ilang sandali pa ay nagdulot na ng traffic ang eksenang iyon.

Hindi siya sigurado kung gaano kalaki ang naging
damage sa bumper ng kotse, pero nagsisimula na siyang mainip at tila nawala na rin sa isip ni Hanz na may kasama ito.

Akmang bababa na ng kotse si Hanz nang makita
niyang palapit na ang lalaki. Nakahinga siya nang
maluwag. Mukhang sa wakas ay nakasundo na rin nito ang rider.

"Kumusta? Nagkaayos na ba kayo?"tanong niya dito.

"No. Ang sabi niya sa akin ay babayaran daw niya
ako. Pero alam ko na ang mga style ng mga 'yan. I wont let him have his way. Kinuha ko ang driver's license niya at tatawagan ko ang kakilala ko sa LTO para tulungan ako." Kinuha nito ang cell phone sa dash board.

"Ahm, Hanz, mukhang bad timing at matagal pa yata ito. Kailangan ko na kasing umuwi---"

"Hindi. Sandali na lang ito, Becky. Ihahatid kita."

Noon may lumapit na traffic enforcer sa kanila.

"Thank God, you're here! It's about time." ani Hanz sa hagad bago siya hinarap. "Becky, I'm really sorry about this." Kinuha nito ang wallet at inabutan siya ng five hundred peso bill.

"Mag-taxi ka na lang, ha? Pasensiya na. I'll call
you later, okay?"

Nagulat at nakamaang na sinundan niya ng tingin si
Hanz nang lumapit uli ito sa rider ng motorsiklo. Hobby ba nito ang mamigay ng pera sa kahit sinong nakikilala? Napailing siya bago iniwan ang pera sa dashboard at umibis ng kotse.

Dahil rush hour ay halos punuan lahat ng sasakyan na dumaraan.

"Miss! Miss! Isa pa rito! Isa pa!" sigaw ng driver ng jeep na tumigil sa harap niya. Sumakay agad si Becky, pero wala pa yatang isang dangkal ang bakanteng espasyo sa upuan.

"Kuya, wala namang space, eh!" naiinis nang sabi niya.

"Onsehan 'yan! Pakiusog-usog lang po. Maluwag 'yan at araw-araw ginagamit," nakangising wika pa ng
driver habang nagbibilang ng pera.

"Mataba ako, hindi ako kasya! Bababa na lang ako.
Itigil 'yo nga itong jeep!"

"Aabutin ka ng hatinggabi Ineng kung maghihintay ka ng jeep kung saan ka kakasya. Mahirap sumakay ngayon kaya magtiis ka na muna. May bababa na rin naman mayamaya lang diyan sa kanto," hirit pa nito.

Gustong bigwasan ni Becky ang driver pero nanahimik na lamang siya. Walang nagawang pilit niyang isiniksik ang sarili sa upuan. Narinig niyang nagrereklamo ang mga katabi niya pero hindi na niya pinansin.

Damang-dama niya ang pagtulo ng pawis sa noo, leg, at likod niya na lalo pang pinatindi ng shapewear na suot niya. Nanlalagkit na siya at nang tingnan niya ang suot na sandals ay sira pa ang mga yon.

Palibhasa mumurahin! Buwisit! sigaw niya sa isip. Gusto na niyang maiyak. Pakiramdam niya ay siya si Cinderella at sumapit na ang midnight kaya nawala na ang epekto ng magic ng kanyang Fairy Godmother.

Hindi na maipinta ang mukha ni Becky nang makababa ng jeep dahil sa sobrang inis. Gabi na at wala nang pedicab sa kanto nila kaya napilitan siyang maglakad. Habang naglalakad ay binabalikan niya ang mga nangyari sa buong araw.

Lord, bakit naman po ganon? Ito po ang una kong
matinong date sa buong buhay ko! Imagine, doktor po ang naka-date ko pero bakit parang hindi po yata umaayon sa akin ang tadhana? Ano po ba ang ibig nitong sabihin? Is Hanz not the one? Sino po kung ganon? Si Justin? Dapat po ba akong makipag-chat uli sa kanya?

Nasa ganoong pag-iisip si Becky nang maramdaman
ang ilang patak ng ulan sa kanyang mukha. Gusto na niyang magpapadyak sa inis. Mabilis niyang hinubad ang sandals dahil mas mabilis siyang makakapaglakad kapag nakayapak lamang.

Nang lumakas na ang buhos ng ulan ay mabilis siyang nalisilong sa bukas pang sari-sari store. May umiinom pang lalaki roon na hindi niya na pinansin
dahil abala siya sa pagtutuyo ng mukha at katawan.

My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon