Nasundan pa ang date nina Becky at Hanz nang ilang
beses hanggang sa isang gabi ay itanong na ng lalaki
kung payag siyang maging girlfriend nito, Hindi na niya ikinagulat iyon. Muntik pa nga siyang matawa dahil bigla niyang na-visualize si Heidi. Kung nasa tabi lang niya ang kaibigan nang mangyari 'yon ay malamang na nagtititili na ito with matching pompoms habang sumisigaw ng 'Give me a Y! Give me an E! Give me an S! What do we have? YES!' Pero imbes na sumagot ng 'Yes', iba ang kanyang
nasabi."Puwedeng pag-isipan ko muna, Hanz?"
Nang pauwi na sila ay hindi na nagpahatid si Becky
nang hanggang sa bahay niya. Gusto niyang mapag-isa at mag-isip. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Siguro, kung ibang babae lamang siya ay mabilis na 'Oo' na ang isinagot niya kay Hanz na bukod sa guwapo, disente, may maayos na trabaho, ay masarap din namang kausap.Nang mapadaan siya sa basketball court ng barangay
ay narinig niya ang isang pamilyar na tinig. Nang tingnan niya ay si Brix iyon na nakikipaglaro ng basketball sa ibang kabarangay nila. Nakasuot ito ng lumang jersey na katulad ng sa kuya niya. Iyon ang uniporme ng tropa nito noong ang mga ito pa ang official team ng barangay nila. Naka-headband pa ang binata para hindi iyon tumakip sa mukha nito, pero kahit ganoon ay macho pa rin itong tingnan.Napangiti si Becky nang maka-three points si Brix na ipinapanalo ng team nito. Halos lahat ng natoon ay
nag-cheer para dito. Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakikipalakpak. Kusang kumilos ang kanyang mga paa palapit sa binata para batiin ito.Akmang tatawagin na sana niya si Brix nang lapitan ito ng isang napakaseksing babaeng maputi at blonde ang buhok. Naka-pink sleeveless top ang babae at halos lumuwa na ang dibdib sa lalim ng neckline niyon. Tinernuhan 'yon ng babae ng maong shorts na hapit na hapit at ubod pa nang iksi.
Buong lambing na yumakap ang babae kay Brix at pinunasan pa ang pawisang mukha nito. Kinantiyawan ng mga naroroon ang dalawa. Ngiti lamang ang isinagot ni Brix sa lahat.
"Bagay na bagay sina Brix at Brenda, 'no?" sabi ng babaeng katabi niya. "Guwapo at maganda. Kita mo
at pati ang first letter ng pangalan nila ay pareho pa, bagay na bagay talaga sila." Tila kinikilig pa na sabi nito."O-oo nga," ani Becky bago mabilis na tumalilis.
Natutop niya ang dibdib habang naglalakad. Buwisit!
Bakit ganito ang nararamdaman ko? galit na tanong niya sa sarili.Pagkarating niya sa bahay ay pasalampak siyang naupo sa sofa. Bago pa man niya mapigilan ang sarili ay kinuha niya ang kanyang cell phone at tinawagan si Hanz.
"Hello, Hanz." Lumunok siya nang ilang beses. "Nakapag-isip na ako...
BINABASA MO ANG
My Chubby Romance
RomansaWalang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroo...