Kakayanin mo pa ba, Becky? Are you sure? Just tell me if we need to slow down okay?"
"Oo," determinadong sagot niya kay Manolo.
"Sige lang."
"Pero baka hindi mo kayanin."
"Kaya ko, sasabihin ko naman sayo kapag talagang di ko kaya."
Kumilos si Manolo para pabilisin pa ang tinatakbuhan niyang treadmill.
"Whoa!" naibulalas niya habang tinatantiya ang sarili.
"Okay, kaya ko pa naman."
"Nakaka-impress ka talaga, Becky. Ang bilis ng progress mo. Nilalampasan mo pa ang program mo."
Ngumiti lamang si Becky at ipinagpatuloy ang pagtakbo. Hingal na hingal na siya pero wala siyang pakialam. Sadyang sinusubukan niya ang sarili kung magagawa niya ang goal niya. Gusto niyang malaman kung hanggang saan ang itatagal at kakayanin ng katawan niya.
Nang sa wakas ay matapos na siya sa kanyang workout ay pagod na pagod siya. Kaya naman nang makapagpahinga ay inayos na ang mga gamit at nagtungo sa shower area dahil gusto na rin niyang maka-uwi. Nang matapos siyang mag-shower ay nakita niyang palapit sa kanya si Manolo.
"Gusto mo bang malaman kung ilan na ang naibawas sa timbang mo?"
"Sige." Excited siyang malaman kung ilang pounds ang nabawas sa kanya. Kabadong tumuntong siya sa weighing scale.
Kumunot ang noo ni Manolo habang nakatingin sa sukat ng bigat niya. "Kumakain ka naman ng maayos?"
"Oo naman." Dalawang beses na lamang siyang kumakain sa isang araw. Tuwing agahan at tanghalian na lang. Sa gabi naman ay umiinom na lamang siya ng green tea with honey.
"Nabawasan ka ng eight pounds," ani Manolo bago nagsulat sa papel.
"But I just want to remind you Becky, hindi healthy ang crash diet. Kung ano ang ibinilis ng pagbawas mo ng timbang ay ganoon din kabilis na mage-gain mo iyon. Not to mention ang epekto n'on sa kalusugan mo."
"Minsan dahil sa kagustuhan nating pumayat nang mabilisan sa hindi tamang paraan ay nagiging dahilan ng pagkakasakit natin."
Ngumiti naman si Becky sa binata at halatang may iniisip.
"Becky, kailangan dahan-dahan okay? Babawasan mo ang dami ng pagkain na nakasanayan mo pati ang cravings mo, but slowly okay? I don't want you to get sick. "
"Salamat Manolo, alam ko naman iyon." aniya pero sa totoo lang ay nakaka-high ang pakiramdam na tuwing tumutuntong siya sa weighing scale ay lalong bumababa ang kanyang timbang. Naisip rin naman niya ang sinabi ni Manolo tungkol sa ginagawa niyang crash diet minsan na kahit di niya aminin dito.
"Uminom ka ng maraming tubig, ha?"
"Yes, sir."
"And nga pala, gusto ka raw kausapin ni Sir Brix."
"Bakit daw?"
"May gusto lang siyang sabihin sa'yo. Nasa office na siya." Ininguso ni Manolo ang tinutukoy na pinto.
Habang naglalakad patungo sa itinurong pinto ni Manolo ay kung ano-ano na ang iniisip na sa dahilan kung bakit siya gustong makausap ng binata. Pinaikot ni Becky ang mga mata bago napipilitang pumasok sa pinto.
"Gusto mo raw akong makausap, Brix?" Humalukipkip siya at seryosong tiningnan ang lalaking noo'y nakatungo at seryoso sa ginagawa.
Nag-angat naman ito ng ulo mula sa binabasa at saka tipid na ngumiti. " Kamusta ka na?"
"Ayos lang, bakit?"
Pinakatitigan siya nito mula ulo hanggang paa.
"Ano'ng problema?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya habang sinasalubong ng tingin si Brix.
"Pinakita ni Manolo sa akin ang gym program at progress mo. You're losing weight way too fast, Becky." Medyo nakaramdam pa siya nang kaunting tuwa ng hindi siya tawaging 'Bekbek' nito.
"Really? That's great news then!"
Tumingin ito ulit sa kanya na tila hindi makapaniwala sa sagot niya.
"Mali. Hindi namin ine-encourage ang mga kliyente namin na mag-crash diet at mag-undergo ng gym program namin. Kung may mangyaring masama sa kung sino man ay kargo namin 'yon, alam mo ba 'yon?"
"I'm fine! Wala naman akong nararamdaman na masama sa katawan ko. Actually, ang laki na nang igininhawa ng pakiramdam ko since nag-start ako. I've never felt this light and agile ever since I could remember." Confident an sabi niya.
Umiling si Brix. "Hindi ko ito-tolerate na gugutumin mo ang sarili mo. Kapag nagpatuloy ka pa sa pagka-crash diet mo ay hindi ko na itutuloy ang gym program mo."
"Pero bakit? Hindi ba at ang goal mo ay papayatin ako para ipangalandakan na pumayat ako dahil sa gym mo?" May pagka-sarcastic na sabi niya.
He intently look at her.
"Our goal is to promote the right diet, good health, fitness, and for people to know the benefits of regular exercise. I don't want to starve yourself to death. "
"At bakit ka ba masyadong nagmamadaling pumayat? May hinahabol ka bang deadline?" Alam ni Becky na nagpipigil lang ito sa gusto nitong sabihin.
"W--wala," aniya bago nag-iwas ng tingin. Sa totoo langa y matindi ang kutob niyang malapit na ang pagpunta ni Justin sa Pilipinas, kaya mas nagmamadali na siyang magpapayat. By all means ay kailangan mas malaking bilang pa ang timbang na dapat ay mawala sa kanya.
Napailing ang binata habang nakamasid sa kanya. "Becky, kung gusto mo mang magpapayat, sana naman ay hindi lalaki ang dahilan. Sana naman ginagawa mo ito para sa sarili mo.
"Ginagawa ko rin ito para sa sarili ko. Sa totoo lang, isa ka rin sa malaking rason kung bakit matindi ang motivation ko na pumayat at gawin ito.
Umangat ang isang sulok ng labi ni Brix na natatabunan pa rin ng bigote at balbas. "R--really?"
"Oo. Kasi buwisit na buwisit na ako sa pang-aasar mo sa akin magmula noong mga bata pa tayo!"
Sandaling natigilan ni Brix sa sinabi niya pero ngumiti pa ito at nagkibit-balikat. "I'll t--"
"Hindi ko naman alam sa'yo kung bakit ba mukhang mas naaaliw ka pang pikunin at sirain ang araw ko, lumayas ka na nga noon pero bumalik ka na naman para pakuluin ang dugo ko!"
"Hey, chill Bekbek.. Highblood ka na naman eh." Tumikhim ito at prenteng umupo.
"Still, I'll take that as a compliment. 'Yong sinabi mo na isa ako sa dahilan kaya motivated ka." Ngumiti ito at tila walang narinig sa ibang sinabi niya.
"Compliment?!"
"It worked, right? It pushed you into doing this."
Tiningnan niya nang masama si Brix. Nakakainis talaga ang bakulaw na 'to. Ang daming alam!
"May sasabihin ka pa ba?"
"Siguro naiinis ka na naman sa akin, 'no?"
Ngumiti siya nang pilit at tumingin dito. "No. Normally, this would easily piss me off. But I'm a new person now. I'm way above your silly antics, Brix."
"Ah...." Tumango-tango ito at kinindatan pa siya na halos gusto niyang ika-duwal.
"Ang akala ko kasi naiinis ka na naman. Namumula ka na kasi at umaalog na naman ang buong katawan mo habang nagsasalita ka."
"Sira-ul----" Ilang beses siyang huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili, kung hindi ay baka daganan at sakalin niya si Brix para hindi na ito makapanglait sa kanya.
"Babalik na lamang ako sa Biyernes. Mauuna na 'ko."
Bago pa siya makalabas ng pinto ay nagpahabol pa ito. "Pakisabi mo naman sa kuya mo na kapag nagawi siya rito sa atin, puntahan niya naman ako."
Hindi na sumagot si Becky at inirapan lamang si Brix bilang sagot.
BINABASA MO ANG
My Chubby Romance
RomanceWalang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroo...