Dumiretso si Becky sa gym ni Brix kinaumagahan. Nang makita siya ni Manolo ay agad siya nitong
sinalubong."Napa-aga ka yata, Becky? Gusto mo na bang simulan
ang work---""Nandito na ba si Brix?" putol niya sa sinasabi pa nito.
"Nasa office niya."
"Salamat." Niyakap niya ang instructor. "Thank
you, Manolo, sa pagtulong mo sa akin na pumayat, ha?" nakangiting sabi niya rito bago nagtungo sa opisina ni Brix. Naabutan niya ang binata na may binabasang papel."Brix..."
Nag-angat agad ito ng paningin. "Uy, Becky!'' nakangiting bati nito. May mumunti na namang bigote at balbas na tumutubo sa mukha ng binata pero bumagay naman ion dito.
"Maaga pa para sa gym session mo, ah."
"Ready na ako sa pictorial ko."
Kumunot ang noo ni Nate. "Ano'ng pictorial?" Ngumisi ito."Magpo-pose ka ba sa FHM?" nakalolokong tanong nito saka tumawa.
Hindi niya ito pinansin. ''Hindi ba ang deal natin,
magpapagawa ka ng tarpaulin ng before and after ng
katawan ko?" Kinuha niya sa dalang bag ang whole body picture niya bago siya nagsimulang mag-work out sa gym na iyon, saka inilapag sa mesa. "Hayan ang before picture ko. Sabihan mo lang ako kung kailan pa ang pictorial ko ulit."Nakakunot-noong sinulyapan ng binata ang picture
sa mesa bago tumingin sa kanya. "Pero hindi mo pa natatapos ang gym program mo.""Okay na ako. Oo, chubby pa rin ako, pero
komportable na 'ko sa katawan ko. Thirty pa rin ang
waistline ko at masikip pa rin sa akin ang mga medium-sized na damit pero wala na 'kong pakialam. I just want you to know that I'm keeping my end of the bargain. You have my word." Umasta na siyang aalis nang harangin ni Brix ang daraanan niya."Bakit?" nakataas ang kilay na tanong niya dito.
"Ano'ng problema mo, Becky? Galit ka ba sa akin? May nagawa na naman ba ako?"
"W-wala," aniya bago nag-iwas ng tingin. "Excuse me."
Pero imbes na tumabi ay isinara pa ni Brix ang pinto
ng opisina. "Okay. Ano ba talaga ang problema natin?" Humalukipkip pa ito habang matamang nakatingin sa kanyang mukha.Pinilit ngumiti ni Becky. "Wala akong problema, Brix. Everything is going so well in my life now. I have a decent job. I am slimmer. I have a boyfriend who happens to be the cutest dentist ever. So, I cant complain. Life is good." Pinakatitigan niya ang binata, pilit inaarok ang palsiyon nito sa narinig.
Nababaliw na yata siya pero gusto niyang makita na apektado ito sa nalamang may boyfriend na siya.
Ngumiti si Brix ."Kayo na pala ni Pogi." Tinapik
nito ang balikat niya."Good for you! I'm happy for you."
Pakiramdam niya ay nanlaki ang butas ng ilong
niya sa sinabi ng binata. "T-thank you. Ikaw din. Sana
magsama kayo ng bago mong girlfriend hanggang
kamatayan," nanggigigil na sabi niya habang nakangiti pa rin. Hinampas niya nang malakas ang balikat nito. "Sige, mauna na 'ko. May lakad pa kami ni Hanz maya-maya.""Teka, Becky!" Hindi na niya pinansin si Brix at tuloy-tuloy lamang siyang lumabas ng gym.
Basta na lamang inihagis ni Becky ang headset niya
pagkatapos ng madugong English session sa isang Korean teenager. Padaskol na ibinaba niya ang monitor ng laptop bago nagpasyang humilata sa sofa.Tatlong araw na siyang tila palaging pagod. Pati ang ulo niya ay sumasakir din. "Siguro dahil palagi akong nakaharap sa laptop,"aniya habang minamasahe ang noo.
Nang mag-ring ang kanyang cell phone ay sinulyapan
niya yon. Si Heidi ang tumatawag. Ilang beses na siyang tinatangkang kausapin ng kaibigan at alam niya kung bakit."Bru, bakit?" tinatamad na sagot niya sa tawag.
"I just talked to Hanz." Huminga siya nang malalim.
"Ano raw?"
"Binasted mo raw siya?"
Tila lalong sumakit ang ulo niya sa sinabi ng kaibigan. Noong gabing nakita niya si Brix na kasama si Brenda ay nagdesisyon siya na patigilin na si Hanz sa panliligaw sa kanya. Hanz was almost perfect pero wala siyang maramdamang espesyal kapag kasama niya ito.
Oo, nag-e-enjoy siya sa company ng lalaki, pero hindi siya ganap na masaya. It was as if she was just passing time just for the sake of spending it with someone. At kung ganoon din lang ang sitwasyon ay mas mabuti pa na mapag-isa na lamang siya kaysa paasahin si Hanz sa wala.
Si Brix ang gusto ng puso niya. Ngayon ay alam na niya iyon pero ayaw pa rin niyang tanggapin.
"Wala, eh. Walang spark."
"Ano?! Walang spark? Ang sarap mong sabunutan, Becky!''
"Sorry, bru." Iyon lang ang nasabi niya.
"Bakit, Becky? Ano ba ang ayaw mo kay Hanz?
Naiintindihan ko yong pagtanggi mo sa mga dati kong inirereto sa 'yo, pero this time, hindi kita maintindihan, Becky.""Walang problema sa kanya, bru. Ako ang may problema."
"Ano'ng ibig mong sabihin? Anong problema? May nagugustuhan ka na ba? Sino?"
Nahilot uli ni Becky ang noo. "Heidi, bru, pasensiya
na pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa ngayon. Ba-bye na muna.""Hay, naku, Becky! Hindi mo 'ko madadaan sa ganyan! Style mo bulok!" Narinig pa niya ang pagsigaw ni Heidi sa kabilang linya pero tinapos na niya ang tawag. Hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. Ngayon lang din niya naalala na dalawang saging na saba pa lang ang kinain niya sa buong araw. Itinakip niya ang braso sa kanyang mga mata bago siya makatulog.
Naalimpungatan si Becky nang maramdaman
ang malamig na bagay na dumampi sa kanyang noo. Napaigtad siya bago umungol at namaluktot sa pagkakahiga. "Ang lamig... pakipatay naman ang electric fan, oh.""Kumusta na ang pakiramdam mo, bru?"
Kumunot ang noo niya. "Heidi?" Pinilit niyang idilat ang isang mata. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo na sinasagot ang CP mo. Nag-alala alo kaya pumunta ako rito. Naabutan kitang inaapoy ng lagnat." Nag-aalala ang boses nito habang nakatunghay sa kanya.
Pinilit bumangon ni Becky habang hawak ang bimpo
sa kanyang noo. "Masama talaga ang pakiramdam ko. Ayaw mo kasing maniwala sa akin," nagkakandahaba ang ngusong sabi niya."Sorry na, bru. Heto at ibinili na kita ng paracetamol.
Inumin mo, ha? Hindi ako puwedeng magtagal at may exam ang anak ko bukas. Tutulungan ko pa siya na mag-review." Umakma na itong aalis."Anyway, may nagluluto na ng noodles mo. Kainin mo na lang yon, ha? Iki-kiss sana kita, kaso baka mahawa ako sa 'yo kaya next time na lang. Pagaling ka, bru."
"Sige, ingat ka," aniya, saka natigilan nang may
maalala. "Saglit! Sino pala ang nagluluto ng noodles?" tanong niya. Pero tila hindi na siya narinig ni Heidi."Diyan ka na lang, Becky, at 'wag ka nang tumayo. Ako na lang ang magdadala ng noodles diyan." Napaigtad siya nang biglang may sumilip sa kusina
niya---si Brix na may hawak na mangkok at sandok.
BINABASA MO ANG
My Chubby Romance
RomanceWalang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroo...