Chapter 5

54 3 0
                                    

What is your ideal guy?

Napangiti si Becky sa tanong ni Justin. Napapansin niyang mula nang makita nito ang "picture" niya ay tila mas napapadalas ang pakikipag-chat nito sa kanya. Maging ang mga tanong nito ay mas naging personal at intimate na hindi kagaya nung mga nakaraang buwan na halatang hindi ito gaano interesado sa kanya.

My ideal guy is smart, responsible, kind and of course, funny.

Gusto pa sana niyang idagdag na may sariling bahay at kotse, may maayos na trabaho, at kaya siyang pakainin six times a day pero pinigilan niya ang sarili. Natigilan siya mg biglang maalala ang naging engkuwentro nila ni Heidi kay Brix kanina. Napasimangot siya. Hindi niya maintindihan amg sarili kung bakit biglang sumingit ang binatang kinaiinisan sa isipan niya.

I also like men who are well-groomed, who smells good and treat everyone with respect.

Bigla niyang naidagdag sa mensahe niya kay Justin.

Infairness kay Brix ay hindi pa naman niya ito naaamoy na mabantot kahit kailan, pero hindi pa rin talaga ito papasa sa kanyang panlasa.

Count me in, then! Hahahaha! Just kidding. See, I've got sense of humor. Sagot ng Kano.

Hahaha! We'll see, Justin.

Seriously, Becky, I've been thinking about you these past few days.

Really? Kinikilig niyang sagot habang nakangiti.

Yes. I've been looking at your picture a lot. In fact, i have one framed just beside my bed. You really are beautiful, Becky.

Nalungkot si Becky sa sinabi ni Justin. Pisikal lamang ba ang dahilan lung bakit tila mas nagpapakita ito ng interes sa kanya? Hindi ba counted na masarap siyang kausap at ang opinyon at ang katalinuhan niya pagdating sa mga bagay-bagay?

Wow! That was flattering.

Iniiwasan niyang iparamdam dito na tila nadisappoint siya sa mga ipinaparamdam ni Justin sa kanya dahil lamang sa pisikal na nakikita nito.

I wish I'd dream of you tonight, even though i know that it's morning there in the Pilippines. You know, I've heard that there are a lot of great beaches and resorts there.

Yes, the Philippines is a beautiful country, indeed.

So, I've heard. Don't worry my dear, one of these days, we'll tour the place, you and I together, i promise.

Nanlaki ang mga mata niya sa nabasa. Inilang ulit niya pa itong basahin para masiguradong hindi siya nagkamali sa kanyang mga mesaheng sinabi ni Justin.

What? Are you planning to come here?

Yes. Mabilis na sagot ni Justin.

When? Are you sure that you really want to come here? Paulit-ulit na tanong niya dito na kabang kaba  habang nagtitipa ng mga sasabihin pa kay Justin.

Soon, my dear.

Doon na lalong kumabog ang dibdib ni Becky sa kaba habang nakatitig sa huling mensahe ni Justin.

"Omg! Kailangan ko na talagang career-in ang pagda-diet ko!" Nagpapadyak na sabi ng dalaga.

Kinaumagahan ay sinimulan na ni Becky ang dibdibang pagda-diet. Sa pagkakataong iyon ay kailangang maging seryoso ma talaga siya kung ayaw niyang madisappoint si Justin kapag nagkita sila. Sa araw na iyon ay yalagang pursigido na siyang gawin lahat para lamang mabawasan paunti-unti ang timbang at kolesterol sa katawan niya.

My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon