Chapter 8

52 2 0
                                    

Nakahiga si Becky sa sofa nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng bahay niya. Nagtatakang lumapit siya roon. Simula nang isara niya ang karinderya ay naging tahimik na ang kanyang kabahayan. Aaminin niya na minsan ay nalulungkot siya dahil nakasanayan na niya ang mga taong pabalik-balik sa karinderya para bumi sa kanya ng pagkain. 'Yong iba pa ay tumatagal lalo na kapag nasimulan sila ng kwentuhan at tsikahan.

Miss na din niya ang pamamalengke nang maraming samut-saring gulay, karne at isda. Pati ang pagluluto niya na lalong nammimiss niya. Ngayon kasi ay nagluluto man siya ay para na lamang sa sarili. At dahil nagda-diet na siya kaya naman kaunting isda at gulay na husto lamang sa isang meal ang pini-prepare niya. Kahit papaano din naman ay malaki ang natipid niya nang dahil sa pagda-diet. Ngayon lang niya na-realize na ang laki pala talaga ng budget niya sa pagkain.

Pagka-bukas niya ng pintuan ay nakita niya ang mukha ng kaibigan niyang si Heidi na bagama't hapo ay nakangiti.

"Bru, kamusta?"

"Okay naman, ikaw? Mabuti at napad----" Natigilan siya nang makita ang malawak na pagkakangiti nito sa kanya.

"Ano'ng meron? Bakit parang hindi ka mapakali diyan? Bat ka nakangiti?" Nagtatakang tanong ni Becky.

"May kasama ako!" excited na bulong nito na lumapit pa bahagya sa may tenga niya.

"Sino?" Sumilip siya sa likod nito pero wala naman siyang nakita kahit nakailang paglinga-linga niya.

"Nakakatakot ka, bru! Mag-isa ka lang, wala ka namang kasama! Okay ka lang ba?" Kunway hinawakan pa niya ang noo ng kaibigan.

"Luka-luka! Pina-park niya ang kotse niya. Hintayin mo lang," tila kinikilig na sabi pa nito na hindi mawala sa mukha ang ngiti.

"'Hanz Guerero' ang pangalan niya. High school friend siya ng asawa ko. Single at gwapo!" Hininaan pa ito ang mga huling sinabi sa kanya.

Pumalatak si Becky at naipadyak pa ang paa bago balingan ang kaibigan. "Ano ba naman bru! Not again! Sinasabi ko naman sa'yo na wala na talaga akong interes sa mga inirereto mo sa akin."

"Ayan ka na naman Heidi! Kung sino na naman 'yang irereto mo sa akin. Para na akong hayok na hayok sa lalaki sa ginagawa mo!"

"Bru, ano ka ba! 'Never stop believing', ika nga 'di ba? Saka promise, iba 'to! Noong ipakilala siya sa akin ng asawa ko, nagsisi talaga ako na nag-asawa ako kaagad."

Pinaikot niya ang mga mata. "Bru, ayoko---"

Napamulagat siya nang makita ang papalapit na lalaki sa kinaroroonan nila. "Hot" ang unang pumasok sa kanyang isip habang nakatingin dito.

"Good evening. Medyo nahirapan akong humanap ng parking area kaya natagalan ako."

Pati ang boses nito ay napakaguwapo at lalaking-lalaki. Halos manoot pa sa ilong niya ang matapang na pabango nito na amoy bulaklak na pakiramdam niya ay halos nailigo nito sa katawan.

Humagikhik si Heidi at siniko pa siya nang marahan saka inipit ang buhok nito sa likod ng tainga. "Ayos lang Hanz. Siya nga pala, ito amg kaibigan ko na si Becky. Becky, siya si Hanz Guerero, kaibigan ni Tim."

"Mabuti naman at naaalala mo pa ang pangalan ng asawa mo. Kanina kasi akala ko ay nakalimutan mo na dahil---" Napaigtad siya nang kurutin ng kanyang kaibigan ang bilbil niya sa tagiliran. Tumikhim siya at ngumiti.

"Hello, Hanz. I'm pleased to meet you."

"Same here, Becky."

"Tara, pasok tayo sa loob," ani Hedi na nakangiti parin.

"Wow, ha? Bahay mo ba 'to, bru?
Pinandilatan siya ni Heidi at inapakan pa ang kaliwang paa niya.

"Br---"

My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon