Chapter 13

44 2 0
                                    

Ilang oras lang ay nakatanggap naman ng tawag si Becky mula sa bestfriend niyang si Heidi.

"Bru, ano na? Nagparamdam na ba sa'yo si Mr. Dentist na pogi? Noong isang gabi ko pa ibinigay ang numero ng cell phone mo sa kanya, ah? Wala pa ba?"

"Oo, tumawag na siya kanina. Niyaya niya akong lumabas ngayong Sabado kung okay lang daw sa akin at wala akong gagawin."

"OMG!" tili ni Heidi sa kabilang linya na halos ikabingi niya sa lakas. Kailangan pa niyang ilayo ang cell phone sa tainga niya dahil tila sasabog ang eardrum niya dahil sa ginawang pagtili ng kaibigan na kasabay pa ng paghampas nito sa kung ano. "I knew it! Finally, my matchmaking skills paid off! So, ano? Huwag mong sabihin na tumanggi ka pa, bru? Aba, senyales na 'yan na pwede ka nang maging future Mrs. Guerero!"

"Magtigil ka nga Heidi! Mrs. Guerero? Agad-agad? Ni hindi ko pa nga alam kung ano ang mangyayari sa magiging date namin. Kung talagang interesado ba siya sa akin o ano. Pwede rin naman kasi na gusto niya lang kaming lumabas bilang magkaibigan. Baka gusto niya lang akong mas makilala pa."

"Pero pumayag ka nga? Na lumabas kayo ngayong Sabado? Baka naman tumanggi ka pa? Makikipagkaibigan man o ano, grab na agad, bru! Malay mo naman 'di ba?"

"Ewan ko nga sa 'yo, Heidi. Napaka-advance mo masyado mag-isip. Pero oo nga, pumayag na ako." Sagot niya sa paulit-ulit na pagtanong nito. Narinig niya na naman ang sunod-sunod na pagtili nito kaya muli siyang napalayo sa hawak na cell phone.

"OMG talaga! Mrs. Guerero ka na, bru! Sinasabi ko na sa 'yo, doon din ang punta niyan. Bihira lang ang biglang nagtatanong ng cell phone number para tawagan o magtext para yayaing lumabas ano?"

Napaikot ang mga mata niya sa sinabi nito. "Hoy, Heidi! Huwag ka nga munang OA diyan. Misis agad? Ikaw talaga."

"Papunta na ako diyan! Hintayin mo ako ha? 'Wag kang lalabas!"

Sasagot pa sana siya pero napamulagat siya sa hawak na cell phone nang babaan siya agad ng kaibigan.

Wala pang halos 20 minutes ay dumating na si Heidi. Dere-deretso itong pumasok sa bahay niya habang ngiting-ngiti at agad na kinulit siya para mabasa niya mismo ang naging text ni Hanz sa kanya kanina. Kaya naman muli ay ikinuwento at ipinakita pa niya ang mismong text ni Hanz sa kanya.

"Bru! Kailangan ay maghanda ka para sa date ninyo ni Hanz. Wait, halika, magshopping tayo," wika ni Heidi pagkatapos.

"Ano ka ba! Meron naman na akong mga damit dito. Kailangan pa bang mamili ng bago? Magaganda pa naman ang mga damit diyan na pwede kong isuot."

"Hindi puwede. First date ninyo, bru! Kailangan bongga ka, yoong tipong malalaglag ang mata niya kapag nakita ka niya. 'Yong magyayaya siya ulit sa iyo na lumabas ulit. Saka you have to give him a lasting impression of how great you are. Kailangang malaglag ang panga at mata niya once makita ka niya!"

Napakamot siya sa ulo habang hindi napigilan ang pagkunot ng kanyang noo. "Hay nako, Heidi..."

"Ano ka ba, bru? Hindi ka ba excited na lalabas kayo ni Hanz? First date niyo ito, ano ba ang nangyayari sa 'yo? Wala man lang bang excitement diyan o kilig?"

"Excited naman ako. Kaso lang, hindi ko bet na lumabas at mamili pa ng damit para lang sa date namin. Noong mga nakaraang blind dates ko ay itinodo ko ang pagpapaganda at halos maubos pa ang pera ko sa kakapamili ng mga damit, pero anong nagyari? Hindi ba, waley? This time, I want him to see me as the real me. Oo, at magpapaganda pa rin naman ako, pero hindi naman to the extent na parang ibang tao na ako. Baka mamaya niyan ay magmukha na akong 'mumurahing babae'."

Natahimik saglit si Heidi sa sinabi niya at nagkibit-balikat habang tila nag-iisip ng sasabihin sa kanya. "Well, sabagay. Tama ka rin naman." Naupo ito sa tabi niya. " So, ano na? Titigilan mo na ba ang pakikipag-text at pakikipagchat doon sa Kano na si Justin Cray?"

"Oh? Bakit bigla na namang napunta kay Justin?"

Lumabi saglit ang kaibigan at napabuntong-hininga. "Bru, subukan mo muna si Hanz. Pangit naman na pagsasabayin mo sila hindi ba? Saka imaginin mo ito ha, si Justin ay hindi mo alam kung ano ang ginagawa sa mga oras na ito dahil malayo siya. Samantalang si Hanz nandidito lamang sa paligid. Give it a chance with Hanz, bru. "

"Ewan ko, tingnan na lang natin. Saka hindi pa nga natin alam kung magwowork ba ito between me and Hanz."

Nagkibit-balikat ulit si Heidi saka nagsalita. "Basta ha, subukan mo..."

"Oo na, bru."

"Anyway, nakita ko pala si Brix kanina habang papunta ako dito. Aba ang guwapo pala noon? Nag-ahit na siya at ibang-iba na ang hitsura. Sabi ko na nga ba, eh. Kapag nagpagupit siya at mag-ahit ay may itsura din ito. Nako, kapag nakita mo si Brix, papasa na siyang model o artista. Nakita mo na ba?"

Pagkarinig pa lamang sa pangalan ng binata ay agad nang kumabog amng dibdib niya. Mas malakas iyon kaysa kaninang tumawag at nagtext si Hanz para yayain siyang lumabas. "O-oo, nakita ko na siya. Hindi naman siya gano'n kaguwapo no. OA ka. Sakto lang naman."

"Mukhang hindi iyon ang palagay ng ibang babae rito sa barangay ninyo dahil nakita ko kaninang napapalibutan siya ng mga babaeng naka-short shorts. Susme! Bakat na bakat ang kuwan ng mga malalanding babae na 'yon na kay lalaki pa ang pakwan na halos lumuwa dahil ata sa silicon na itinurok. Aba't ang aarte pa tumusok ng fish balls ng mga hitad na 'yon." Napa-iling pa ito habang nagku-kwento.

Pakiramdam ni Becky ay may pumitik na ugat sa kanyang noo dahil sa inis sa sinabi ni Hedi. Itinuloy pala ng gunggong ang pagkain ng fish balls at kasama pa ang mga malalanding babae sa labasan!

"Diyos ko! Iyong isa pa nga sa kanila, sinusubuan pa siya ng kikiam at squid bal---"

"Change topic na nga tayo, bru! Wala naman akong pakialam sa alaskador na mayabang na 'yon."

"Bakit parang nagagalit ka?" tanong ng kaibigan sa kanya at pinakatitigan pa siya.

"Hindi ako galit no! Bakit ako magagalit? Sadyang kumukulo lang ang dugo ko kapag naririnig ang pangalan ng alaskador na Brix na 'yon." malakas pa ring  sabi niya pero hinaluan na niya ng tawa. "Ayoko lang din talagang pag-usapan pa ang mga squid balls, kikiam, fish balls o kung ano pang street foods dahil natatakam ako! 'Di ba nga diet ako?" kunway sabi niya sa kaibigan para hindi na ito magtanong pa.

"Sabagay, sige na nga. Pag-usapan na lang natin ulit ang magiging date ninyo ni Mr. Dentist na poging si Hanz. Patingin nga ng isusuot mo? 'Yong sabi mo na naitatabi mo diyan na maganda pa. Baka naman bagsak 'yan sa akin ha."

Pagkatapos tingnan ni Heidi ang mga isusuot niya ay umalis din ito dahil sa kanyang inaanak na si Reese na kailangan pa nitong pakainin. Pagka-alis na pagka-alis ni Heidi ay mabilis na nagtungo si Heidi sa kalapit na tindahan at bumili ng Boy Bawang. Iyon ang napag-trip-an niyang panggigilan dahil sa inis niya sa ikinuwento ng kaibigan tungkol kay Brix at sa mga malalanding babae sa labas. Inis na inis siya kay Brix sa hindi malamang dahilan.

My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon