Kasalukuyang nagbubuhat ng dumbbells si Becky at kanina pa siya hindi mapakali. Magmula nang sabihin ni Heidi sa kanya na tila nagseselos daw si Brix kay Hanz ilang gabi na ang nakakaraan ay nagsimula na siyang mapa-isip.
Kasalanan mo 'to, Heidi! Kung hindi mo sana sinabi sa akin 'yon, eh, 'di sana hindi ako nagkakaganito! Bruha ka talagang babae ka! sa loob-loob niya. Binilisan niya ang pagtaas-baba ng mga kamay.
Matatapos na lamang ang kanyang gym session ay hindi pa rin niya namamataan ni anino man lang ni Brix. Hindi na siya nakatiis, kaya naman ibinaba niya ang dumbbells saka tumingin kay Manolo. "Manolo, wala ata ang amo mong si Brix?"
"Nandiyan naman si Sir Alfred kapag wala si Sir Brix." Si Alfred ang co-owner ng gym.
"I mean... Bakit wala si Brix?"
"Ahhh... Si Sir Brix, ba? May aasikasuhin lamang daw. Babalik din daw siya agad once natapos na siya doon."
Tumango si Becky. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay natagpuan niya ang sarili na binabagalan ang pagkilos. Maya't maya ay nagwa-water break din siya, tila sinasadya niyang tumagal ang kanyang pamamalagi sa gym. Paminsan ay tumitingin din siya sa pintuan ng opisina nito. Pero nang sumapit na ang alas-singko at wala pa rin si Brix ay nagpasya na siyang maghanda pauwi.
Hindi niya maipaliwanag kung bakit naiinis siya. Suot pa naman niya ang kanyang bagong pink na t-shirt na milagrong large na lamang ang size at ang itim niyang leggings na hindi na nai-stretch nang todo kapag isinusuot niya. Palabas pa lamang siya ng shower room nang may makasalubong na siyang lalaki na nakaharang sa kanyang dadaanan. "Excuse me," pasintabi niya, pero tila bingi naman itong walang reaksiyon na nakatayo padin. Hindi man lang ito natinag sa pwesto at nanatili lamang na nakatayo kaya naman nakaharang parin ito sa dadaanan niya habang hindi umiiimik na parang bingi o pipi.
"Alam kong mataba ako pero hindi ko inookupa ang dadaanan mo, kaya kung dadaan ka, dumaan ka na. Wala ako sa mood na makipag-gitgitan sayo." pagtataray niya.
Tumawa ang lalaki. "Ikaw talaga, Becky, napaka-taray mo. Menopause ka na ba?"
Napamata si Becky sa kaharap. Umawang ang mga labi niya nang mapagsino ito. "B... Brix?"
Nakangiting hinaplos ni Brix ang malinis nang baba at nguso. "Hindi mo na ba ako nakilala Bekbek? Napaka-guwapo ko talaga ano? Para nag-ahit lang naman ako saka nagpagupit eh."
Biglang nag-init ang mga pisngi niya nang matitigan ng husto ang mukha ng binatang nakatayo sa harapan niya. Guwapo ngang talaga ito. Hindi niya akalaing ganito ito kaguwapo kapag ito'y naglinis ng mukha at bawasan ang buhok. "A-ano'ng nangyari? Bakit naisipan mong mag-ahit at magpagupit?"
"Wala lang naman." Ngumiti uli ito at saka humalukipkip at sumandal sa dingding.
Nanatili lang naman siyang nakatayo at nakatingin dito, ilang sandali pa ay kumurap-kurap siya saka tumikhim. "Pauwi na rin ako. Sige, ha." Akmang lalagpasan na niya ito nang hawakan nito ang kamay niya. "B-bakit?" kinakabahan niyang tanong. Pakiramdam niya ay nanggaling siya sa katatapos lang na marathon dahil sa mabilis na pintig ng puso niya.
"Samahan mo 'ko Becky, food trip tayo."
"Ha? Ako? Bakit?"
Kumunot bahagya ang kilay nito habang nag-iisip nang sasabihin. "Gutom na ako eh, saka matagal-tagal na rin kasi akong hindi kumakain ng street foods dito sa atin. Hinahanap ng katawan ko. Sige na, samahan mo na 'ko. Hindi ka pa ba gutom?Come on, ililibre kita."
BINABASA MO ANG
My Chubby Romance
RomanceWalang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroo...