Pare, ako nga pala si Brix Alfonso, kaibigan ko sina Heidi at Becky. Ka-tropa ko rin ang kuya ni Becky kaya close kami niyang si Bekbek." Ini-abot nito ang kamay sa lalaki.
Pakiramdam ni Becky ay kumukulo na naman ang dugo niya sa ginawang introduksiyon ni Brix. Nasa boses na naman nito ang pagiging mahangin na isa sa kina-iinisan niya.
Nagpunas muna si Hanz ng bibig, saka tinanggap ang pakikipagkamay ni Brix. Hanz Guerero, kaibigan ko si Heidi at ang asawa niya. Inihatid ko lamang si Heidi dito kanina at pinababa niya ako para maipakilala sa bestfriend niya."
"Kakakilala n'yo lang pala ni Becky ngayong gabi?"
"Yeah. Heidi introduced me to her." Ngumiti naman ng matamis si Hanz at ngumiti sa kanya.
"She seems very nice, and pretty."
Muntik ng mabilaukan si Becky sa iniinom niyang pineapple juice. Napaubo siya, dahilan para mapatingin ang dalawa sa kanya. Tama nga si Heidi, ang ganda ng mga ngipin ng lalaki. Maputi at pantay-pantay talaga.
"Yan ang sinasabi ko sa'yo, Bekbek. Hinay-hinay lang kasi sa pag-inom at pagkain. Wala ka namang kaagaw eh." Tatawa-tawang linapitan siya ni Brix at tinapik-tapik sa likod.
Nakasimangot na pumiksi siya sa paghagod na ginawa nito sa likod niya. "Okay lang ako, Brix." angil niya rito bago bigyan ng pamatay na tingin.
"Are you okay?" tanong ni Hanz habang nakatingin sa kanya.
Sunod-sunod na tumango si Becky at nginitian ang lalaki, ngunit ng mapagawi ang tingin niya kay Brix ay umirap siya.
Mahinang natawa si Hanz kaya napatingin sila ni Brix dito. "You both seem to be comfortable with each other. Siguro matagal na kayong magkakilala at magkalapit na kayo sa isa't-isa."
"Hindi, 'no!" aniya.
"Oo naman," sagot ni Brix habang nakangiti at nakatingin kay Becky.
Nagkatinginan sila.
"Tayo? Close? Kailan pa?" tatawa-tawang tanong niya bago hinarap si Hanz at nginitian. Eksakto naman na dumating si Heidi at iniabot ang isang platito ng macaroni salad kay Brix na agad nilantakan ng huli.
"Hanz, gusto mo pa ba ng macaroni salad? Ikukuha kita."
"Ako, gusto ko pa," ani Brix sa kanyang tabi na mabilis na naubos ang pagkain nito.
Napipilitang kinuha niya ang platito nito ng binata.
"Ikaw, Hanz?"
Ngumiti ito sa kanya. "Hindi na, Becky. Kailangan ko na ring umuwi." Tumayo na ang lalaki.
"Oh,your wife is probably waiting for you already?" ani Brix habang pinaglalaruan sa daliri nito ang tinidor.
Tumawa si Hanz. "No, I'm still single. But I do have a female dog named Cheesy that is waiting for me at home."
"Talaga?" ani Becky. "Mahilig din ako sa aso. Ano'ng lahi ng alagang aso mo?"
"She's an Aspin. I also do volunteer work and I adopted her during one of our rescue operations in Antipolo."
"Wow!" ang tanging nasambit ni Becky na tila naaaliw sa kwento ni Hanz. Guwapong dentist na gumagawa pa ng volunteer work, napaka-perfect naman ng lalaking ito, aniya sa sarili.
Sinulyapan ni Hanz ang suot na wristwatch. "I really have to go. I still have to feed her. Thank you very much Becky. Heidi, mauuna na rin ako. Pakisabi na lamang kay Tim, salamat ha?"
BINABASA MO ANG
My Chubby Romance
RomanceWalang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroo...