"B-Brix?"
Kumurap-kurap ang binata bago ngumiti. "Ikaw
pala ang narinig ko, Becky. Mukhang wala ka nang lagnat, ah. Mabuti naman at okay ka na. Tumingin ito sa kanyang likuran."Nandito ka rin pala, Brenda." Lumapit ang babae at nangunyapit sa braso ni Brix. Hindi naman ito gumalaw at hinayaan lamang ang babae.
"Oo, napadaan lang ako rito. Iyan lang ba ang bibilhin mo? Bakit 'yan lang? Baka may mga gusto ka pa. Ako na ang bahala." Pagpapa-impres ito kay Brix at inirapan pa siya.
"Oo. Ito lang naman. Wala na akong gusto pa. Kailangan ko ribg bumalik sa gym dahil may tao akong kailangang kausapin."
''Tara, samahan na kita sa counter." Tinitigan pa siya
ni Brenda nang nakakaloko at tila nang-iinggit. Nakita niya namang sinulyapan ito ni Brix pero wala man lang itong ginawa para sawayin ito."S-sige, Becky, mauna na kami, ha? Kailangan ko din kasing bunalik agad sa gym. See you around." ani Brix sa kanya.
"Okay. S-sige lang." Naramdaman ni Becky ang pagkainis at pangingilid ng kanyang mga luha habang pinapanood ang dalawa na magkasamang pumila sa grocery counter. Halos idikit na ni Brenda ang buong katawan nito kay Brix at hindi man lang gumagawa ng hakbang ang binata para lumayo ito sa kanya. Tila nagugustuhan pa nito ang ginagawa ng babaeng linta dahil nakita niya ang pagngiti nito dito.
Nagmamadaling inilapag niya ang basket sa isang tabi bago walang lingon-likod na umalis.
"Kakausapin ko ba siya o hindi?"
Kanina pa 'yon tinatanong ni Becky sa sarili habang
naghihiwa ng ampalaya. Ginisang ampalaya ang uulamin niya dahil bitter siya. Gusto niyang makausap si Brix para linawin ang mga narinig nito sa naging pag-uusap nila ng hitad na si Brenda."Pero kapag ginawa ko 'yon, baka naman isipin niya na may gusto ako sa kanya... which is totoo naman, pero hindi niya dapat malaman 'yon. Saka siya rin naman, ah! Nakikipaglandian siya kay Brenda! Si Brenda na kinabog pa ang linta kung makadikit kay Brix dahil kung idikit nito ang dibdib sa binata ay kulang na lamang na maghubad ito. Ang sarap niyang budburan ng asin! Malandi siya!" Gigil na gigil siya sa ginagawa at namalayan na lamang niya na na-murder na niya ang kawawang gulay.
Mabilis niyang isinalang iyon sa gas stove at ilang minuto pa ay naghapunan na siya. Nang mahiga na siya sa kama ay si Brix uli ang laman ng isipan niya---ang imahe nito at ni Brix. Napakagat-labi siya.
Ayaw man niyang aminin ay bagay naman talaga ang dalawa. Nang balik-balikan niya sa isip ang kaganapan sa grocery store ay napaisip siya. Nang makita niya si Brix at sinabi ng binata na narinig nito ang sinabi niya ay tila nadismaya ito. Or was it just her imagination?
Naghahanda na lamang siya sa pagtulog nang
makarinig ng sunod-sunod na malalakas na katok.Mabilis na tinungo niya ang pinto. Nabungaran niya
si Brix na nakapamulsahan pa habang naghihintay sa kanya.''O, Brix! Mabuti naman at nandito ka. Pasok ka muna at may---"
"Hindi na, Becky. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na wala nang magaganap na pictorial para sa 'after' picture mo."
"Pero bakit? Hindi ba at iyon ang gusto mo? Para mas lumaki ang business mo at marami pa ang mag-sign up sa gym mo? Sabi mo noon, kapag naglagay ka ng litrato ko ng 'before at after' ko pumasok ng gym mo ay mas dadami ang gugustuhing pumasok sa gym mo at dadami ang customer mo. Ayaw mo noon? Malaking pera ang papasok sa gym mo?"
Nagkibit-balikat ang binata at ikinunot ang noo. "Grabe ka naman Becky, it sounds sarcastic. Ano ba ang palagay mo sa akin? Perang-pera na?"
Huminga muna ulit ito ng malalim. "Anyway, wala lang. Wala naman talaga akong plano na ituloy 'yon. Ang importante, natulungan ka ng gym namin na maging healthy at magbawas ng timbang. Wala na akong ibang gusto pa maliban doon. Ayoko din na maramdaman mo na ginagamit kita for the sake of my gym's income. It's not like that. Sige, aalis na rin ako." Yumuko ito at nag-iwas ng tingin.
"Teka, sandali lang, Brix." Hinawakan niya ang kamay nito. Muntik na niyang mabitiwan iyon dahil sa kuryenteng naramdaman.
"T-tungkol sa narinig mo sa grocery store noong isang araw... 'yong sa amin ni Brenda habang nag-uusap kami."
Kumunot ang noo ni Brix. ''Alin do'n? Iyong
ipinagsisigawan mo na wala kang pakialam sa akin, o iyong wala kang gusto sa akin? O baka 'yong ipinagtutulakan mo ako kay Brenda?""H-hindi mo naiintindihan, Brix. Na-provoke lang ako ni Brenda kaya nasabi ko ang mga narinig mo. Sorry. Saka alam ko naman na patay na patay talaga iyong si Brenda sa'yo. Pero hindi ko naman mini-mean ang ibang sinabi ko." Nanatili lamang nakatingin sa kanya ang binata.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Gusto mo bang bawiin ang mga sinabi mo? Alin doon ang hindi mo mini-mean?" Lumapit ito sa kanya. Hindi lang basta lapit dahil tuluyan na itong nakapasok sa pintuan niya at halos dangkal na lamang ang layo nito sa kanya.
"May gusto ka ba sa akin, Becky? Yung totoo?"
Napamaang siya bago nag-iwas ng tingin. "A-ano ang pinagsasasabi mo? Lumayo ka nga nang kaunnti." Bahagya siyang umatras.
"A-ang ibig kong sabihin ay nagso-sorry lang ako kung na-offend man kita. Iyon lang at wala nang iba. Saka, ako? W-wala akong gusto sa'yo."
Hindi lumayo si Brix sa kanya at napaigtad pa siya ng lumapit ito ulit at nang maramdaman ang isang kamay nito na hinahawi ang ilang hibla ng buhok na kumawala sa kanyang ponytail.
"A-ano ba ang ginagawa mo? N-nakainom ka ba, Brix?" tanong niya nang masamyo ang amoy ng beer sa hininga ng binata dahil sa lapit nito sa kanya. Tila bingi naman ito dahil lalo lang nitong inilapit ang mukha sa kanya at pinakatitigan siya.
"Tatlong bote lang naman. Hindi ako lasing." Naglandas ang mga kamay nito sa kanyang pisngi. "You have a permanent blush on your cheeks, Becky. I've always found that cute, you know."
"Hoy! Lasing ka ba? Para kang shunga diyan!" Tinapik pa nito ang kamay nito dahil naiilang na siya sa ginagawa nito. Pinipilit niya ding lakasan iyon para matauhan ang binata.
Isinuksok ni Brix ang mga kamay sa bulsa ng suot
na pantalon, saka huminga nang malalim, hindi ito ngumiti ng kahit kaunti kagaya dati."Alam mo, alam ko naman, eh. Hindi nga ba at sinagot mo si Hanz? That Mr. Perfect dentist with a penchant for rescuing dogs but is dumb and stupid when it comes to his car. Ang lalaking malaki ang katawan at makinis ang balat pero hindi ka man lang mapuntahan at mabantayan kapag may sakit ka." Pumalatak ito.
"Naaalala mo ba 'yong aso ko na si Virus? Ni-rescue ko rin naman siya noon, ah. Nakita ko siya sa basurahan na maraming sugat-sugat at nanghihina. Tapos inuwi ko at inalagaan. Pinakain ko ng marami para bumalik ang dating katawan. Kitam? Mabait din naman ako,'di ba, Becky?"
"A-ano'ng pinagsasasabi mo, Brix? Hindi kita maintindihan. Alam mo, kung lasing ka. Mas mabuti pang umuwi ka na lang at matulog. Ayokong makipag-usap sa lasing."
Sa halip na sagutin siya ay hindi man lang siya nito pinansin ni tingnan. Sa halip ay sumandal ito sa pintuan niya at nagpatuloy. "Pero noong narinig ko pa mismo mula sa 'yo... mula sa bibig mo, daig ko pa ang nasipa at nasuntok." Lumayo na ito sa kanya at tumawa, saka umiling-iling habang palabas ng bahay niya.
"Sige, uuwi na 'ko. Lasing na nga yata ako. Nakakahiya naman sa'yo. Saka para makatulog ka na rin."
Nagtatakang sinundan ng tingin ni Becky ang binata. Tila may nais itong ipahiwatig sa mga sinabi.
"Anong ibig mong sabihin, Brix? May gusto ka rin ba sa akin? Bakit hindi mo na lang kasi ako deretsahin, Brix Anthony Alfonso."
BINABASA MO ANG
My Chubby Romance
RomanceWalang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroo...