Chapter 4

54 3 0
                                    

"Hindi ko talaga kaya!"

"Baka ika-himatay ko na 'yon sa gutom, bru! One cup of rice? Seryoso ka ba? Hindi makatao 'yon! Baka maya-maya niyan ay himatayin ako!" Halos pasigaw nang sabi ni Becky nang pumunta si Heidi kinaumagahan sa bahay niya.

"Oo, serysoso ako at makatao 'yon. Nakakailang cups of rice ka ba sa ngayon, ha?"

"Hindi ko alam. Hindi naman ako gumagamit ng cup kapag kumakain ako." Nagu-guilty pang sabi niya.

"Ha? Anong hindi ka gumagamit ng cup? Huwag mong sabihing sa kaldero ka kumakain?!"

"'Wag ka ngang OA, bru! Ang ibig kong sabihin ay hindi ko na nasusukat." Inirapan pa niya ang kaibigan.

Lumiwanag ang mukha ng best friend niya. "Sa tantiya mo, mga ilan?"

"Mga three yata."

Tumaas lang ang kilay ng kaibigan na parang 'di sapat ang sagot niya.

"Four?"

"Sigurado ka?" hindi pa rin ito kumbinsido.

"Oo nga, mga four siguro or five."

"Bru, naman?!" Nauubos mo 'yon? Seryoso ka ba? Four or five talaga?" 'Di makapaniwalang sabi ni Heidi. Hindi naman ito sumagot na tila nahihiya. "So, four cups a day ba 'yon o ano?"

Nahihiyang sumagot si Becky sa kaibigan. "Kapag breakfast mga four, 'pag lunch mga three nalang siguro, at kapag dinner mga two na lang. Nabasa ko kasi na 'eat like a king for breakfast, a prince for lunch, and a pauper for dinner.' Basta parang gano'n. Kaya gano'n ang ginawa ko."

Tila di makapaniwalang naubo-ubo pa ang kaibigan niya sa ipinaliwanag niyang linya dito. Hindi siya lubos na makapaniwala na ganoon pala talaga kalakas kumain ng kanin ang kaibigan. "So, nakaka-nine cups of rice ka a day? Pang world record na ata 'yon, bru!" Nakamulagat na tanong ni Heidi. "May brunch, merienda, at midnight snack ka pa ba 'non?"

Natawa siya sa tanong ng kaibigan. "Wheat bread lang naman, saka tubig na lang."

"Sigurado ka??"

"Minsan kasi nasasamahan ko ng ginataang mais o champorado, saka sofdrinks. Minsan turon, banana cue o kaya camote cue." Parang naglalaway na si Becky pagkabanggit ng mga paboritong pagkain niya.

"Minsan naman kapag dumadaan si Manong Lino na nagtitinda ng balut at chicharon ay bumibili ako ng chicharon na may kaunting laman para may ma-papak ako habang nanonood ng teleserye."

"What?! Becky naman! Are you trying to kill yourself? Ganoon karami ang kinakain mo sa isang araw? At pagkatapos ay wala ka pang exercise na ginagawa?"

"E 'di ba nilalakad ko mula kanto hanggang dito?" Pagyayabang niya.

"Ilang metro lang yun, bru."

Nagkibit siya ng balikat. "Atleast may exercise padin."

Inirapan siya ng kaibigan. "Grabe ka, bru! Ang lakas mong kumain!"

"Aray ko, ha?" Pinandilatan niya si Heidi.

"Bru, sa edad natin, dapat nagto-tone down ka sa kanin. Ako nga kapag gabi, hindi na ako nagra-rice. Apple na lamang o saging."

"Ilang apples?"

"Apple nga eh, ibig sabihin ay isa lang."

Napamulagat siya.

"Saka maraming tubig, syempre. Hindi ako nagso-softdrinks. Kapag naman gumagamit ako ng asukal, muscovado sugar ang ginagamit ko para healthy. So, ang masasabi ko lang ay bawasan mo ang kanin mo. Kung kaya mong gawing two to three cups a day na lang. Gawin mo.  Sabay stay away from sweets. Kumain ka na lamang ng maraming prutas at gulay. Tandaan mo, ang diet ay seventy percent ang epekto sa timbang ng isang tao. Ang thirty percent naman ay exercise at workout. I suggest na kumuha ka rin ng professional opinion. Consult a doctor, a nutritionist, or pwede ring fitness instructor."

My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon