Chapter 6

50 2 0
                                    

"Help me, bru... I can't lift a finger without having my whole body twitch in pain."

"Pakiramdam ko ay mao-ospital ata ako sa nararamdaman kong sakit sa mga muscles ko."

Nakahiga sa sofa si Becky nang gabing dalawin siya ni Heidi. Tatlong araw na ang lumipas mula nang magsimula itong mag-gym.

"Wow! Mukhang kina-career mo na talaga ang pagwo-work out mo, ah."

"I lost another two pounds, bru," nanghihinang pagyayabang niya.

"Good for you. Pero nabasa ko na kapag ganitong nagsisimula ka pa lang na mag-diet at mag-work out e nawawala sa'yo ay fluids at hindi fats."

"I don't care. Basta nabawasan ako ng two pounds sa weighing scale." Tinangka uling tumayo ni Becky pero halos di maiguhit ang itsura nito dahil sa naramdamang sakit ng katawan. Napaungol pa ito sa sakit habang dahan dahang bumabalik sa paghiga.

Kaya naman bago pa lumapat ang likod nito sa sofa ay inalalayan na agad siya ng kaibigang makatayo.

"In all fairness, lumiliit na nga talaga ang pisngi mo, bru. Bagay sa'yo."

Ngumiti siya. "Salamat naman. Mabuti naman at nagbubunga ang paghihirap at paggutom ko sa sarili ko.

"Uy, bru, 'pero wag mo namang masyadong gutumin ang sarili mo, ha? Baka naman magkasakit ka dahil lang dyan. Unhealthy na iyon."

"Hindi naman. Madalas naman akong kumain ng saging at papaya. Madalas din akong uminom ng lemon water. Nabasa ko na maganda raw ang lemon para mag-flush ng toxins sa katawan."

Tumango ang kaibigan niya. "Nabasa ko mga rin 'yan. Pero aktulad ng sinabi ko ha? 'Wag mo ring biglain masyado ang katawan mo sa pagda-diet at baka naman mapa'no ka. Ayong maging dahilan yan sa pagkakasakit mo."

"Teka, nagkausap na ba kayo ni Justin?"

"Kaka-chat lang namin kanina."

"Kamusta naman? Any progress? Nag-I love you na ba ang Kano na 'yon sa iyo?"

Umiling ang dalaga bilang sagot. "Hindi pa nga, bru. Pero nararamdaman ko naman sa mga sweet messages niya ang pagiging caring at thoughtful niya, siguro malapit na 'yong magsabi."

"Duhh, paano mo naman nasabi, bru? Dahil lang sa sweet at thoughtful? Marami kayang ganyan."

"Iba si Justin, bru. Mas marami na siyang gumamit ng heart na emoji, tapos ngayon may kiss pa lagi kada last message niya."

"Eeww! Akala ko ba nasa late thirties na 'yang si Justin? Anong emoji pa ang ginagamit niyan sayo?"

"Uso 'yon! Wag kang makialam. Any age naman pwede gumamit ng emoji, ah?" Inirapan pa ang tila di makapaniwalang kaibigan.

"Gano'n mo ba talaga kag-gusto yang Justin Cray na yan, bru? May nararamdaman ka ba talaga sa kanya?  "

"I mean, do you really like him? Yo'ng like na as in tumitibok ang puso mo kapag naiisip mo siya o nakaka-chat mo?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ni Heidi.

"Hmmm... Yata?"

"Anong yata, bru? Di ka sigurado?"

Nagkibit-balikat siya habang nag-iisip nang isasagot sa kaibigan. "I can't say for now, bru. Hindi ko pa naman siya nakakaharap o nakikita ng personal."

"Siyempre iba yo'ng nakakasama mo na at nakaka-kwentuhan mo habang kaharap at nakikita mo. Hindi yo'ng sa chat lamang."

Napangiwi si Heidi sa paliwanag sa kanya ni Becky.

My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon