Chapter 16

44 2 0
                                    

Pagkalabas ng bahay  ay hinanap agad ni Becky si Hanz. Namataan niya ito sa di-kalayuan na nakaupo sa gilid ng kotse na tila may iniinspeksiyon. Mabilis niya itong nilapitan.

"May problema ba, Hanz?"

"Na-flat pala itong gulong ko sa likod ng kotse ko."

"Gano'n ba? Marunong ka bang magpalit ng gulong?"

Kaagad itong umiling. "Hindi masyado, eh." Pinipisil-pisil na nito ang gulong na sadyang flat na nga talaga.

Mukhang masasayang pa yata ang effort namin ni Heidi, sa loob-loob niya.

"May malapit ba na talyer dito o may kakilala ka ba na pupuwedeng magpalit nitong gulong ng kotse?"

"Hindi ko alam..." Luminga-linga siya sa paligid
at namataan niya si Brix na naglalakad palampas sa
direksiyon nila habang umiinom ng soft drinks na nasa plastic na hawak nito.

"Brix!" tawag niya sa binata.

Lumingon pa ito bago siya nahagip ng tingin. Kumaway siya bago ito tila nag-aalinlangan na lumapit sa kanya.

"Becky?" pinakatitigan siya nito mula ulo hanggang
paa. "Ikaw ba 'yan, Becky?" Hindi pa rin ito makapaniwala sa nakikita ng mga mata nito.

"Oo, ako 'to. Marunong ka bang magpalit ng gulong
ng sasakyan?"

Muling naglakbay ang mga mata ni Nate sa kabuuan
niya bago dumako iyon sa kanyang mukha. Biglang umangat ang isang sulok ng labi nito.

"Brix Anthony Alfonso!" malakas na pukaw niya rito.

"Ha?" Kumurap-kurap ito.

"A-ano nga uli ang sinabi mo?"

"Ang sabi ko, marunong ka bang magpalit ng gulong
ng kotse?" Ulit niyang tanong sa nakatulalang binata.

"O-oo naman. Para 'yon lang pala, eh." Tila mayabang pang sabi nito na hindi man lang naalis ang titig sa kanya.

''Bakit may plano ka bang bumili---"

"Thank God you're here!" aniya bago hinila ito palapit sa kotse ni Hanz. "Hanz, heto si Brix. Marunong daw siyang magpalit ng gulong." Presenta niya sa akay-akay na binata.

"Mabuti naman at nandito ka, pare, sa wakas ay
napangiti na ring sabi ni Hanz bago tumayo at pinagpag ang suot na pantalong naalikabukan sa pagsipat-sipat nito sa kotse.

'Tamang-tama at may spare tire pa ako sa trunk. Salamat, ha?" Tinapik nito ang balikat ni Brix bago binuksan ang trunk.

Nang sulyapan niya si Brix ay nakaawang ang mga
labi nito habang kunot na kunot ang noo na tila ba hindi naiintindihan ang nangyayari. "Ano'ng pinagsasasabi ng lokong 'yon? Anong spare? Saan gagamitin?" bulong nito sa kanya."

''May date kasi kami ni Hanz. Na-flat kasi ang gulong ng kotse niya at hindi siya marunong magpalit.

Tila lalong lumalim ang pagkakakunot sa noo ni Brix sa sinabi niya.

"Ano'ng klase siyang lalaki? Ang lakas-loob na makipag-date sa babae dala ang kotse tapos hindi
siya marunong magpalit ng gulong? Eh, napakalaki ng katawan niya, oh. Pagpalit lamang ng gulong hindi pa niya alam?" Sinulyapan nito si Hanz na kasalukuyan nang ibinababa ang spare tire.

"Ang dami mo namang sinasabi, bahala kayong dalawa riyan. Maiwan ko na---"

"Brix!" Hinawakan niya ang kamay nito nang makita ang pagtalikod nito na tila aalis na.

"Wag ka namang ganyan. Minsan lang ako humingi ng favor sa 'yo. Alam mo ba kung gaano ako katagal inayusan ni Heidi para sa date na ito? Tingnan mo nga ako." Iminuwestra niya ang sarili. "Kailan mo ba ako nakita na naka-dress at heels pa? Hindi ba at ngayon lang? Sige na naman, Brix, please? Help him."

Sinulyapan ng binata ang kamay niya na mahigpit na nakahawak sa kamay nito at tila nabawasan nang kaunti ang pagkakasimangot ng lalaki. Hindi pa rin ito kumibo.

"Pambawi mo rin ito sa lahat ng kasalanan at pang-
aasar mo sa akin. Sige na, ha?" Nginitian niya ito nang matamis. "Please, Brix?"

Pumiksi si Brix mula sa pagkakahawak niya at saka
iniabot sa kanya ang hawak na soft drinks. "Sige na." bumuntong-hininga pa ito bago tuluyang tumungo sa kotse ni Hanz. Hinarap nito si Hanz bago kinuha ang bagong gulong mula rito. "Nasaan ang jack at wrench mo?"

Iang sandali pa ay magkasama na nilang pinapanood
ni Hanz si Brix habang nagpapalit ng gulong ang tahimik na binata. Pakiramdam ni Becky ay pinagpapawisan din siya habang pinapanood si Brix. Kitang-kita niya kasi ang paggagalawan ng muscles nito sa braso at likod sa ginagawa. Nang pagpawisan ang binata ay tuluyan na nitong hinubad ang suot na T-shirt at ipinampunas sa mukha at katawan. Muntik na siyang mapasipol.

Sexy nga pala talaga ito. At alam niyang hindi iyon
dahil sa may-ari ito ng gym dahil ayon kay Manolo ay
hindi naman daw madalas gamitin ni Brix ang gym equipments. Kaya malamang ay sadyang batak lang sa trabaho ang binata.

Wala sa sariling kinuha niya ang panyo sa bag at ipinunas sa kanyang noo. Ngayon lang niya na-realize na ma-appeal nga pala si Brix. Pinoy na Pinoy ang kulay at malakas ang dating.

"He's good."

Napatingin si Becky kay Hanz na nagsalita sa kanyang tabi. Muntik na niyang makalimutan na ito nga pala ang ka-date niya dahil sa panonood kay Brix na abala naman sa ginagawa.

Kabaligtaran ni Brix ang dentista na maputi at makinis. Halatang sanay ang balat nito sa aircon at hindi nagbababad sa araw.

Infairness naman kay Hanz ay hindi naman ito mataba at mukhang lampa, pero... Hindi siya si Brix, aniya sa sarili. Bigla ay napabuntong-hininga siya sa naisip.

Nang sa wakas ay matapos na si Brix ay hinarap
sila nito. Nakasabit pa sa balikat nito ang T-shirt at walang kangiti-ngiting iniabot kay Hanz ang tools.

"Salamat talaga, pare. Pasensiya na sa abala, ha?" ani Hanz na may dinukot sa bulsa at iniabot kay Brix. "Pang-inom at pangyosi mo lang, pare."

Kumunot ang no ni Brix habang binubuklat ang
iniabot ni Ryan---five hundred peso bill. Mabilis nitong isinauli ang pera sa lalaki. "Salamat na lang, pare, pero hindi ako mahilig uminom at hindi ako nagyoyosi."

Tumawa lamang si Hanz bago siya hinarap. "Sa 'yo na iyan, you helped me. That's a big favor."anito.

"Tara naa, Becky, at medyo na-late na tayo dahil dito. Pasensya na talaga.

"W-wala 'yon," pilit ang ngiting sabi niya kahit ang atensiyon naman niya ay na kay Brix. Maging
si Brix ay hindi alam ang gagawin kung maiinis ba o ano dahil sa sinabi ni Hanz. Sigurado siyang na-offend si Brix sa ginawa ni Hanz.

Sumakay na si Hanz sa driver's seat at ini-start ang kotse. Nahihiyang hinarap niya si Brix. "Ahm, sige na, Brix. Maraming salamat, ha? Mauna na kami." Halos hindi niya magawang tumingin dito habang nagsasalita.

Nang makasakay na siya at umusad na ang kotse ay
hindi niya naiwasang sulyapan si Brix sa rear view mirror na naroon pa rin sa kinatatayuan nito habang inihahatid sila ng tanaw.

My Chubby RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon