Chapter nine

72.6K 1.4K 13
                                    

That same day when I got back home from work, I recieved a call from Ms.Belle. Humihingi siya ng paumanhin dahil hindi siya makakapag babysit kay George ng ilang araw dahil naging masama ang lagay ng kapatid nito at kailangan pa nitong hintayin ang pamangkin nito na manggagaling pa buhat sa France bago ito makabalik sa sariling tirahan. Y


Sa loob ng ilang araw ay sa day care center ko iniiwan si George habang papasok ako sa trabaho. Tuwing lunch break ay binibisita ko siya at nagsasabay kami sa paglalunch. Okay naman ang naging routine naming mag ina nakakasurvive naman kami sa sitwasyon.


Nakausap ko ang isang tauhan sa day care center noong nakaraang araw. Napakiusapan ko siya na mag babysit kay George ngayong gabi,dahil ngayong na gaganapin ang party na gustong daluhan ni Geoff kasama ako.


After lunch pa lang ay pinauwi na ako ni Geoff para daw makapaghanda na ako para sa party na dadaluhan namin mamaya.


Sinabihan ko siyang magtext nalang kapag nakarating na ito sa tapat ng apartment building na aking tinutuluyan. Kita ko ang pagtutol sa mukha nito pero hindi nalang nagsalita pa.


Nang mapick up ko na ang anak ko ay dumiretso kami sa isang sikat na botique kung saan ako nagtrabaho noong pinagbubuntis ko si George. Hindi naman ako nahirapan sa pagpili ng susuotin kahit kasama ko ang anak ko. Dahil na rin sa tulong ng dating mga katrabaho ko na pinagkaguluhan din ang anak ko.


Minsan tuloy naiisip ko na kapag lumaki na at nagbinata si George lahat ng feature ng ama niya na meron ngayon ay magiging katulad din nito maliban nalang sa kulay ng mata nito na nakuha sa akin. Marami ding mga babae ang mahuhumaling sa natural nitong kakisigan,sana ay hindi ito makasakit ng babae ng hindi nito sinasadya.


Four o'clock na kami nakauwi ng anak ko,nakatulog na ito habang pauwi kami. Ibibaba ko na muna ang mga pinamili namin bago ko siya inilagay sa stroller niya na tulog pa rin. Hanggang makarating sa loob apartment namin ay tulog pa rin ito,ibinaba ko ito sa kanyang tulugan bago ko napagpasyahan na maligo na bago pa ito magising.


Six thirty ang napag usapan namin ni Maya na pupunta siya dito. Si Maya ay isang korean na staff sa day care center at part time job din niya ang mag babysit.


Nagboblow dry na ako ng buhok ng marinig ko ang munting tinig ng aking anak na tumatawag sa akin. Ang tinig na nakakapagpalusaw sa lahat ng aking alalahanin sa buhay naming mag ina.


"Mama! Mama! Baby up,mama up"


Nilapitan ko ito at binuhat mula sa baby crib nito.


"Hey baby,you are up again,hmmm..you have to behave with Maya later eh?"

Umupo akong muli sa tapat ng make up table,pinaupo ko siya sa aking mga hita at hinayaan na laruin ang ilang hibla ng mahaba kong buhok at ang tali ng aking bathrobe.


"Mama! Going? Mama?"


Nakakunot na ang munting noo nito na nakatingin sa akin,the small version of his dad,even his reactions are same as him.


"Yes honey,mama is going in less than two hours,dadda will pick me up,so you bett..."


The playful Greek dadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon