Chapter four

83.7K 1.7K 20
                                    

"Lei"


"Lei,are you okay? Lei"


Ang baritono nitong boses ang nakapagpabalik sa kanya sa reyalidad. Nakita niya itong naka squat sa tapat ng kinauupuan niya.


Nang lingunin niya ang paligid nila ay napagtanto niyang silang dalawa nalang ang nandoon sa loob ng opisina.


"They left a minute ago"

Napansin yata nito na hinahanap ko ang dalawa pang kasama namin kanina lang.


"I'm sorry,I have to go"


Tatayo na sana siya pero hindi niya magawa dahil naka squat pa rin ito sa harapan ng kinauupuan niya.


"E..excuse me sir,I have to go back to work "

Kinakabahan siya sa distansiya nilang dalawa,malakas ang tibok ng puso niya at natatakot siyang marinig ito ng lalaking nasa harap lang niya at ilang sentimetro lang ang agwat nila sa isa't isa.

"Lei,tell me,are you avoiding me?"


Tumitig ito ng diretso sa kanyang mga mata na mabilis naman niyang iniwasan pero maagap naman nitong nahagilap ang baba niya at marahan siyang iniharap dito.

"I'll ask you again,are you avoiding me?"


Tumitig na naman ito ng matiim sa kanyang mga mata at hindi niya alam kung saan itutuon ang paningin dahil sa hawak pa rin nito ang baba niya.

"N....no sir,why do you think I'm avoiding y...you?"


Napakislot siya ng maramdan ang biglang pagdiin ng hawak nito sa kanyang baba.

"You knew I won't believe that right? Why Lei? Why?"

Tila hirap na hirap ang itsura nito bago siya bitiwan nito ay nasilayan niya ang mukha nitong bakas ang paghihirap? Para saan?


Nakasunod lang ang mga mata niya sa bawat kilos nito. Nakalimutan na rin niya na palabas nga pala siya ng opisina. Natuon na ang buong atensiyon niya dito magmula ng tumayo ito sa at makita niya ang paghihirap sa anyo nito.


"A month living with you is enough for me to know you, EVERYTHING about you,and now you're lying to me! I can feel that you are avoiding me"

There he said it!

Yeah, a month! A month of fantasy,it's so surreal. Parang panaginip lang ang lahat ng nangyari sa pagitan nilang dalawa. Yeah right isang magandang panaginip na nauwi sa bangungot.

Pero wala siyang pinagsisihan sa lahat ng nangyari sa kanya simula ng makilala niya ang lalaking minahal ng sobra. Dahil may mas magandang pangyayari sa buhay niya ang nagbigay ng panibagong lakas sa kanya upang mabuhay ng masaya kahit alam niyang may parte sa puso niya ay may pitak na.


Nang malaman niyang nagdadalang tao siya ay tuwa agad at bagong pag asa ang naramdaman niya.

"Im sorry sir, if you're thinking that way about the situation,because in my point of view im just acting normal as an individual employee,so I don't see anything wrong with the way I am now"


Kailangan niyang maging matatag,hindi nalang sarili niya ang pwedeng masaktan kapag nangyari na naman ang nangyari noon. Nakasalalay na din dito ang kaligayahan ng anak niya.


"Very well Ms.Adams!"


Muling humarap ito sa kanyang kinauupuan,with a neutral expression bago iyo ngumiti ng pilit.

"I will let you off this time,but im not sure next time,we will be working together AGAIN and you know how I work"


May halong pagbabanta ang huling mga salita nito. Alam niya kung paano tumakbo ang isip nito,kaya kailangan niyang magdoble ingat sa mga ikikilos niya magmula ngayon.


"I'll see you around Babe"

The playful Greek dadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon