Chapter seventeen

68.7K 1.4K 15
                                    

Umalis din si kuya ng pagkasabi nito ng mga katagang iyon na hanggang ngayon ay paulit ulit na nagsusumigaw sa aking isipan. Ganon na ba ako ka selfish na pati sarili kong anak ay aking pinagkakaitan ng kaligayahan nito? Ganon na ba ang tingin nilang lahat sa akin? Si kuya? Si mama? Si Diane? lahat ba sila ay iyon ang iniisip sa akin?

Nabasag ang katahimikan sa paligid ng may marinig akong mga nagtatawanan. Masaya ang mga tinig na aking naririnig. Base sa ingay na likha ng masayang mga tinig na iyon ay nagmumula ito sa labas at hindi kalayuan sa aking kinauupuan ngayon. Hindi ko na sana papansinin pero narinig ko ang masayang boses ng aking anak.

Tumayo ako at tinungo ang pinagmumulan ng mga tinig na iyon,natagpuan ko nalang ang aking sarili na nasa likod bahay na,nakatayo ako sa tabi ng malalaking halaman na andon sa garden kung saan hindi ako nakikita at pinagmamasdan ang aking anak na masayang nakikipaglaro.

Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya ang kanyang mama,kuya at ang hipag niya na nakaupo sa lawn at nagtatawanan. Nakapako ang mga mata nito kay George na naglalaro ng bola. Nawawala ito sa paningin niya sa tuwing hinahabol ng anak ang bola at masayang lumalakad pabalik sa kinatatayuan niyo. Tumatawa ang mga ito sa tuwing sumisimangot ito kapag hindi kaagad nahahawakan ng mumunti nitong mga palad ang bola.

Napapangiti din ako sa tuwing nakikita ko ang pagiging impatient ni George. While growing up he inherited all his father's mannerism not just his looks.

Nang hindi na ito makapagpasensya sa pagkuha ng bola ay naupo ito at nagsimula ng humibi at alam kong ano mang sandali ay iiyak na ito.

Tumingin ito sa harapan nito na aking ikinapagtaka dahil nasa likod lang nito ang lala,uncle at aunty niya. Hindi nga ako nagkamali dahil nagsimula na nga itong umiyak pero nakatingin pa rin sa harapan nito. Hindi ito nilapitan nila mama,natahimik din ang mga ito at nakatingin din sa direksyon na tinitingnan ng anak ko.

"Ball!" Iyak ng anak ko at tinuturo ang bola na nasa harapan nito "Ball" patuloy nito sa pagiyak.

Lalapitan ko na sana ito,nakakadalawang hakbang palang ako ng mapahinto ako sa aking muling paghakbang.

Geoffrey?

Inimuwestra dito ng aking anak ang dalawang kamay tanda na gusto nitong magpabuhat sa nilalang nasa harapan nito.

"Dada.... ball.....dada....."

Nabubuwisit na nagpapapadyak ang ito at ang pag iyak ang paraan nito upang makuha ang atensiyon ng sino mang nasa paligid nito.

George called him dada?

Hindi ko makita ang reaksyon nila mama dahil nasa likod nila ako.

Nakangiting lumapit si Geoffrey kay George "Hey young man,you are a little impatient there,that is not good,come" binuhat nito ang anak ko? Binuhat niya ang sarili niyang anak? At tumahan agad ito sa pagiyak ng makayakap sa kanyang ama. Nakasubsob ang mukha nito sa leeg ng kanyang ama.

"Ball" turo nito sa bola "get ball dada...get ball"

"Okay! Okay! I will get that for you" yumuko ito at kinuha ang bola at iniabot ito kay George na nakaakarga pa rin dito "I think I know where you got that attitude young man" nakangiti itong nakatingin lang kay George.

The moment he's holding his own son, drop of tears suddenly rush falling from my eyes. It was beyond explainable,it's beyond everything and I'm suddenly lost.

I don't know what will happen if he finds out about his paternity to George. Seeing them this close together,laughing and playing make me feel so bad,It felt so horrible.

"Oh man! He wants your attention,sorry about that!"

Nalipat ang pansin ko kay kuya dahil sa sinabi nito. Everyone knows George wants his dada's attention,he wants his father around him and I'm too selfish that I ignored what makes him happy.

The playful Greek dadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon