Tulad ng nakasanayan ko na ay maagap pa lang ay nasa station ko na ako. Naiwan ko na naman si George sa pangangalaga ni kuya at ng kanyang asawa. Tulog pa si George ng umalis ako. I'm thankful na okay lang kay ate Diane na alagaan niya ang baby ko kapag nasa trabaho pa si kuya.
Si ate Diane ay girlfriend ni kuya since nong nasa sa London pa lang kami,pure British siya,di tulad namin ni kuya na half British and half filipino,ng mapadestino siya sa Sydney ay napagkasunduan nilang dalawa na magpakasal. Isang taon na silang kasal at tahimik na namumuhay dito sa Sydney pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Palagi din nila akong kinukulit na sumunod sa kanila,pero dahil masaya naman ako sa aking trabaho at sa aking buhay ay lagi ko silang tinatanggihan lalo na ng makilala ko Si Geoffrey. Pero di kinalaunan ay sumunod na din ako kina kuya at ate dito sa Sydney.
Akala ko noon madidisappoint sila sa akin ng malaman nila na nabuntis ako ng walang kikilalaning ama ang magiging baby ko,sa gulat ko ay napaiyak ako sa harapan nilang dalawa. Dalawang kamay nila akong tinanggap pati na rin ang baby ko na noon ay nasa sinapupunan ko palang. Naikwento ko rin sa kanila ang nangyari pati na rin kung sino ang ama.
Pareho silang nagulat noon ng malaman na si Geoffrey ang ama ng magiging anak ko. Sino ba ang hindi magugulat kung malalaman ng mga taong nakakakilala sa kanya na isang mayamang negosyante ang ama ng anak niya. Iginalang naman ng mga ito ang naging desisyon niyang hindi na muna ipaalam sa ama ng anak niya ang kondisyon niya kahit pa sa tuwina ay lagi siyang kinukumbinsi ng kapatid at ng hipag niya.
Hindi naging madali ang pagbubuntis niya dahil sa mga morning sickness niya at hormonal imbalances,naging dahilan ito para tumigil siya sa pagtatrabho sa isang sikat na clothing company bilang assistant manager na rekomenda ng kanyang ate Daine.
Mabuti nalang at may kaunti siyang naging ipon noon sa pagtatrabaho kaya hindi siya masyadong nagiisip ng tungkol sa pera kahit pa lagi siyang kinukulit ng kapatid at asawa nito na tulungan siya financially. Para sa kanya sapat na ang tulong ng mga ito sa pagtanggap kanyang kalagayan at sa pagmamahal na ibinibigay ng mga ito para sa kanya at sa baby niya. Naisipan na din niyang bumukod sa mga ito pero hindi pumayag ang ate Diane niya. Kaya naman mahal na mahal niya ang mga ito na parang naging mga magulang sa kanya,sa paggabay ng mga ito sa kanya mula noon hanggang ngayon..
--------
She was busy filing some papers when the phone ring.
"Planeighan system developing company,this is Shelei,how may I help you?"
"Shelei! Office of the president immediately"
Sanay na siya sa tono na iyon ni Marlyn the CEO's secretary. Masyadong istrikta ang matandang sekretarya.
She got confused why would she be needed in the CEO's office. Ang pagkakaalam niya ay istrikto din ito tulad ng sekretarya nito.
Kahapon ay hindi niya alam ang dahilan kung bakit nandito si Geoffrey. Ngayon ay napapaisip siya kung bakit siya pinatatawag ng presidente. Could it be the scene yesterday morning? Pero sa pagkakatanda niya wala naman siyang ginawang pagkakamali nagbatian lang naman sila.
Habang patungo sa opisina ng presidente ay puno ng mga katanungan ang kanyang isipan. Hindi na niya namalayan na nakarating na pala siya at nasa harapan na ng sekretarya.
"They are expecting you inside Miss. Adams,just come in"
They? Kinabahan siya sa isipin na hindi lang ang presidente ang nasa loob.
Kumatok siya ng dalawang beses bago pihitin ang seradura ng pinto na siyang pagsalakay naman ng kaba sa puso niya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang pumasok ng opisina. Nadatnan niya ang dalawang lalaki na kausap ng matandang presidente.
BINABASA MO ANG
The playful Greek dad
RomanceShilei had a month affair with the greek millionaire debonair Geoffrey kairos. Almost two years had past and they meet again,with the love child she kept from him,now,it makes her life like a roller coaster.