Maagap pa lang nasa Planeighan system developing company na siya. Kung ang ibang empleyado ay alas otso y medya ang time call,siya naman ay alas otso ay naka pwesto na sa kanyang station. Ganon naman talaga dapat kung ikaw ang tamatanggap ng mga tawag mula sa kung saan saang klase ng kompanya at kung ano ano pang rason na kaugnay sa kompanyang pinagtatrabahuhan bago ipasa sa mga secretaries ng mga iba't ibang sangay ng kompanya.
Ang araw na ito ay hindi iba sa mga nakaraang araw na nagdaan. Pero ramdam sa buong kapaligiran ang pagiging abala ng mga empleyado lalo na ng mga nakakataas sa posisyon. Ramdam din niya kung gaano ka tense ang mga ito.
Di pa man siya nag iinit sa kinatatayuan niya ng maramdaman niya ang klase ng kaba na minsan na niyang naramdaman na pilit winawaglit sa isip at sa puso niya sa loob ng dalawang taon na nakalipas.
"Good morning everyone"
That voice! Hindi siya pwedeng magkamali. Hindi man niya ito nakasama ng matagal,hindi ito naging dahilan upang hindi niya makilala ang may ari ng boses na iyon.
Itinuon niya ang pansin sa mga executives ng kompanya na nakapalibot sa isang lalaki na matangkad,ang itim nitong buhok na alam niyang masarap pahaginan ng mga palad,ang prominente nitong ilong,mga matang matalas tumingin,ang labi nitong hindi gaanong makapal at ang katawan nito na alam niyang sagana sa ehersisyo.
Twenty two months,almost two years. Ganoon katagal niya itong huling nakita.
Hindi siya dapat nitong makita doon,naisip niyang pumunta sa panrty kung saan naroroon ang employee's lounge. Doon muna siya mananatili hanggang sa makaalis ang taong gustong pagtaguan.
"Braille, pwede bang ikaw muna dito? Nahilo lang ako bigla sa lounge lang ako"
Hindi naman nagdalawang isip ang kasama niya sa station at pumayag itong I-take over ang posisyon niya.
"Thanks Braille"
Ngumiti lang ito sa akin. Kinuha ko lang ang aking shoulder bag at naghanda ng umalis papunta sa pantry.
Hindi pa man ako nakakahakbang paalis sa station ko ay binalot na ako ng kaba,sa boses na iyon na tumawag aking pangalan.
"Shilei?"
Ang boses na iyon na aking kinapanabikan na muling marinig sa loob ng dalawang taon.
Humarap ako sa pinanggalingan ng boses na iyon upang makita siya na nakatitig sa akin.
Ang mga matang kung tumitig ay kayang tunawin ang lahat ng agam agam sa aking kalooban.
"Geoffrey?"
Nahawi ang mga tao sa paligid nito ng humakbang ito palapit sa kinaroroonan niya.
"You work here?"
Hindi makapaniwalang saad nito.
"Yes! Im a receptionist here"
BINABASA MO ANG
The playful Greek dad
RomansaShilei had a month affair with the greek millionaire debonair Geoffrey kairos. Almost two years had past and they meet again,with the love child she kept from him,now,it makes her life like a roller coaster.