Chapter 7

4 1 0
                                    

Aislinn's POV

Pumasok na ako sa classroom at wala na talaga akong pakialam sa ibang tao. Wala na akong ibang inisip kundi ang pagkikita naming mamaya, pagkabell na pagkabell mabilis na kong tumayo at naglakad papuntang cr. Inayos ang aking buhok at medyo pinunasan ang aking salamin, nagbanlaw ng mukha at pinunasan ito saka nagpulbo. Humarap sa salamin at huminga ng malalim. Aislinn kaya mo to, kelangan momg tanggapin kung ano man ang mangayayare mamaya okay. Wika ko at saka ako lumabas ng cr. Bigla namang tumunog ang aking cellphone at message nya ang nakita ko.

Boy: "hey, excited na akong makilala ka. Kita nalang tayo sa canteen, amm may dala akong red na panyo. Pero sigurado namang makikilala agad kita" message nya

Aislinn: "sige" reply ko at dahan dahan naman akong nagtungo sa canteen.

Umupo muna ako sa isang table na walang estudyante saka nagpalinga linga para hanapin kung sino sa mga estudyanteng ito ang mamaaring lalaking iyon. Naghintay ako ng ilang minute ngunit wala talaga kong estudyanteng makitang may pulang panyo at wala ding estudyante na nagiisa liban saakin. Nang bigla naman akong may narecieve n text message.

Boy: "pasensya na, malapit na ako"

Aislinn: "sige hihintayin na lang kita" reply ko nang marinig ko ang pagkakagulo ng mga estudyante sa pagdating ng isang grupo. Nandito nanaman sya, masisira nanaman ang araw ko dahil sa kanya. Nandito na ang gamuhong boss na yon. Sa pagkakatitig ko sa pagdating nila ay napatingin din saakin ang boss kaya agad akong umirap at ibinaling ang mata sa iba habang naghihintay.

Pero sa hindi ko maintindihan ay lumapit ang grupo saakin, hindi ko alam kung nanadya na ba talaga ang gamuhong ito para sirain ang araw ko o sumpa na talaga sya sa buhay ko.

Boss: "hoy! babae umalis ka dyan!" utos pa nito saakin. Ang kapal talaga ng mukha nya para utusan ako

Aislinn: "may hinihintay ako kaya wag kang magulo!" galit kong sagot sa kanya

Boss: "wag mong sirain ang araw ko"

Aislinn: "first of all ikaw ang sumisira sa araw ko. Second hindi ba nasisira ang araw mo kapag tumitingin ka sa salamin and last but not the least hindi mo ako pagmamay ari para sumunod sa mga utos mo"

Boss: "talagang! Alam mo umalis kanalang habang maganda pa ang mood ko. Okay?" wika nito at nakatingin naman saakin ang iba pang mga estudyante na parang ako patalaga yung mali

Aislinn: "lamunin mo yang lamesa mo!" galit kong wika at saka padabog na umalis

Boss: "oh asan na yung panyo ko?"

Kalen: "eto na boss"

Nakakainis na talaga ang lalaking yun, akala mo kung sino. Huh!

Naglakad na lang ako papalayo sa canteen dahil sa pagkasira ng araw ko at patapos narin ang recess mukhang hindi ata matutuloy ang pagkikita naming dalawa.

Ilang minuto pa ay nagtext ulit sya saakin.

Message

Boy: "asan kana? Nandito na ako hinihintay ka"

Aislinn: "ah sorry, pwede bang next time na lang? Kasi may gamuhong nang akin ng lamesa ko"

Boy: "sayang naman"

Aislinn: "sorry, patapos narin kasi ang recess kelangan ko naring pumasok sa next class ko"

Boy: "sige, next time na lang"

Dumaan ang maghapon at talaga namang kumukulo ang dugo ko sa gamuhong yun. Kung sana lang wala sya ede sana nameet ko na yung tao. Nakakainis sya, napakasarap nyang sapakin.

Nerd vs. The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon