Aislinn's POV
Mahaba naman ang naging tulog ko kanina, pero bakit pakiramdam ko parang pagod parin ako.
Cliez: "Oh okay ka lang ba Aislinn?" tanong nito saakin pagkalabas ko ng kwarto para umalis na at pumasok habang kumakain pa lang sya
Aislinn: "huh? Oo okay lang ako" matamlay kong sagot
Cliez: "okay na ba kayo ni Boss?" pag-aalala pa nito
Aislinn: "mas maganda sigurong wag muna nating pagusapan" pangngiti ko dito
Cliez: "wait papasok ka na ba? Sabay kana saakin, matatapos na din naman akong kumain"
Aislinn: "ah hindi na magcocomute na lang ako, saka nagmamadali narin ako may kelangan pa din kasi akong ipasang report sa principal office ngayon. Mauna na ako"
Cliez: "sige kita na lang tayo sa school" wika nito at saka naman ako umalis
Sumakay na ako ng Jeep na para bang maysakit ako sa tamlay at lungkot ko ngayon. Pagkababa ko sa may kanto ng school ay medyo malamig ang simoy ng hangin at wala pang medyo estudyante dahil nga sa maagap pa. Naglakad lakad na ako patungo sa school nang bigla na lang may mabilis na van na tumigil sa harapan ko at saka mabilis na nagbukas ang pintuan nito.
Boy 1: "hi miss! Ikaw ba ang girlfriend ng sikat na si Boss?" tanong ng lalaking nasa van na hindi mapagkakatiwalaan ang pagmumukha
Ailsinn: "boss?"
Boy 1: "oo walang iba jundi si Boss Josiah Bradford!"
Boy 2: "wag mo na kasing tawaging boss, mamaya baba na rin yun sa pwesto nya hahahahaha" pagsingit ng isang lalaki sa loob ng van
Aislinn: "hi-hindi ko alam ang sinasabi nyo. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nyo" takot kong wika, nagpalinga linga din ako sa paligid kung meron ba akong mahihingian ng tulong dahil iba na ang pakiramdam ko sa mga ito. Natanaw ko naman ang guard ng school na medyo malayo pa.
Boy 1: "hindi mo alam?" gulat nitong wika "boys mukhang niloloko tayo nitong bisita natin!" wika nito sa loob at saka naman inilabas ang isang babaeng nakaschoool uniform, medyo madumi na rin at sira ang uniform nya at umiiyak pa ito at duon na nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.
Boy 3: "diba sya yung sinasabi mong girlfriend ni Boss?!" wika ng driver ng van
Estudyante: "huhuhuhu, pakawalan nyo na ako" pagiiyak nito at napahakbang nalang ako sa takot
Boy 1: "tinatanong ka!" galit nitong wika na lalong nagpatakot sa estudyante
Estudyante: "huhuhuh oo sya, sya yung girlfriend ni boss, si Aislinn Marcellus huhuhuhu"
Boy 1: "oh Aislinn Marcellus" masamang tingin nito saakin
Ailsinn: "TULONG!!-" sisigaw nasana ako ng bigla nila akong hinatak paloob at tinakpan ng panyo ang aking ilong saka naman tinulak papalabas ng van ang estudyante. Napakatapang ng amoy ng panyo na naging dahilan ng aking panghihina at panlalabo ng mga mata at tuluyan ng nawalan ng malay.
Boy 1: "ano nakapagsumbong na kaya yung estudyanteng iyun kay Josiah?"
Boy 2: "dalawang oras pa lang naman ang nakakalipas, sure naman akong pupunta yung boss na yun!" paguusap nito at unti unti naman akong nagising, medyo nahihilo pa ako at masakit pa din ang ulo ko. Agad ko namang napansin ang mahigpit na pagkakatali ko sa bangko ganun din ang kamay ko. Hannggang sa napansin ng isa sa kanila ang pagkilos ko.
BINABASA MO ANG
Nerd vs. The Boss
Roman pour AdolescentsIsang kwento ng bagong estudyante na papasok sa isang mayamang paaralan, scholarship lang din ang kanyang inaasahan para makatagal sa paaralang ito. Isa lang naman ang hinihiling nya ang makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho sa hinaharap pa...