Allison's POV
Dumaan pa ang isang araw at ito na ang kaarawan ko kung kelan magiging legal age na ako. Naging handa at perpekto ang lahat para sa celebration ng party ko. May marangyang handaan, malawak at magandang lugar, magandang gown at kung ano ano pa. Dati kahit sa panaginip hindi ko man lang inasahan ang ganito sa buhay ko. Pero ngayon nakaharap na ako sa pintuan habang suot suot ang isang napakaganda at mabulad na gown na kulay pula. Nakamaskara ng itim at tipong hindi makikita ang buong hitsura ko. Nasa likuran ko naman si Lyka na nagtutulak ng wheelchair habang nasa kaliwa ko ang butler.
Butler: "handa ka na ba Miss Moonrae?" tanong nito sa akin.
Tumingin ako sa pintuan na nasa harapan ko, sigurado pagbukas ng pintong ito isang malaking resposibilidad ang dapat kong pasanin. Bumuntong hining muna ako sabay sabing
Allison: "handa na ako" wika ko at saka nagsimulang itinulak ang wheelchair at dahan dahang bumukas ang pintuan.
Napakaraming ilaw agad ang sumalong saakin na halos mabulag na ako sa kinang ng mga ito. Mga pulang rosas ang nakabalot sa tabi ng hagdan na binababaan ko, at iba pang uri ng mga bulaklak ang nakadekorasyon sa paligid. Napakaganda at engrande ng lahat hanggang sa mapatinigin ako sa ibaba at nakita ko dun ang dumi na sumisira sa lahat. Si Mr. Dowry na nakatingin saakin habang ako ay bumababa. Nakangiti na aakalain moy amang naghihintay sa kanyang anak, pero hindi nya ako maloloko sa kanyang mga mata dahil basang basa ko ang bawat galaw at ngiti nya lahat ay peke.
Mr. Dowry: "let me" wika nito kay Lyka at sya naman ang humawak at tumulak sa wheelchair ko at saka ako dinala sa harapan nilang lahat.
Habang tinutulak nya ako ay napatingin ako sa gawi ni Ellisia na nakangiti din saakin habang hawak hawak nya ang kamay ni Josiah. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na masaktan pero hindi ko dapat sya pagtuonan ng pansin. Ang saamin ni Josiah ay matagal ng tapos at ang Aislinn na nakilala nya ay matagal ko ng inilibing.
Mr. Dowry: "Everyone Please welcome my one and only niece. Maddison Moonrae!" pagpapakilala nito saakin sa lahat saka naman sila nagpalakpakan. Lahat sila ay nakangiti saakin, pero imbes na kasiyahan ang maramdaman ko, bigat at pagdududa ang meron ako. Sino ba sa kanila ang totoo? Sino ba sa kanila ang kasabwat sa pagkawala ng pamilya ko? Lahat sila ay hindi maaring pagkatiwaalan, wala dapat sa kanilang pagkatiwalaan.
Pinasyal at pinakilala ako ni Mr. Dowry sa ibat ibang bisita at tumatango lang ako sa kanila.
Mr. Dowry: "Maddi, this is Mr. Bradford" pagpapakilala nito saakin
Mr. Bradford: "its an honor to meet you Miss Maddi?" magalang nitong wika
Mr. Dowry: "Maddison Moonrae, hindi ko nga alam kung bakit walang pangalan na Maddison ang party na ito. Puro na lang bulaklak at lobo, at isang malaking Moonrae lang ang nakalagay sa labas, hays hindi talaga mapagkakatiwalaan ang butler mo nayan sa mga ganitong bagay. Nawalan ka tuloy ng pangalan" pagwiwika pa nito
Mr. Dowry: "by the way, this is Mrs Braford" wika nito sabay turo sa babaeng nasa kaliwa. Hinding hindi ko sya makakalimutan.
Mrs. Bradford: "nice to meet you iha" masaya nitong wika. May mga taong talagang binabase kung papaano sila makikitungo sa kapwa nila ukol sa katayuan nito. Hindi mo mababakas sa mukha nya ngayon kung papaano sya humarap saakin dito na may buong pagmamaliit saakin.
Ellisia: "and they are my future parents in laws" masaya nitong singit sa paguusap naming "hi tita, hi tito" pagbati pa nito
Mrs. Bradford: "oh nasan si Josiah"
Ellisia: "ah may inaayos lang daw po dun"
Mrs. Bradford: "yan talaga si Josiah, basta basta ka na lang iniiiwan"
BINABASA MO ANG
Nerd vs. The Boss
Ficção AdolescenteIsang kwento ng bagong estudyante na papasok sa isang mayamang paaralan, scholarship lang din ang kanyang inaasahan para makatagal sa paaralang ito. Isa lang naman ang hinihiling nya ang makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho sa hinaharap pa...