Ellisia's POV
Hindi na ako mapakale sa bahay ng bigla namang nagtext saakin ang ospital. Pwede ko nangmakuha yung DNA test na binigay ko sa kanila. Mabilis na akong nag ayos para pumunta sa ospital at agad ko namang nakuha ang DNA result.
Nagdadalawang isip pa ako kung dapat ko itong buksan dahil una sa lahat naproclaim na si Jeadis bilang isang Moonrae tapos sabi ng dad wala na daw dapat problemahin. Pero hindi bubuksan ko ito. Unti unti kong binuksan ang papel at laking gulat ko na lang sa nakita ko.
Ellisia: "it's NEGATIVE" gulat kong wika
0% ang match ni Jeadis at ni Allison? Hindi sila magkapatid? What? Pero, ibigsabihin hindi isang Moonrae si Jeadis?
Kaylangan nilang malaman ito, kaylangan ng dad na malaman ito. Kaylangan ni Allison malaman na hindi nya talaga kapatid si Jeadis, nagpapanggap lang si Jeadis!
Mabilis na akong nagpahati sa mansion sa driver ko at saka patakbong pumasok sa loob at hinanap si Allison.
Mr. Dowry: "sinong hinahanap mo Ellisia?"
Ellisia: "nandito ka pala dad, si Allison po ba nandito?"
Mr. Dowry: "wala lumabas sya kasama si Jeadis, bakit mo sya hinahanap?"
Ellisia: "huh? Dad may nalaman ako tungkol kay Jeadis! Alam kong hindi kayo maniniwala dito at kelangan ding malaman ito ni Allison"
Mr. Dowry: "nalaman?"
Ellisia: "oo dad, eto" wika at masigla kong pang inabot ang DNA result kay dad at saka nya ito dahan dahang binuksan
Ellisia: "dad, kumuha ako ng samples nilang dalawa at hindi sila nagmatch ni Allison. Si Jeadis at Allison hindi magkapatid, hindi tunay na Moonrae si Jeadis!" masigla kong wika pero nagtaka na lang ako dahil walang reaksyon ang dad
Mr. Dowry: "hindi isang Moonrae si Jeadis?" wala reaksyon nitong wika
Ellisia: "ye-yes dad, sabi dyan sa DNA result"
Mr. Dowry: "for now magkapatid sila"
Ellisia: "dad?" gulat kong wika
Mr. Dowry: "Ellisia, hindi ka na dapat nagsasayang sa mga walang kwentang bagay katulad nito" wika nito habang pinupunit ang DNA result na binigay ko
Ellisia: "pero"
Mr. Dowry: "hindi pa napapanahon na malaman nilang hindi sila magkapatid" bulong nito saakin habang ginugusumot ang papel. At bigla namang may tumunog na papapasok na sasakyan.
Allison: "oh Ellisia nandito ka pala" pagpasok nito sa mansion at agad naman inilagay ni dad ang DNA Result sa bulsa nya at saka ko hinarap kay Allison.
Mr. Dowry: "dumaan lang si Ellisia, diba Ellisia"
Ellisia: "huh? Ah o-oo"
Mr. Dowry: "ikaw Allison, akala ko pupuntahan mo si Jeadis?"
Allison: "meron po kasi silang group project na tinatapos kaya hindi ko muna po ginulo"
Mr. Dowry: "ganun ba"
Allison: "amm, nandito na din po si Ellisia. Sya na lang po ang isasama ko sapaglabas, kung pwede lang po sa kanya. Medyo matagal na din po kasi kaming hindi nakakalabas"
Mr. Dowry: "ofcourse pwedeng pwede yun kay Ellisia. Hindi ba Ellisia?"
Ellisia: "oo naman, walang problema"
BINABASA MO ANG
Nerd vs. The Boss
Fiksi RemajaIsang kwento ng bagong estudyante na papasok sa isang mayamang paaralan, scholarship lang din ang kanyang inaasahan para makatagal sa paaralang ito. Isa lang naman ang hinihiling nya ang makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho sa hinaharap pa...