Chapter 9

3 1 0
                                    

Aislinn's POV

Kinagabihan nakapagdesisyon na ako na hindi ko aaminin kahit kanino ang totoo, mas Mabuti pang ganito nalang. Kakalimutan ko nalang lahat, hindi totoo ang mga fairy-tale na maiinlove ang isang prinsipe sa isang mahirap na katulad ko. Kaya ayuko ng umasa, kelangan ko nang tapusin ang lahat ng ito. Eto na ang final message ko para kay Josiah.

Message: "Mr. Josiah Bradford, Salamat sa oras na ibinigay mo saakin. Mukhang hanggang dito nalang talaga ang pananaginip ko, sana maging masaya kana, maging masaya na kayo. Mas Mabuti pang ganito na lang, kaysa naman umasa pa ako. Salamat ulit" Message sent...

Josiah's POV

Matapos ang buong maghapong klase ay nagpaparty ako sa buong grupo dahil sa pagdating nang bagong babae sa buhay ko.

Kalen: "sa wakas, hindi na ulit palaging magagalitin si Boss!"

Anwyll: "tama"

Kalen: "at dahil yun kay Ellisia. Katagal tagal na ni boss nagmamaktul pero nasa tabi nya lang pala ang tamang babae na makakalutas ng mga sakit nya. Si Ellisia lang pala! Bakit ba kasi antagal mo pang napansin si Ellisia, Boss?" sigaw pa nito

Ellisia: "ano ba kayo, sapat na saakin na ngayon sa wakas nakita narin ako ni Josiah" pagakap nito saakin

Kalen: "yown! Ang sweet. Ako kaya Kelan?"

Anwyll: "manahimik ka nalang Kalen, sa dami ng babae mo kahit kelan pwede kang magkajowa" mahinahon nitong wika at pagtatawa naman ng iba ko pang barkada

Kalen: "tama na, palagi na lang ako. Teka matanong ko lang Ellisia, anong ginawa mo para mapaibig mo ang pusong bato naming Boss?"

Ellisia: "huh? Ah-eh. Ano-"

Josiah: "yung sa Frio highschool party" sagot ko

Kalen: "nong last event lang?"

Josiah: "oo, nakita ko kasi si Ellisia non, naglalakad papalayo sa party. Tapos sinundan ko sya, medyo nagandahan din kasi ako sa kanya" pagngiti ko

Kalen: "ayieeee! Kinikilig si Boss, yieeee" pangngungutyaw pa nito

Josiah: "manahimik ka! Patapusin mo muna ako!" galit kong wika sa kanya

Kalen: "ay sorry" pagtahimik naman nito

Josiah: "sinundan ko si Ellisia, hanggang sa mapatigil sya sa may likod ng garden at ang balak ko lang non ay kunan sya ng picture kaso pagkapicture ko sa kanya nalaglag yung phon ko. Dahil sa dilim hindi ko masyadong maaninag, hanggang sa napansin n ani Ellisia na nandon ako. Tinulungan nya akong mahanap yung phone ko"

Kalen: "tapos yun na? Hindi naman naming kayo nakikitang magkasama ni Ellisia. Isang gabi lang nahulog na agad ang loob nyo sa isat isa ganon?"

Josiah: "hindi naman kasi ganon lang ang nangyare. Patapusin mo kasi ako Kalen kung gusto mo pang umuwi ng buo"

Kalen: "ay hahaha, sorry"

Josiah: "naging magkatext kaming dalawa ni Ellisia without knowing each other's identity at doon ko sya mas nakilala at minahal"

Anwyll: "without knowing each other?"

Josiah: "oo kasi phone number nya lang yung nakuha ko that time at hindi ko man lang naitanong ang name nya"

Kalen: "grabe ka Boss, ang angas mo. Kinuha mo ang cellphone number nya instead of pangalan nya muna?" wika nito at tiningnan ko naman sya nang masama "oo nga, sabi ko nga ititikom ko na lang yung bibig ko" wika nito sabay tahimik

Nerd vs. The BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon