Aislinn's POV
Napakahabang byahe, pagkadating naming sa Canada ay may naghihintay naman saaming itim na kotse para sunduin kami at saka nagpatuloy sa isang napakalaking bahay. Napakalawak ng harapa nito at talaga namang napakarangya.
Pagkapasok ko pa sa loob ng bahay ay medyo nahilo pa ako dahil sa laki nito at kikinang ng mga gamit na dito.
Butler: "okay ka lang ba Miss Allison?"
Aislinn: "huh? Ah eh, di-dito ba tayo titira"
Butler: "habang nandito tayo sa Canada dito lang muna tayo mamalagi"
Aislinn: "nakapalaki, at napakaganda. Siguradong mayaman talaga ang may ari nito" wika ko at bigla na lang namang napangiti ang butler
Butler: "Miss Allison, pamilya mo ang may ari nito. At dahil ikaw na lang ang tagapagmana, inshort sayo ito. At isa lang ang bahay na ito sa napaaraming properties na pagmamay ari ng pamilya mo"
Aislinn: "seryuso?"
Butler: "oo, amm baka pagod ka na. Maari ka ng magpahinga at pinahanda ko narin ang kwarto mo, bukas na lang natin paguusapan ang mga bagay bagay"
Aislinn: "huh? Si-sige, san yung kwarto ko?"
Butler: "amm pasasamahan na lang kita sa maid" wika nito at saka tumawag ng isang maid at saka naman ako pinasamahan sa isang malaking kwarto.
Grabe hindi na talaga ako makapaniwala sa napakalaki at napakalawak ng kwartong ito, e parang bahay na naming ito e. Napahiga na lang ako sa napakalambot na kama, grabe yung lambot ansarap sa likuran. Nagpagilong gilong pa ako dito na parang bata habang unti unting nahihilo sa mga ilaw sa itaas hanggang sa tuluyan na akong nakaidlip.
Aislinn: "Grabe ang sarap ng tulog ko, anong oras na?" wika ko sabay hanap ng aking mga mata ng orasan at ganun na lang ang pagkagulat ko ng napakaraming maids ang nasaharapan ko ngayon na nakangiti pa saakin
Maids: "good morning maam!" sabay sabay nilang bati saakin
Aislinn: "morning na agad?" gulat kong wika
Maid: "maam oras na po para bumangon kayo" wika nito saakin sabay dahan dahan akong pinatayo at saka isa isa silang sumama saakin isa pang malaking kwarto.
Pinunasan nila ang mukha ko, sinuotan ng bathrobe at pinalitan pa ang aking tsinelas. Ganun na lang talaga ang pagtataka ko sa mga ginagawa nila. Matapos akong maglinis ng kaunti at magayos ay agad na nila akong sinamahan para daw kumain ng umagahan. Ilang lakad pa at nakarating na ako sa isang malaki at mahabang lamesa na napakaraming pagkain. At nakita ko namang nakatayo sa hindi kalayuan ang butler at saka hinigit ang isang upuan para maupo na ako.
Parang piesta talaga ang pagkain nila dito, napakarami at napakararangya.
Butler: "sige na, kumain ka na. Dahil pagkatapos mo dyan magsisimula na ang meeting natin"
Aislinn: "grabe napakaraming pagkain, kung ganito ng ganito ang ihahanda nyo saakin baka wala pang isang linggo tumaba na ako na parang baboy"
Butler: "hindi ka tataba" pagngiti nitong wika saakin at tiningnan ko na lang sya ng buong pagtataka "ang mga nakahandang pagkain na yan ay calculated ang mga calories at tinanggal din ang mga parte na maaring maging dahilan ng kahit ano mang sakit, dahil ang pinakamahalaga dito ay ang kaligtasan mo sa lahat"
Aislinn: "oww, kahit ubusin kong lahat na ito? Hindi ako tataba? Talaga?"
Butler: "wag kang magalala kapag nadagdagan ang timbang mo, nakikita mo yang garden na yan? Patatakbuhin kita dyan" pagkaseryuso pa nito
BINABASA MO ANG
Nerd vs. The Boss
Dla nastolatkówIsang kwento ng bagong estudyante na papasok sa isang mayamang paaralan, scholarship lang din ang kanyang inaasahan para makatagal sa paaralang ito. Isa lang naman ang hinihiling nya ang makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho sa hinaharap pa...