Allison's POV
Pumipirma lang ako ng marinig ko ang kaguluhan sa hindi kalayuan, ang butler ko hinuhuli ng mga pulis. Ano bang nangyayare? Nairinig ko na lang na suspect sya sa pagpatay kay papa. Ano?! Papaanong?!
Gulat na gulat ako at lalapitan ko sana sya ng makita ko naman ang pagpasok ni Mr. Dowry. Nakalabas na sya? Hindi ba sya ang suspect sa pagpatay kay papa. Hindi na ako halos makagalaw dahil papalapit na sya saakin ng papalapit at kinaladkad na ang butler ko ng mga pulis.
Mr. Dowry: "sige na maupo kana Allison, mamaya ko na lang ipapaliwanag sayo" wika nito at hindi ko alam pero pakiramdam ko nawalan na akong kakampi sa silid na ito at wala akong magawa kundi ang sundin si Mr. Dowry.
Natapos na ang mga pirmahan at para lang akong puppet na walang magawa kundi ang sumunod habang pabilis na ng pabilis nag pagtibok ng puso ko.
Pagkatapos ng lahat ay pinaalis na din ang press, at ang natira na lamang sa loob ng kwarto ay ako, si Mr. Bradford, si Jeadis at si Mr. Dowry.
Mr. Dowry: "ipapaliwanag ko sa inyo ang nangyare sa butler mo Allison, diba sinabi ko na sayo wag kang magtitiwala basta basta lalo na sa hindi mo kadugo. Si Robert Marasigan ang tunay na pumatay sa papa nyo"
Allison: "sinungaling ka! Anong dahilan ng butler ko para patayin ang papa?!"
Mr. Dowry: "dahil sya ang karelasyon nuon ni Hela!"
Jeadis: "what? Ng biological mother ko?"
Mr. Dowry: "oo at sapat ng dahilan yun para patayin nya si Peter, magkasintahan sila ni Hela ng bumalik si Peter dito sa Pilipinas. At magkasintahan din sila ng matalaga si Robert bilang personal butler ni Peter. At ng magkaroon ng relasyon si Hela at Peter, at yun ang dahilan nya para patayin si Peter dahil sa galit at inggit dito"
Allison: "hindi totoo yan!"
Mr. Dowry: "yun ang totoo! After 15 years natakot sya nabaka malaman ng lahat ang katutuhanan sa pagpatay nya kay Peter kaya ginamit ka nya. Ginamin nya ang sarili kong pamangkin para ako ang palabasin nya na pumatay sa sarili kong kapatid!"
Allison: "hindi!" mangiyak ngiyak kong wika
Mr. Dowry: "yun ang katutuhan Allison! Alam mo bang sya rin ang naglagay kay Jeadis sa ampunan instead na ibigay sya saakin dahil pamangkin ko sya! Dahil gusto nyang itago sa lahat na nagkaroon ng tunay na ugnayan sila Peter at Hela at nagkaroon yun ng bunga!"
Allison: "nagsisinungaling ka" umiiyak kong wika
Mr. Dowry: "para sayo din itong ginagawa ko, dahil pamangkin kita. Bakit hindi mo tanungin ang butler mo kung sya ba talaga ang kasintahan ni Hela nuon? Para malaman mo mismo ang katutuhanan sa kanya!"
Allison: "sinungaling ka!" galit kong wika at saka umiiyak na umalis.
Sumakay na ako sa kotse at nagpaderetso na sa presinto para makausap ang butler. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago ako pumasok sa presinto at humingi muna ako ng ilang oras para makausap ang butler ko.
Pagkapasok ko sa presinto ay agad kong narinig ang paguusap ng mga police at ng butler ko. Humingi muna ako ng oras sa mga police pra pribadong makausap ang butler ko.
Butler: "Salamat nandito ka Miss Allison, wag kang maniniwala sa kanila. Wala akong kinalaman sa pagpatay sa papa mo-"
Allison: "isa lang po ang gusto kong malaman kaya ako nagpunta dito"
Butler: "oo sasabihin ko nasana sayo ang lahat Miss Allison kaso-"
Allison: "totoo po bang nagkaroon kayo ng relasyon ni Miss Hela Rudriguez"
BINABASA MO ANG
Nerd vs. The Boss
Teen FictionIsang kwento ng bagong estudyante na papasok sa isang mayamang paaralan, scholarship lang din ang kanyang inaasahan para makatagal sa paaralang ito. Isa lang naman ang hinihiling nya ang makapagtapos at magkaroon ng maayos na trabaho sa hinaharap pa...